CHAPTER 5

64 10 0
                                    

Sanya's POV

Natapos kaming mag recess sa Canteen at panay ang asar ni Yana dahil animo'y kinikilig raw siya sa amin ni Pres. Kaizer.

Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip nung babaeng 'yon kung bakit siya sa amin kinikilig?

At sabi niya pa kanina ay ship niya daw kaming dalawang ni Pres. Hay na' ko, Yana. Sumasakit ang ulo ko sa'yo.

Napagpasyahan na muli ng party-list namin na ipag-patuloy na ang pangangampanya.

Dalawang oras naming iginugol ang pangangampanya habang ang mga Students ay may itinatake na special quiz.

Nag-aalala ako dahil sa sobrang busy namin dito sa SSG ay hindi pa ako nakaka-pagreview.

Dahil kahit ang mga tumakbo sa SSG ay kailangan pa rin ang makahabol at mag take pa rin ng special quiz dahil importante daw iyon.

Pagkatapos ng dalawang oras na iginugol namin sa pangangampanya ay nakaraos na rin kami sa wakas.

Saglit muna kaming nag-meeting at pagkatapos ay naghintay kami nang ilang minuto sa announcement ng Principal.

At nang inanounce nito na itutuloy na ang Debate ay pinapunta na nito ang mga Students sa Court, dahil doon namin isasagawa ang debate laban sa iba pang party-list.

Naandoon na ang halos lahat ng party-list na kalaban namin.

Halos paos na ang boses ko kakasalita sa pangangampanya kanina at ngayon final debate na.

At kahit na ganitong medyo napapaos na ang boses ko ay kailangan makipag-debate pa rin para manalo.

Nakasuot ang party-list namin ngayon ng kulay abong t-shirt samantalang ang ibang party-list naman ay asul, dilaw at berde ang kulay ng t-shirt nila.

Kasalukuyang nag-lalakad na kami patungo sa Court kung saan gaganapin ang Debate ng lahat ng party-list na tumakbo sa SSG.

Halos lahat yata ng estudyante ay naandoon na sa Court, gayundin ang Principal at mga Speakers.

Kaya binibilisan na namin ang lakad ng party-list namin papunta sa Court.

Dahil kami nalang yata ang party-list na wala doon!

Ngunit habang nag-lalakad na kami ay biglang nakasalubong namin ang isang section ng Students na mukhang nasa Grade 8 ang mga 'to.

Nang makita nila si Pres. Kaizer, ako at si Shayne ay bigla silang nag-sitakbuhan at nag-sisisigaw papunta sa gawi namin ngayon!

Hindi namin inaasahan nang biglang pag-kaguluhan kami ng mga Students na mga 'to dahil sa aming tatlo nila Pres. Kaizer, ako at ni Shayne.

"Ate Sanya!!!" sigaw nang isang Grade 8 na chinitang babae sa pangalan ko.

Sinisigaw nila ang mga pangalan ko, ni Pres. Kaizer at ni Shayne. At sinasabing mag-papapicture daw sila saglit sa aming tatlo!

Hindi na kami naka-sagot dahil agad nila kaming pinag-kaguluhan.

Nakahanda na ang mga cellphones at cameras nila saka nila kami pinag-siksikan para mag-pakuha sa aming tatlo ng litrato.

Hindi na ako nag-taka kung bakit nag papakuha sila ng litrato sa amin.

Kilala kasi kaming tatlo rito sa School.

Ako, si President Kaizer at famous rin itong si Shayne na isa sa kapartido namin.

Ang parents ko ay model ngunit hindi ko kinarera ang pagiging modelo, dahil mas nais ko muna ang mag-aral at maka graduate nang walang pressure.

Si Kaizer naman ay guwapo, matalino, mayaman at kilalang President kaya hindi na maikakailang kilala na talaga siya rito sa School.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now