Season 1: Episode 8

484 50 9
                                    

Patuloy ang pagtayo ng mga balahibo ko nang maglutangan uli ang mga arm chair. Dumirekta na naman iyon sa direksyon namin ni Jether. Natataranta, hindi ko alam ang gagawin.

"We need to attack him now, bro!" yelled by Maru. At this point, hindi ko na talaga alam kung saan pa siya nakakahugot ng katapangan. We are practically on the verge of danger yet he is here, flashing his bravery without even trying!

Pero bago pa man kami makagawa ng pag-atake, tumama sa amin ang mga lumulutang na arm chair. Sinalag ko ito gamit ang braso ko. Hanggang sa napapangiwi akong natumba. Dama ang kirot na natamo, nakadagdag lang iyon sa kabang dinaranas ko.

"Bro, we really need to go now!" I yelled at Maru with my voice shaking in horror. "We are basically dealing with a poltergeist right now! We are fucking dead if we stay here!"

Poltergeists are the ghosts who can move things. Ito ang pinaka-peligrosong multo sa lahat. Kaya nitong gawin ang lahat . . . maski ang pumatay ng mortal. Kaya magmula nang mabuksan ang third eye ko, sila ang iniiwasan ko.

"Oo nga!" Codi yelled from afar. Nandiyan pa pala siya? "Maru, oo na! Matapang ka na! Alam na namin, so tara na! Uwi na tayo! Peste ka!"

Pero bilib na talaga ako kay Maru. Hindi niya kami pinansin. Bagkus, kunot-noo siyang tumakbo papalapit sa galit na kaluluwa. Tila bang mas galit ang kaibigan namin keysa sa kanya.

"Maru!" Napasigaw na lang ako nang makita kong umangat ang matalim na piraso ng upuan. Ngayon ay naka-direkta iyon kay Maru.

"Fuck! Jether, pigilan mo siya! Putangama naman! Akala ko ba ghost hunt ang ipinunta natin dito, hindi suicide?!" Codi yelled and it's not helping at all.

There, I ran towards Maru. Fucking quickly. Wala na akong ibang inisip pa kung hindi ang sagipin siya. Kasi kung hindi ko iyon gagawin, mapapahamak siya. Habang buhay kong pagbabayaran sakali mang may mangyaring masama sa kanya.

"Maru, sa likod mo!" Sukdulan ang kilabot ko nang magsimula nang gumalaw ang matalim na parte ng upuan. "Maru!"

Mabuti na lang at sa saktong paglingon ni Maru, nailagan niya iyon. Swear, halos maubusan ako ng hangin sa mga baga dahil sa lalim ng hininga na ginawa ko!

Fuck you, Maru!

I will really punch the hell out of you after this! Him playing with death is never a good thing! Lalo na kung may ibang madadamay!

"Guys, umalis na talaga tayo! Walang masama sa pagiging duwag, 'wag lang mamatay sa pagkatanga!" Codi continued to go hysterical.

But Maru is still firm on his war with the ghost. Instead of backing out, he ran towards him. This time, with the speed that will make the ninjas feel threatened. Iyong para bang gusto niyang talunin sa bilis sina Naruto!

"Maru, you are going to be the death of us! Umalis na tayo dito! H'wag mo na 'yang ituloy!" I yelled at him.

Maru being Maru, sarado ang kanyang mga tainga. Imbes na pakinggan ako ay tinuloy niya pa rin ang kanyang sariling plano. Napapikit na lang ako. Nagdasal. Pero dahil puro negatibo na ang pumapasok sa utak ko, namalayan ko na lang ang sarili na handa na sanang harapin ang masalimuot na kamatayan. Iyong parte kung saan ang multo sa aming harapan ang magiging sanhi ng kapahamakan namin.

Pero . . .

Pero natigilan ako nang marinig ang multo. Nakakapagtakang nag-sisigaw iyon. At ang nakakapagtaka rito ay para ba siyang nasasaktan. Para siyang pinapahirapan.

Doon na ako nagmulat ng mga mata.

And from there, I heaved my most relieved sigh. God knows how much I want to thank all of the Gods above from what I saw . . .

Project Ghost HotlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon