Season 1: Episode 7

443 49 2
                                    

Kaba ang una kong naramdaman nang kasabay ng pagtili ni Codi, nakaramdam ako ng maraming kamay mula sa likuran ko. Sobrang lamig ng mga iyon. Para bang matagal na iyong nakababad sa malamig na tubig.

Pero wala akong makita kung hindi kadiliman. Nakakasakal ang kadiliman na ito. Hindi ko magawang makita ang mga kamay na humahawak sa akin. Nakadagdag lang tuloy iyon sa kilabot na namamayani sa sistema ko.

Napapikit na lang ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Sa kaba ay ramdam kong pumipintig ito laban sa dibdib ko. Para ba akong mahihimatay sa kilabot. Kasabay ito ng pamamawis ng mga palad ko. Idagdag pa dito ang tumatagaktak na pawis sa aking noo.

Kung isang bangungot lang ito, gusto ko nang magising—

Kusa akong natigilan.

Huminto ang mga baga ko sa paghinga.

Napalunok ako nang malala.

Nakarinig ako ng tatlong sunod na pagsitsit. Para bang napakalapit lang niyon sa tainga ko. Doon ay tumayo tuloy ang mga balahibo ko sa batok. Damang-dama ko na sobrang lapit lang niyon sa akin. Ramdam na ramdam ko iyon kasabay ng para bang paglaki ng aking ulo . . .

Hanggang sa . . .

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Nagsimula na akong makarinig ng mga bulong malapit sa mismong mga tainga ko. It is too many voices for me to handle. Then the first thing that I did is to just panic! To just fucking let myself be eaten by my extreme fear.

"Andiyan na siya . . ."

"Malapit na siya . . ."

"Humanda ka na . . ."

Halos mawalan ako ng hangin sa mga baga. Tanging paglunok na lang ang nagawa ko. Noong mga oras na iyon, isa lang ang nasa isip ko—ang umalis dito. Sa dami kasi nila ay tiyak na hindi namin sila kakayanin. Idagdag pa diyan ang hirap dahil ayaw nilang magpakita sa amin.

Pero mabuti na lang talaga at bigla, may nagsindi ng kandila. Si Maru. Nagliwanag muli ang paligid. Nawala ang mga bulong. Doon lang ako para bang nakahinga nang maayos. Na para bang ilang minuto akong nakabigti dahil sa kahirapan ng paghinga. Hingal na hingal, pansamatala akong nanahimik.

"Putangina naman, Codi. Bakla ka ba?!" Maru mumbled with a wince. "Ang sakit mo sa tainga!"

"Eh, gago ka! Bawal magulat? Required maging matapang dito? Nakakamatay mabigla?!" Nagtaas-baba ang dibdib ni Codi. Sapo-sapo na niya ito.

"Bla bla bla." Pagtawa ni Maru matapos ay tiningnan niya ako. "Ano? Let's continue?"

That was the point I started to speak, "Dude, I think we need to go now."

"Tama! I second the motion!" Nanlalaki ang matang sabi ni Codi. "Gabi na, guys. Wala ba kayong mga assignment?! Jusko, mas pipiliin kong mamatay sa pag-aaral keysa rito!"

He continued to go hysterical, "parang eto talaga iyong tamang oras para magbagong buhay! Alam mo 'yon? 'Yung gumawa ng tama? Iyong pumasok nang hindi mangongopya ng assignment sa classmate?!"

Pero hindi siya pinansin ni Maru. Nanatili ang mga mata niya sa akin. "Bro, nandito na tayo. Ituloy na natin. Sayang ang momentum, bro. Nakuha na natin ang atensyon nila."

"Pero 'tol, masiyado nang mapanganib. It was really obvious that they don't want us here—"

Bigla na namang namatay ang kandila. Narinig kong muli ang pagtili ni Codi.

At . . . at kasabay iyon ng isang malakas na palahaw mula sa likuran ko. Nagsimula akong makaamoy ng malansa. Nakakasuka ang amoy niyon, kaiba sa kadalasan ko nang naaamoy sa mga ligaw na kaluluwa. Gusto ko na lang maduwal.

Bulok.

Mabaho.

Nakakasulasok.

Doon ay agad na kinuha ni Maru ang flashlight. In-on niya iyon at saka itinapat sa direksyon kung saan nanggagaling ang nakakabinging sigaw. Sa parte kung nasaan ang mahaba at makipot na corridor. 

And from there, we saw a man.

He is a ghost. Obviously.

Naka-uniform pa siya. Basang-basa iyon. Tumutulo ang tubig mula sa kanyang kasuotan patungo sa tiles na sahig. Naaagnas na ang kanyang maputlang mukha. Halos wala na siyang buhok. Pero ang nakakapagtaka, wala siyang dugo sa katawan.

Paano kaya siya namatay?

Natulala na lang ako.

"Guys, ano?! May nakikita ba kayo?! Magsalita naman kayo diyan, tulala game ba 'to?!" Natatarantang bulyaw ni Codi, "kung oo, taena niyo!"

Pero wala sa amin ni Maru ang pumansin sa kanya. I am more concerned with our situation than his anxiety!

I directed my eyes towards Maru. He also appeared to be petrified just like me. Isang galit na kaluluwa kasi itong nasa harap namin. Puno siya ng poot at kapag gan'on ang isang multo, mapanganib iyon. Kaya niyang gawin lahat. Lahat-lahat . . . maski ang pumatay.

"What are we going to do now?" Hingal kong tanong.

"We should fight him," mabilis na sagot naman ni Maru.

"Fight? Sino? Saan? Anak ng bakulaw naman kayo! Ano ba?! Yawa!" Nanginginig na ang boses ni Codi pero wala pa ring pumapansin sa kanya.

Nang muli kong idirekta ang tingin sa multo ay nakita kong inaangat na niya ang sira-sirang mga upuan sa paligid. Doon na natulala si Codi. Natahimik siya habang kami naman ni Maru ay napalunok na lang.

We should run.

We should fucking run!

Pero bakit hindi ko magawang makatakbo? Bakit hindi ako makagalaw? Tila bang paralisado na ako sa takot, sa kaba at sa kilabot.

This is the very first time that I was too stunned to speak nor move just because of a ghost.

Hanggang sa bigla, sa muling pagsigaw ng kaluluwang iyon ay tumilapon sa amin ang mga arm chair. Isinalag ko ang braso ko doon. Napaupo ako nang sumalpak na iyon sa akin. Napangiwi ako sa kirot na idinulot niyon.

"Putangina! Tumakbo na tayo!" Sambit ni Codi. Nakita kong dumugo ang kanyang braso katulad ko. "Mamatay tayo dito! Mga gago kayo! Mga bobo amputa!"

Noong mgas oras na iyon, gusto ko nang sundin si Codi. Kailangan na nga talaga naming makalayo mula sa lugar na ito. Kailangan na naming iligtas ang mga sarili namin.

Pero iba ang nasa isip ni Maru . . .

"Let's go, Jether!"

Bago ko pa siya mapigilan ay tumakbo na siya patungo sa multo. At wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya. Hindi na ako nagdalawang isip pa kasi alam kong kapahamakan ang sinasalubong niya kung mag-isa lang siyang lalabanan ang galit na kaluluwa.

Project Ghost HotlineWhere stories live. Discover now