Season 1: Episode 15

548 53 15
                                    

Bakas ang labis na pasasalamat kay Keira nang maupo na uli kami sa sofa. Samantalang si Codi naman ay labis kung makasimangot. Sarap batukan ng ungas.

"How about your parents, nasaan na sila?" I asked.

"Patay na si Papa. Si Mama naman, OFW," paninimula naman ni Keira. Umupo siya sa couch na nasa tabi ng sofa, "na-contact ko na siya. Swerte nga at mabait ang mga amo niya, sila pa mismo ang nagbigay sa kanya ng pamasahe para makauwi lang uli dito sa Pinas. Baka bukas, nandito na rin siya."

Maru and I nodded. Matapos niyon ay natahimik kaming dalawa maliban kay Codi na inusisa pa si Keira.

Ngayon, nakikita ko ang iba't-ibang mga kaluluwa sa buong bahay. Parami sila nang parami. Para bang isang portal ng mga patay na nilalang ang lugar na ito. May kung anong paraan kung bakit sila dumadami. Ang paraan na iyon ang dapat naming malaman.

"Bro, gusto ko na talagang makaalis dito," Maru whispered, "mabigat sa pakiramdam ang pagpasok ko sa bahay na ito."

"Same, 'tol," nagsimula akong hingalin kahit na wala naman akong ginagawang nakakapagod.

Hindi ko sinasadyang pukulan ng tingin ang isang kaluluwa na may damit na animo pang-mental institution. Wala siyang dugo sa puting damit. Pero ang katawan niya, putlang-putla. Mukhang normal kung siya ay titingnan pero nang humarap na ito sa akin ay nakita kong wala itong mga mata. Na tila ba hinugot ang mga ito mula sa kanyang mukha.

Hanggang sa bigla akong mapaiwas nang bumaling ang mukha niya sa akin. Nag-maang-maangan ako nang maramdamang lumalapit na siya sa akin nang dahan-dahan. Nagsimulang kumalabog ang puso ko. Napalunok na lang talaga ako.

"Bro, someone's coming for you," told by Maru. He is seeing that ghost through his peripheral vision.

"I fucking hate it," I mumbled as I leaned my head to the backrest of the sofa. Pinikit ko ang mga mata ko. Minabuti kong kadiliman lang ang makita.

"Bro . . . he's fucking close." Maru is gasping in horror.

Bigla akong may narinig na pagbulong. Damang-dama kong may malamig na dumadampi sa mismong mga tainga ko.

"Nakikita mo ba kami?"

Hindi ko maiwasan ang manginig nang marinig siyang humalakhak. May sa demonyo ang kapal ng kanyang boses. Hindi ko maatim na tagalan ito.

"Pssst."

"Pssst."

Sinitsitan pa niya ako. Nagpalipat-lipat iyon sa magkabila kong mga tainga. Tila bang may balak ang multong ito na patayin ako sa kilabot.

"Pssst . . ."

Sa pagpapatuloy ng mga sandali ay hindi ko na talaga nakakayanan ang lahat. I can't fathom the fear within my system. I want to run away from this house. Hide and never come back ever again. Ayokong-ayoko talaga nang ganito.

Hanggang sa muntik na akong mapasigaw nang may tumapik sa balikat ko, "Bro, want to come outside for awhile?"

Nagmulat ako ng mga mata. It was Maru that I first saw.

Tinitingnan niya ako nang may labis na pag-aalala. Para bang pinipilit niya akong tumango at sumama na lang.

Tumango ako. At doon ay agad kaming nag-paalam kina Keira at Codi. Dire-diretso kaming lumabas ni Maru. Walang lingon-lingon. Mabuti na lang talaga at nilubayan din ako ng multong iyon.

"Bro, I really wanna go home," Maru mumbled, "matapang ako sa mga multo pero kung gan'on karami naman—bro, gusto ko nang umuwi."

This is the first time that I ever saw Maru to be petrified like this. Sa aming tatlo, siya ang pinakamatapang dahil sa talisman niya. Pero alam ko na alam rin niya na sa dami ng mga multo sa loob ng bahay na iyon, ni ang sandata niya ay walang magagawa para ubusin silang lahat doon.

At dahil nga sa takot, hindi na kami pumasok pa sa loob ng bahay. Hinayaan namin sina Codi at Keira doon. Safe naman sila, hindi sila kayang guluhin ng mga multo dahil on the very first place, wala naman silang kakayahan na makita o marinig ang mga multo.

Kamukha na lang ngayon, may nakasakay nang multo ng babae sa mga balikat ni Codi. Pero si tanga, tawa pa nang tawa. May pag-appear pa kay Keira.

Natawa na lang kami pareho ni Maru.

Nagpalipas kami ng ilang oras pa sa labas. Mag-gagabi na pero nakakapagtakang walang mga tao ang nakikiburol sa dalawang magkapatid. Tila ba nawala iyong mga taong nakikichismis kanina lang.

"It's really weird, wala man lang nakiburol sa kanila kahit mga classmate ni Kharise?" Maru's brows knitted in confusion.

"Well bro, liblib kasi ang lugar na ito. Halos nasa gitna na nga yata ito ng kagubatan, eh." I started, "bukod sa malayo, nakakaligaw pa kaya hindi na rin nakakapagtaka."

It's true.

Katunayan niyan, nahirapan talaga kaming makarating dito. Nakakalito kasi ang daan. Maraming pasikot-sikot. We really had to ask non-stop just to reach this place.

"Kawawa naman," Maru answered.

"Yeah," tumikhim ako.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumabas na rin si Codi kasama si Keira.

"Nagdududa na talaga ako sa inyong dalawa," sinimangutan kami ni Codi, "anong pinag-usapan niyo rito? Ba't ang tagal? Binabackstab niyo talaga ako, ano?" Dire-diretso niyang sambit.

Tinawanan lang namin siya ni Maru. Siraulo, kung alam niya lang talaga kung gaano karami ang multo sa loob ng bahay na iyon, baka maihi siya sa brief niya—o panty, I dunno.

"Gising na po si Ate Kourine," Keira said with her bright smile, "maraming salamat po talaga sa pagsama sa amin. Pasensya na po talaga sa abala."

"No worries," Maru smiled. "Paano, pwede na ba kaming umuwi?"

On the back of my mind, I was laughing. Maru and this petrified side of him is really rare. Fucking rare. I will never get used to it.

"Opo," ang magalang na pagtango naman ni Keira.

Matapos niyon ay mabilis nang nagpaalam si Maru. Sinundan iyon ni Codi. Ngayon ay naglalakad na sila patungo sa lugar kung saan ipinarada ni Maru ang kanyang sasakyan.

Nagpahuli ako.

"Hey, may gusto lang akong ipaalala sa iyo." I mumbled and Keira only nodded.

"After mong pumasok ng bahay, maglagay ka ng asin sa dalawang plastic. Tig-isa niyo iyong ibulsa ni Kourine. Maliwanag?"

"Opo," napalunok si Keira. Tila nanumbalik tuloy sa kanya ang naramdamang kilabot kanina.

"One more thing, hayaan niyong nakabukas ang ilaw sa lahat ng sulok ng bahay. Ghosts are rare to attack whenever there's light. Magiging safe kayo doon."

Ilang beses na tumango si Keira.

"Good, survive the night." I continued, "babalik kami bukas."

And those are my last words before I finally bid my good bye to her. Before I partially turn my back on her case with the promise that tomorrow, we will give her a concrete and possible solution against the ghosts who pushed her sister to her sudden and unfortunate death.

Project Ghost HotlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon