CHAPTER 1

358 18 9
                                    


Sanya's POV

Nang matapos mag-pakilala at mangampanya ni President Kaizer at ni Kiel as Vice President. Ako na ang susunod dahil ang posisyon ko ay isang Secretary. 

Kasalukuyan kaming nangangampanya sa bawat rooms sa mga estudyante dito sa School.

"Kaya mo 'yan Sanya." bumulong sa akin si Kiel bago ako nag simulang mag lakad papunta sa harapan dahil ako naman ang magka-Campaign.

"A pleasant day to everyone! I am Sanya Elise Palines from 10-SSC. I'm a currently class secretary of 10-SSC and Vice-Governor of Red cross. Vote wisely. I am humbly asking for your support and trust in making this vision into reality. Thank you."

Matapos kong sabihin ang dapat kong sabihin sa pangangampanya ay nag-sipalakpakan ang mga estudyante.

Maya maya ay may bigla sumitsit kaya napa-tingin ako sa estudyante na bandang nasa likuran na mga kalalakihan.

Ako ba yung tinatawag nila? Bakit sila naka-tingin sa'kin?

Bigla itong sumigaw at sinabing.

"Miss! Ang ganda mo raw! Iboboto ka daw nitong si Josh, ano daw pangalan mo?" sigaw nito at bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.

Nag-hiyawan ang iba nilang kaklase at ang iba naman ay tahimik lang na parang walang pakealam sa nangyayari.

"H-ha?" utal kong saad. At hindi ko alam ang magiging reaksyon.

Napatingin ako sa isa sa mga kaklase ilang naka-upo dito sa bandang unahan na babae at sinasabing lumapit daw ako doon sa lalaking tinawag ako.

May susunod pang mag-papakilala sa akin, kaya napilitin na akong lumapit kahit alam kong trip lang naman ako ng mga 'to.

"Ako ba?" tugon ko at sinubukan kong huwag mautal nang makalapit sa kanila

At nakangiting um-oo yung kaninang sumigaw.

"Eto oh kaklase ko si Josh, tinatanong Miss kung ano daw pangalan mo?"

"San-" mag-sasalita na sana ako nang biglang mag-salita si President Kaizer sa likuran ko.

"Hindi mo ba narinig yung pag-papakilala niya kanina? Kung iboboto niyo siya ang pangalan niya ay naka dikit doon sa pintuan may papel do'n ng list ng Party-list namin" biglang saad ni Kaizer, nang tingnan ko ang mukha niya ay hindi naman siya galit, may diin kasi yung salitang sinabi niya.

"Oh, okay! May gusto kasi 'tong si Josh, Pres." ani nung lalaking maingay.

"Gago ka pre, siya talaga ang may gusto diyan, Pres." tugon naman nung Josh haba naka tingin kay President Kaizer.

Nakita ko kanina na naka ngiti si Kaizer pero ngayon medyo seryoso na ang mukha niya, habang patuloy pa rin sa pakikipag-usap rito sa mga kalalakihan.

"Yes naman, Pres huwag kang mag-alala iboboto namin ang partylist niyo. We will vote wisely. Lalo ka na." saad uli nung lalaking sumigaw kanina at tinuro ako.

Ngumiti nalang ako dahil hindi maaring mag sungit dahil nangangampanya kami ngayon.

"Thank y-" bago ko pa sila pasalamatan ay hinawakan na ko ni President Kaizer sa

braso at bumalik sa unahan na kasalukuyang ang ibang officers ay nag-papakilala pa.

Naiilang man ako kanina habang kausap yung mga kalalakihan doon kanina sa nasa likuran, mabuti nalang at kinaladkad na 'ko nitong si Pres papunta rito sa unahan.

"Huwag mo na sila pansinin. Sa susunod na may tumawag uli sa'yo nang gano'n ay huwag mo silang pansinin, sasabihin mo sa'kin." aniya at bumalik siya sa kanina niyang puwesto habang ako ay naiwang tulala.

Bakit kasi lumapit lapit pa ako? Eh alam ko namang pagti-tripan lang ako nang mga lalaking 'yon?

Hindi ko nalang pinansin ang mga lalaking iyon kanina na nasa likurang bahagi, hanggang sa matapos ang pangangampanya namin.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now