CHAPTER 15

21 1 0
                                    


Sanya's POV


"Sanya, are you listening?" 


Natauhan ako nang tawagin ako ni Kaizer.

"Ha?"


"Kanina pa kita kinakausap, pero you're not listening." Saad ni Kaizer.


"Ah, a-ano nga palang sinasabi mo?" Saad ko at nahiyang napakamot pa ako sa noo ko.


Hindi ko alam pero kanina pa talaga malalim ang iniisip ko at hindi talaga nawawala sa isip ko yung mga nangyari ngayong gabi.


"Tinatanong kita kung itutuloy pa ba natin yung pag-rereview?" Tanong niya at ngayon ko lang naalala na kailangan ko pa palang mag-review.


Kasalukuyang naandito pa rin kami sa parking ng School.


"Ah, oo Pres. Kailangan ko pa nga palang mag-review, pasensya na sa nangyari ngayong gabi ah. Kung hindi sana tayo mag-planong magreview ngayon, hindi mangyayari ang lahat nang 'yon. Isa pa...imbis na nakauwi ka na sana kanina pa, ay ginabi kapa." Mahinang saad ko sa kan'ya pero alam kong narinig n'ya pa rin naman.


"Hey. What are you saying? Hindi mo naman kasalanan yung nangyari at kung hindi kasi nag-yaya yung makulit kong pinsan na mag bar kasama ka ay hindi mahahantong sa gan-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang bulyawan s'ya bigla ni Yana.


"Hoy! Anong makulit na pinsan? For your information, pinsan mo ko Kaizer kaya dapat yung mga manyak na 'yun ang sinisisi mo, besides not me. Duh.." Maarteng sabi ni Yana, kaya medyo natawa naman kami ni Kaizer.


"Okay, okay. So please, next time huwag na kayong magpupunta kung saan saan lalo na pag pagabi na. Kahit dito sa School ay may mga nangyayaring masama pa'no pa sa labas, okat?" Saad niya na may bahid na pag-aalala.


Tumango-tango nalang kami ni Yana.


"Isa pa, madalas napapansin ko na tuwing gabi kayo lumalabas para pumuntang bar, Yana. At isinasama mo pa ata minsan 'tong si Sanya?" Kunot noong tanong ni Kaizer sa pinsang niyang si Yana kaya agad namang dumepensa si Yana.


"Hoy! Ngayong gabi ko lang siya sinama sa bar 'no! Talagang wrong timing lang Kuya Pres kasi biglang mga may manyak na dumating kanina para harangin kami! Aish!" Aniya at umirap irap pa.


Ang kulit nga talaga ng kaibigan kong 'yan na si Yana. Pati sa pinsang niyang si Kaizer ay hindi siya natatakot kahit President siya rito sa School. Panay ang sigaw at pangungulit.


Napailing-iling nalang ako sa kakulitan ng babaitang ito.


"Basta simula ngayon iiwasan niyo na ang lumabas-labas ng gabi pumunta-punta sa bar"So tara na ba sa bar?" Kumunot ang noo ko sa biglang pagtanong ni Yana.


"Anong tara na ba sa bar, anong oras na Yana, hindi na tayo pupunta sa bar. Wala ng pupunta ng bar sa oras na'to. " Seryosong saad ko at nakita ko naman ang pagtawa ni Yana.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now