CHAPTER 16

23 1 1
                                    

Sanya's POV


Habang nagda-drive si Kaizer ng sasakyan niya ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha niya.


Kitang-kita ko ang mala-perpekto niyang mukha na nakaside view.


Kaming dalawa nalang ag magkasama ngayon dahil si Yana ay hinatid na ng boyfriend n'yang si Jake.


Hindi ko alam kung bakit bigla akong tumahimik ngayong kaming dalawa nalang ni Kaizer ang magkasama.


Deretso lang ang tingin ni Kaizer sa daan habang nagda-drive ng kotse n'ya.


Habang ako ay tahimik lang na nakaupo rito sa tabi niya at hindi ko naman alam kung bakit pasimple akong napapasulyap kanina pa sa kan'ya.


"Hey, stop staring at me, Sanya." Nabigla ako sa biglaan niyang pag-sasalita.


Bahagyang nanlaki naman agad ang mata ko at nagulat dahil mukhang nahalata niyang kanina ko pa siya sinusulyapan ng tingin.


"Ano? Hindi naman kita tinitingnan. A-Assuming ka, Pres." Saad ko at imbis na tingnan ko siya ay sa bintana nalang nitong kotse niya ako tumingin.


Napapikit naman ako dahil sa kahihiyan.


Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya, hindi ko na siya tiningnan dahil sa nararamdaman kong kahihiyan.


"But it's okay, Sanya. You can stare at me wherever you want, whenever you want and as long as you want." Batid kong nang-aasar lang siya pero hindi naman ako naasar dahil mukhang lumakas pa ang tubok ng puso ko dahil sa sinabi niyang 'yon.


"You can do anything at me as long as you're safe." Biglang dagdag niya pang sabi dahilan kaya ako naestatwa sa kinauupuan ko at matulala sa labas ng bintana.


Tila parang may paro-parong kumiliti sa tiyan ko at hindi ko mawari kung bakit parang nararamdaman kong nag-iinit ang pisngi ko.


No way, a-ang sinasabi ng iba kapag may ganitong naramdaman ka daw sa isang tao na parang may paro parong dumapo kang naramdaman sa bandang tiyan mo at kapag k-kinikilig ka ay may gusto ka daw sa taong 'yun!..


Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa biglang pumasok sa isipan ko. I-Ibig sabihin...may gusto na'ko sa kan'ya? May gusto na ako kay Kaizer?!


"Hey, Sanya.." habang may iniisip ako ay narinig ko na tinatawag ako ni Kaizer, hindi ko siya hinarap dahil parang hindi ko siya kayang harapin at tingnan sa mata dahil sa kahihiyan.


Ayoko rin ipakita ang mukha ko dahil pakiramdam ko'y namumula ang aking pisngi dahil sa sinabi niya kanina.


"Hey.." muling pagtawag niya.


"What?" tanging nasagot ko nalang.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now