CHAPTER 23

10 0 0
                                    

Hindi siya nagsalita nang tanungin ko s'ya kung bakit siya lasing ngayong gabi.

Paano nalang kung napahamak siya sa daan?

Paano nalang kung may nangyaring hindi maganda sa kan'ya habang nagmamaneho kanina?

Pansin kong napadami ang inom n'ya, dahil lasing na lasing siya.

Anong gagawin ko ngayon?

Hahakbang na sana ako papunta sa kusina nang bigla niyang higitin ang braso ko.

Dahilan kaya ako na out of balance!

Nanlaki ang mata ko nang agad kong na-realize ang posisyon naming dalawa.

Ngayon ah nakapaibabaw ako kay Kaizer.

Nanlalaking mata ko s'yang tiningnan.

Nakatingin siya sa mga mata ko habang  mahigpit na hawak-hawak ang aking bewang.

Sinubukan kong bumangon dahil hindi ako komportable sa posisyon naming dalwa ngayon.

Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.

Pero tila naririnig kong mas malakas at mabilis ang tibok ng puso ni Kaizer.

Na para bang nagsasalita at nag-uusap ang puso naming dalawa dahil sa posisyon namin.

Muling nagtagpo ang mata namin.

Nakikita ko ang kumikislap niyang magagandang mga mata ngunit may lungkot.

Tila nahipnotismo ako dahil sa pagkakatitig niya sa'kin.

Ganito ba siya kapag nalalasing?

Kung araw-araw lang siyang lasing ay papayag talaga ako basta araw-araw kong makikita ang magagandang mga mata niya nang walang pag-aalinlangan dahil alam ko namang lasing siya.

Mas lumakas ang tibok ng puso ko nang bigla niyang hawakan ang mukha ko gamit ang dalawang n'yang palad.

"Sanya, please marry me."  Saad n'ya.

"H-Ha?" Utal kong tanong.

"I don't want to marry with other woman. I only want you, I only like you. You're the only girl I want to marry, so please. Ilang linggo, buwan at taon pa ba ang palilipasin mo bago kita mapapayag na magpakasal ka sa'kin?" Saad niya sa mismong mga mata ko.

Alam kong lasing lang siya.

Nasasabi n'ya ang mga 'yan ngayon dahil lasing s'ya.

Pero bakit nakikita ko sa mga mata n'ya habang sinasabi niya ang mga salitang binitawan niya ay totoo? Walang halong biro?

"Bakit mo ba sinasabi sa'kin 'yan? Binigyan kita ng ilang linggo para makahanap ka ng babaeng pakakasalan ka. Bakit ba ako pa rin? Madami namang babae d'yan, pero bakit ako ang gusto mong pakasalan, Kaizer." Sunod-sunod kong tanong haban nakatingin na rin sa malumanay at antok niyang mga mata.

Suminok siya ng ilang beses bago nagsalita.

"I just want to marry the girl that I really love." Bulong niya bago niya tuluyang pinikit ang mga mata.

Nakayakap pa rin ang mga braso niya sa bewang ko.

Pero lumuwag na at hindi na gaanong kahigpit kaya agad ako bumangon sa pagkaka-ibabaw sa kan'ya.

I just want to marry the girl that I really love.

I just want to marry the girl that I really love.

'Yan ang mga salitang panay na sumasagi sa isipan ko.

Ang mga salitang sinabi niya kani-kanina lang.

Who's the girl that you really love, Kaizer?

_________________

Kasalukuyan kong tinatawagan si Manong Eli, ang kilala kong driver ni Kaizer.

Mabuti nalang talaga ay may numero ako ni Manong para in case na kailangan siya, katulad ngayon ay matatawagan ko s'ya.

"Opo, Manong, dito po sa Dorm ko." Sagot ko at nagpasalamat muna bago ko ibinaba ang linya.

Pinasadahan ko ng tingin si Kaizer na ngayon ay mahimbing ng natutulog sa sofa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapag desisyon ng maayos.

Kung tatanggapin ko ba ang alok niyang pakasalan ko siya.

Umupo ako sa carpet dahil kailangan ko pang tapusin ang mga school works ko.

Nakatalikod ako kay Kaizer.

Nakahiga siya sa sofa at nakaupo ako sa carpet habang nakaharap sa  table ko at  nasa likuran ko siya.

Hahawakan ko na sana ang ballpen ko para simulan na ang pagno-notes nang bigla kong maramdaman na mag kamay na humawak sa bewang ko.

Tumaas ang balikat ko dahil sa gulat.

Nilingon si Kaizer na ngayon ay nakapikit at nakahawak ang isa niyang kamay sa aking bewang.

He leaned closer but he's fall asleep.

Abot niya ang bewang ko dahil malapit lang ako sa kaniya.

Kaya nang mas hapitin niya ang bewang ko ay napasandal ako sa sofa.

He leaned more closer and then the next thing I knew is that

He kiss my cheek.

Nanlalaking matang tiningnan ko siya!

Bakit niya ginawa 'yon?

H-Hinalikan n'ya ko sa pisngi ko?!

Malapit ang mukha niya sa'kin kaya agad akong napaiwas.

Why my heart beats faster like it's pounding?

"Please Sanya, limang buwan lang ang hinihingi ko para pakasalan mo 'ko Just stay with me for just 5 months."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now