Season 1: Episode 1

848 68 8
                                    

Ghosts are everywhere.

That's a fact I am living on a daily basis. Sa third eye ko, nakikita ko silang lahat. Naglalakad sa paligid. Humihingi ng atensyon. Nananakot. Kung minsan pa nga, kaya nilang makipag-usap sa mga tao. Minsan, hindi talaga alam ng iba na hindi na pala tao ang nakakausap nila.

. . . Just like right now, I can clearly see this obnoxious ghost staring at me. She's a girl. A student, probably. Mukhang dugyot dahil sa puting uniporme niyang puno ng putik. Naaagnas na rin ang kanyang kalahating balat sa mukha. Isang indication na siya ay isang hindi matahimik na kaluluwa.

Ever since nalaman niyang nakikita ko siya, hindi na niya ako tinantanan pa. She is following me non-stop. Sa pagtulog ko, lagi siyang nasa gilid ng kama ko. Nakatingin lang siya sa akin habang natutulog. Napupuyat tuloy ako nang dahil sa kanya.

Nakakainis na maski sa pag-tae ko, tangina-nandoon rin siya. Hindi siya nagsasalita. Tinitingnan niya lang talaga ako na para bang isa akong malaking pagkakamali sa mundo. But I guess, that was a good thing anyway. Hindi siya nagsasalita at hindi ko naman siya kakausapin. The last thing I want is her levelling up her iritating game on me.

Tama na iyong sundan-sundan niya lang ako. Sanay na naman ako sa bulok niyang amoy. Ang ayoko lang talaga ay ang marinig siya. Ghosts are fucking loud kapag alam nilang kaya kong makipag-usap sa kanila. Kaya everytime na may ganoon akong na-e-encounter, dumadaan ako lagi sa convenience store para magpagpag. That is an effective way to gravitate their attention and make them stay there. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit napakaraming multo ang nakikita ko sa loob ng mga convenience store palagi.

Pero bukod tangi lang talaga sa lahat ang babaeng multo na ito. She has this specific power on her. Hindi ko siya maalis sa pagkakadikit sa akin.

It's . . . weird

She's weird.

"Oh, kunot na naman ang noo mo 'tol," ani Maru na nasa tabi ko kanina pa, "sino bang gusto mo sa mga chix na 'yan?" Tanong pa niya uli. Ngayon kasi ay nandito kami sa grand stand. Hinila niya ako dito para panoorin ang mga nag-pa-practice na cheerleaders.

"That ghost," I started, I pointed my lips towards that irritating ghost. Ngayon ay nakatayo siya sa gitna ng mga cheerleader, nakatitig lang siya sa akin, "she is bothering me for almost a week now."

"Ay, gago. Baka Jether 'yan!" Humalakhak siya. "Nakakakilabot naman talaga ang kagwapuhan mo, 'tol. Pati multo, naaakit mo na."

Nagpatuloy siya sa paghalakhak habang umiiling. "Ayokong mag-sana all."

"Tangina mo." I shortly replied with no emotions. I just continued eyeing that lady ghost. There is really something on her . . .

Nawala lang ang atensyon ko sa kanya nang pagbanggain ni Maru ang mga braso namin. "Kita mo iyong nasa unahan?"

I stared at the only girl infront. She's kinda sexy with her tummy showing because of her cheerleading uniform. Her long legs are also proudly flashing with her short skirt.

"Her name is Jane. And guess what?"

I know her. She's my classmate way back Elementary. Nagpanggap na lang ako na hindi ko siya kilala. I don't want Maru to use me as a bridge just to be friends with her. With that, I only nod my head as a gesture to make him continue speaking.

"Nag-seen 'yan sa My Day ko kagabi!" Pinagbangga na naman niya ang mga braso namin.

I blinked, "and?"

Hindi ba't normal lang talaga 'yon kapag nag-My Day ka? Nag-seen din naman si Jane sa akin kagabi pero bakit hindi ako natuwa nang ganiyan?

"Tumawag ka ng pari. I am going to marry her." Nagmistulang may glitters ang kanyang mga mata nang tingnan niya uli si Jane.

Project Ghost HotlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon