Season 1: Episode 3

507 52 7
                                    

8:30 PM

Dahil sa bahay ni Sir Ong madalas nagpaparamdam ang kaluluwa ni Franco Balagtas, minabuti namin na doon na lang magpalipas ng gabi. Mahirap kasing i-trap ang mga multo kung minsan. May mga oras lang na nagpapakita sila. Kung minsan pa nga, sutil ang mga iyan. Kung kailan mo sila inaasahan na magpaparamdam ay doon sila mawawala pero kapag hindi mo naman sila inasahan ay saka sila mananakot.

"You sure, y'all will be fine there?" tanong sa amin ni Sir Ong. Right now, he is wearing his pajama with elephant prints on it. I am wincing on my mind. Off-putting outfit is a pet peeve for me.

"Yes po, Sir. Basta matulog lang po kayo at 'wag mo pong i-lock ang pinto ng kwarto mo. Kami na pong bahala sa multo na laging sumusunod sa iyo," ang magalang na sagot naman ni Maru.

"Okay," pagtango ni Sir, "alright, stay safe kids. At kung gusto niyo ng snacks, kuha lang kayo sa kitchen. You can also watch movie, may Netflix ako."

"Yown, kaya kami'y sa 'yo talaga, Sir eh!" Maru beamed.

While Codi added, "pakasalan mo na ko, Sir!"

All of us laughed before Sir Ong finally entered his room. Sinaraduhan na niya ang kanyang kwarto. And just like how I instructed him, in-off na niya ang ilaw sa loob.

Ngayon, kami na lang tatlo ang natira dito sa sala. Maru and Codi is now debating on what movie to watch. Maru wants Action while Codi wants Romance. Para talagang mga bata ang dalawang ito.

Tumayo na lang ako para pumunta sa kusina. I grabbed ahold about five potato chips from the cabinet and three bottle of yogurt drink from the refrigerator.

Nang makabalik na ako sa dalawang isip bata ay tahimik na sila. Pero nakasimangot si Maru. They are now watching the fucking movie called To All The Boys I've Loved Before. And that was the point I know who won—the little princess named Codi. I am not stereotyping but his taste on movies is making me doubt his sexuality.

"Don't shit on me," I poker face.

"I feel you, bro. I fucking feel you." Nakasimangot pa rin na sagot ni Maru.

Wala namang pakialam si Codi. Instead, he demanded me to be quick. Ang ginawa ko, ibinato ko sa kanyang mukha ang lahat ng potato chips. I only earned a scowl from him.

Bago ako maupo sa tabi nila ay pinatay ko na muna iyong ilaw. Matapos ay naupo na ako sa sofa. Pinapagitnaan namin ni Maru si Codi. We are now staring at the television as if it's the most obnoxious thing on Earth.

"Fuck!" Codi covered his mouth the moment Lara Jean and Noah accidentally kissed on the movie.

"Bro, relax," Maru started, "ang imposible naman ng scene na 'yan. Kung natumba sila pareho sa semento at nagtama ang mga nguso nila, aba putangina! Dapat basag na ang nguso nila pareho! Par, ba't walang dugo?"

I laughed silently. Maru and his reality check never failed to amaze me.

"Gago, manahimik ka," Codi scowled at him. Then his face is so quick to brighten up when Lara Jean and Noah started to make a contract. May nalalaman pa sila ngayong rules.

I only winced.

God, I am not really a fan of this movie . . .

10:00 PM

After almost two fucking hours, natapos na rin ang movie at hindi ako natutuwa. No hate but I just don't like the movie. The reality there is way far from the authentic reality. Napaka-korni ng kwento. But kudos to the writer, unique ang plot. Sadyang hindi lang talaga ako fan ng ganoong kwento. That's it. End of discussion.

Project Ghost HotlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon