Season 1: Episode 9

412 51 5
                                    

Nang makasakay na kami sa sasakyan ni Maru, wala ni isang umimik sa amin kung hindi si Codi. Hindi niya alam na katabi niya lang si Franco sa back seat. Minabuti naming 'wag na lang sabihin sa kanya. Baka tumili na naman kasi ang gago sa takot.

"Nasaan na si Franco ngayon?" Codi is really curious. Gusto talaga yatang matakot ng isang 'to.

"Nasa pwet mo, nagkakape," I answered him.

"Inamo ka," he only mumbled. Matapos niyon ay tuluyan na kaming natahimik hanggang sa marating na namin ang compound kung nasaan ang bahay nina Franco.

"We are here," Maru mumbled. Katulad ko ay tumingin siya sa rear view mirror. Parehong sumentro ang mga mata namin sa kaluluwa ni Franco.

"Oh, bakit nakatingin kayo sa akin? Gago kayo, anong trip 'yan?" Codi stared at us ridiculously. Pero walang sumagot sa kanya.

Instead, I smiled at Franco. "Nandito na tayo. Nakauwi ka na."

"Huh?" Codi is still confused, "lumipat na ba kami ng bahay?!"

That was the point Franco's rotten face started to heal. Unti-unting naging maaliwas ang kanyang hitsura nang ngumiti siya. Makinis na ang kanyang mukha at tumangos na rin ang kanyang ilong. Hanggang sa tuluyan nang umayos ang buong katawan niya. Luminis ang basang uniporme niya. Nawala ang mga putik doon, pati na rin ang mga punit. Gan'on na rin ang kanyang pantalon.

Sa puntong iyon ay tumagos na siya sa pintuan ng sasakyan. Walang lingon-lingon siyang naglakad patungo sa kanilang compound. Saktong tatagos na sana siya sa gate nang bigla iyong magbukas. It revealed Franco's aunt, iyong nakausap namin kahapon. Pero this time, may mga kasama siyang dalawang matanda.

"Ma . . ." I blinked the moment I heard him speak. "Mama . . . Papa . . ."

Narinig namin ang masayang pag-iyak ng kaluluwa. Mula sa sasakyan ay nakita ko siyang sabik na niyakap ang dalawang matanda. Marahil sila ang kanyang mga magulang.

I smiled my widest.

Atlast, Franco found his home.

Nang nanatiling nakayakap si Franco sa kanyang mga magulang ay napansin kong natigilan ang dalawang matanda. Pareho silang nagkatinginan sa isa't-isa. Hanggang sa para bang hindi na lang nila iyon inintindi, patuloy silang nakipag-usap sa Tita ni Franco.

That moment, I knew it was a success.

The moment Franco faced us with an angelic smile, we knew we already served the purpose of our special abilities.

"Let's go?" Maru asked.

I nod at him.

"Alright," he mumbled before he maneuvered his car away from Franco's house.

"Alam niyo, ang weird niyo." Codi started asking qeustions again all of a sudden. "Kanina pa kayo tingin nang tingin sa akin, crush niyo ba ako—"

"Katabi mo kasi si Franco kanina diyan," I answered boredly.

"Putangina?!" That was the point he went crazy. Nagsimula siyang magsisigaw na para bang katabi niya pa rin si Franco. Tinawanan na lang namin siya ni Maru. Siraulo talaga.

* * *

Morning that day, pumasok kami sa school nang lutang at walang tulog. But the funny thing is, pumasok kami para ituloy ang kaso ni Franco keysa mag-aral. Hindi na sumama sa amin si Princess Codi. Na-trauma na ang gago na bumalik sa AnSci building.

"Bro, malakas ang pakiramdam kong itinapon ang bangkay ni Franco sa kung saan may tubig," I told Maru the moment we entered the building, "naramdaman ko iyon kanina noong masakal mo siya."

"Yeah, maybe." Maru answered.

Sa patuloy naming paglalakad sa hagdanan ay nakaramdaman na naman ako ng kakaiba. Marami na naman ang mga matang nagmamasid sa amin. Tila bang inoobserbahan lang kami. Pero alam kong ano mang oras, kapag nalaman nilang kaya kong makipagusap sa kanila, guguluhin nila ako. Minabuti kong magmaang-maangan sa kilabot na nararamdaman ko.

Hindi ko tuloy maiwasan ang magpalinga-linga. Hindi kasi talaga kumportable sa akin itong ganitong pakiramdam. Iyong ramdam mong marami kang kasama sa isang lugar pero hindi mo sila makita. Okay pa sana kung nakikita ko sila, eh. Mas sanay ako doon.

"How about we check the tank?" Maru asked.

"Tank?" I countered.

Matapos ay napakurap ako nang makitang sumusunod na sa amin ang babaeng multo na ilang linggo na akong ginagambala. Ano namang ginagawa ng isang 'to dito? Pinili ko na lang na h'wag siyang pansinin. Ganiyan naman siya lagi. Magpapakita tapos bigla na lang mawawala. Kabute 'yan?

"Yes, may sariling tangke ng tubig ang building na ito. They need it the most back then. Painom sa mga hayop, pampaligo sa kanila and whatsoever. I also heard, dito rin nakalagay iyong agriculture garden dati, kaya kinailangan talaga nila ng sariling mapagkukunan ng tubig. Iyong wala silang kaagaw na ibang Building. Lagi daw kasing nagkakaubusan ng tubig sa University dati."

"At saan mo naman nalaman 'yan?" I knitted. That was too much information.

"Dad is an alumni of our University, moron. Tinanong ko sa kanya lahat."

Tango lang ang naisagot ko.

Matapos ay namalayan ko na lang na nasa rooftop na pala kami. Sa puntong iyon ay nawala na rin iyong babaeng multo. Weird talaga ng agnas na 'yon.

"That's the tank I am talking about," Maru pointed his finger towards it. Kalawang na ito. Halatang ilang dekada nang hindi napapakinabangan.

Wala na kaming hinintay pang sandali. Umakyat na kami doon. Nang nasa tuktok na kami ay nahirapan kaming buksan ang kalawang na pintuan niyon. I even had to ruin it by kicking.

"Ready?" Maru asked.

"As if I have a choice?" I chuckled.

Nang tuluyan na niyang nabuksan ang tangke, unti-unti ko na namang naramdaman ang hinagpis ni Franco. Pati na rin ang mga segundong para ba akong mauubusan ng hininga. Iyong para bang nalulunod ako mula sa malalim na tubig.

Mabuti na lang talaga at tinapik ako ni Maru. Iyon ang dahilan kung bakit bumalik ako sa realidad.

"We found his corpse," sambit niya nang itapat ang flash light ng kanyang cell phone doon sa sirang sako. Wala nang tubig ang tangke kaya't madali naming nakita ang kalansay ni Franco.

Iyon na ang naging simula kung papaano, biglang sumikat ang University namin. That moment, the whole country appeared to center their attention towards the missing graduating student of the Batch 1994.

Maraming reporters ang nagsidagsaan sa AnSci building para i-cover ang kwento ni Franco. Talamak rin na iba't-ibang interview ang makikita sa TV kasama ang mga kaanak niya.

Dahil din doon, dumami ang mga estudyante na gustong magpa-solve ng paranormal cases sa amin. That was the biggest turning point of the Paranormal Club. We became the famous club that everyone are curious to join in.

Project Ghost HotlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon