CHAPTER 4

73 13 9
                                    

Yana's Point of view

Umangat ang tingin ko nang matapos akong makipag-chat sa boyfriend ko sa aking phone.

Pag-angat ko ng tingin ay nag-taka ako kung bakit nakatingin ang ibang students rito sa gawi ng table namin.

Pinagmasdan ko si Sanya at Kuya Pres. na kasalukuyang kumakain lang naman ng pagkain nila.

Pero ang ibang students ay nakatingin sa kanilang dalawa. Ang iba ay parang naiinis at ang iba namang freshmens ay animo'y kinikilig.

Teka baka ako talaga ang tinitingnan nila? Wala naman akong ginagawa ah?

Nagpo-phone lang naman ako rito. B-bakit bawal ba ang mag-phone rito?!

Inis akong bumuntong hininga at tinanong si Sanya na nasa tabi ko lang.

"Bakit parang nakatingin yung ibang students dito sa table natin?" pasimpleng tanong ko kay Sanya.

Ngunit narinig iyon ni Kuya Pres. kaya umangat ang tingin niya sa amin ni Sanya.Wala siyang reaksyon na tumingin sa amin.

Pagkatapos ay nilingon niya ang likuran niya kung saan naandoon ang ibang students na mga nakatingin talaga rito sa gawi namin.

At ang iba pa ay pasimpleng nag-bubulungan pero nakikita ko pa rin naman.

"What's wrong with them?" walang reaksyong tanong ni Kaizer nang bumalik na ang tingin niya sa amin.

"Hindi ko alam kaya nga kayo ang tinatanong ko." asar kong tanong at nang hindi nag-salita si Sanya ay tiningnan ko siya.

Habang kumakain siya ay nakita ko sa mukha niyang parang nahihiya siya.

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang reaksyon niya na parang nahihiya.

Dahil mas napansin ko ang pisngi niyang namumula!

Kaya natawa ako dahil bakit naging ganiyan kamula ang pisngi niya?

Nang matawa ako ay nag-tatakang tumingin silang dalawa sa akin.

"Hahaha! Yung pisngi mo namumula, anong nangyari diyan, teh?" natatawang tanong ko at hinawakan niya naman ang sarili niyang pisngi kung saan iyon namumula.

Hinarap ko sa kaniya ang screen ng cellphone ko at nakita niya doon ang pisngi niyang namumula.

Nang tawanan ko siya ay nakita kong hinimas niya ang pisngi niya.

"Kaya pala pakiramdam ko ang hapdi ng pisngi ko. Nasobrahan ko yata ng punas kaya namula." tugon niya saka ko inalis ang kamay niyang nakahawak sa pisngi niya at tiningnan ko ng mabuti iyon.

"Ayaw mawala yung pamumula ng ketchup, kaya kinuskos ko ng sobra 'tong pisngi ko kanina nang pinupunasan ko." aniya.

"Kaso teh, di mo namamalayan mas namumula na 'yang pisngi mo gawa ng kinuskos mo ng sobra. 

Hindi naman pati nabawasan yung pamumula eh." tugon ko at kita kong namumula talaga iyon at kahit hindi ko ramdam ay parang ramdam kong mahapdi nga iyon.

Bakit kasi hindi siya nag-iisip at kinuskos niya?

Alam na sensitive na bahagi at manipis ang balat doon sa pisngi pero kinuskos niya pa ng sobra, edi hahapdi talaga iyon.

Imbis na mag-alala ay hindi ko mapigilang matawa dahil para siyang sinampal!

"Hahaha! Parang sinampal ka tuloy." tugon ko at muling umangat ng tingin si Kuya Kaizer. At tiningnan ang pisnging namumula ni Sanya.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now