CHAPTER 19

37 3 0
                                    

Sanya's POV

Kumunot ang noo ko nang mabalikan ko ang ala-ala nitong naka display na picture.

Natatandaan ko na ako nga talaga 'to at hindi ko alam kung bakit naisip ko bigla na bakit hanggang ngayon ay iba pa rin ang kutob ko kung bakit noon palang ay mahilig nang gumamit ng baril si Kuya at Kaizer.

Alam kong isang Business Man si kuya pero alam ko rin na may isa pa siyang trabaho, kung saan gumagamit siya ng baril  at hindi ko alam kung anong tawag sa kan'ya o kung ano tinatrabaho niya.

Kumunot ang noo ko dahil ngayon ko lang talaga narealize na hanggang ngayon ay gumagamit ng baril si Kuya. Nagtataka talaga ako sa kung anong posisyon o trabaho niya.

"Hey, Sanya." Lumingon ako, nakita ko si Kaizer na may hawak na juice at parang namumungay na ang mata. Siguro inaantok na siya.

"Oh, magre-review na'ko. Tiningnan ko lang 'tong naka-display na picture." Saad ko at ngumiti. Dumeretso siya sa sofa at nilapag ang juice.

"Ikaw 'to 'diba? 'tas si Kuya 'to." Dagdag ko pang sabi sabay turo dito sa larawan.

Tumango naman siya at lumapit sa'kin.

"Yep, sa hacienda 'yan kina Uncle, 'yan ang unang practice namin ng Kuya mo kung pa'no gumamit ng baril. At 'yung maliit na bata na nasa gilid, ikaw 'yan." Aniya.

Gusto ko siyang tanungin kung ano talaga ang totoong trabaho ni Kuya, kung bakit sila gumagamit ng baril simula pa noon.

"Ahm, can I ask?" Tanong ko.

"Sure, what is it?

"Bakit kayo marunong gumamit ni Kuya ng baril. At ano ba talaga ang work ni Kuya?" Tanong ko, napansin ko na nabigla siya sa naitanong ko pero nawala rin agad.

"We want to use guns, siguro naging hobby na namin. And about sa work ng Kuya mo, I don't know." Sagot niya.

"Hobby? Pwede pala 'yun? Maging hobby ang paggamit ng guns? So, pwede rin pala akong matutong gumamit ng baril?" Tanong ko muli.

"Tsk, hindi ka pwedeng gumamit. Let's go na, may exam kapa bukas. Magreview kana." Aniya at nagpauna nang maglakad.

Saglit ko pang pinakatitigan ang picture, ang cute kasi.

"Hey, Sanya. Let's go." Seryosong saad ni Kaizer kaya dali-dali na 'kong pumunta sa kaniya.

"Anong first subject niyo?"

"Psychological statistics." Sagot ko.

Sinimulan na niya 'kong turuan. At mabuti nalang nage-gets ko agad ang mga itinuturo niya dahil magaling pala siyang magturo.

Umabot na ng isang oras ang pagrereview.

"Very good. Basahin mo nalang 'yang last subject na kailangan mong pag-aralan. I will just go to the guest roon to prepare the room you will use. Just a moment, okay?" Saad niya, tumango-tango naman ako at kinuha ang last book na kailangan kong basahin.

Nang umalis siya ay agad kong pinahinga ang likod ko sa sofa. Sumandal ako at pinagpatuloy na ang  pagbabasa.

Pero wala pang tatlong minuto, naramdaman ko na agad ang sarili kong antok at pagpikit ng mata.

Kaizer's POV

Natapos ko ng icheck at ihanda ang gagamiting room ni Sanya, nang makababa ako sa hagdan ay siya agad ang napansin ko.

Mahimbing nang natutulog habang hawak-hawak ang libro na binabasa niya.

Napailing nalang ako at lumapit sa kaniya.

I took the book she was holding and I suddenly glance at her face.

She's so pretty. The shape of her eyebrows, nose, eyes and face is beautiful. The smoothness of her face and her red lips.

Hindi ko alam kung bakit huminto ang paningin ko sa mapula niyang labi. Para bang hinihipnotismo ako nito.

Agad akong napailing dahil sa mga naiisip ko.

Tumayo ako para ayusin ang nga gamit na nakakalat. Inayos ko na rin ang mga libro.

Pagkatingin ko kay Sanya ay mahimbing pa rin siyang natutulog.

Muli akong lumapit sa kaniya para gisingin siya.

"Hey, Sanya. Wake up." Saad ko at mahina siyang ginigising.

"Hey, wake up."

She looks really sleepy. Ang himbing-himbing ng tulog niya.

Inaantok na rin ako, actually kanina ko pa gustong matulog pero kailangan ni Sanya na makapagreview, kaya nilabanan ko ang antok ko.

Tataas na sana ako sa hagdan pero muli akong bumaba para balikan si Sanya.

Hindi siya pwedeng dito matulog sa sofa kaya muli ko siyang nilapitan.

Sinubukan ko uli siyang gisingin pero mahimbing talaga ang tulog niya.

Kaya dahan-dahan ko s'yang binuhat at nakikita ko sa mukha niyang antok na antok talaga siya.

Agad akong tumaas at mabuti nalang ay iniwan kong bukas ko ang pintuan ng guest room.

Dahan-dahan ko s'yang nilapag sa kama at as usual mahimbing pa rin ang tulog niya.

Hindi na'ko magtataka kung magugulat s'ya bukas paggising niya na na'ndito na siya sa kama.

Binuksan ko na rin ang airconditioner at kinumutan siya.

Pagkatapos ay sinilip ko muna siya at tuluyan na 'kong lumabas para pumunta sa kwarto ko para matulog na rin.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now