CHAPTER 18

16 1 0
                                    

Sanya's POV

Natapos na kaming kumain ni Kaizer.

Actually kanina pa tapos si Kaizer kumain at kasalukuyang nagbabasa na siya ng libro habang iniintay akong matapos sa pagkain.

Tumayo na 'ko dahil tapos na rin naman na 'ko kumain at kanina kopa gustong-gustong mag-review dahil gusto ko ng makapag-pahinga at inaantok na'ko.

"Are you done?" Tanong niya habang hawak pa rin ang libro at nakadekwatro.

Nang tumango ako ay tumayo na rin siya at sinimulan n'yang ligpitin ang pinagkainan naming dalawa.

Kukunin kona sana ang ibang plato at tutulungan kona sana s'ya nang bigla n'yang tapikin ang kamay ko kaya bahagya akong nagulat.

"What?" Tanong ko.

"I can do this."

"Tulungan na kita." Saad ko.

"Ako na ang magliligpit. Magpahinga ka nalang dun sa may sofa. Hintayin mo 'ko, pagkatapos ay tutulungan na kitang mag-review, i'll just wash the dishes. saglit lang 'to." Tugon niya.

Marunong pala siyang maghugas ng pinggan? Akala ko sa kan'ya ay walang alam sa gawaing bahay hahaha.

"Okay, dun muna 'ko sa may sofa." Saad ko at tumango naman siya.

Ngumiti nalang ako at dumeretso na siya sa may sink, kaya tinalikuran ko na rin siya at nagsimulang maglakad papunta sa sofa nila.

Habang naglalakad ako ay hindi ko pa rin talaga maiwasan ang mamangha sa ganda at lawak ng bahay nila.

Actually maganda at halos ganito rin kalawak ang bahay namin.

Pero iba ang kagandahang dulot ng tahanan nila. Para bang nakakahipnotismo tingnan ang designs at kulay.

Iba-iba ang hugis ng palamuti at may iba't-ibang nakasabit na paintings.

Hindi ko alam kung bakit imbis na sofa ako pumunta ay dinala ako ng sarili kong mga paa sa may picture frame na sakto lang ang laki.

Bahagya akong namangha sa nakita ko.

Nasa litraro si Kuya at si Kaizer na, nakasuot sila ng tuxedo suit habang may hawak-hawak na baril.

Matagal na 'to at batid kong mukhang nasa 13 years old palang sila rito.

Nakatayo sila at pareho silang nakangiti habang may suot suot rin na shades.

Napangiti ako dahil nacu-cutean ako sa kanilang dalwa rito.

Mukhang close na close talaga silang dalawa ni Kuya

Muli kong pinakatitigan ang litrato at ngayon kolang napagtanto na familiar sa'kin kung saang lugar ito.

Napansin ko bigla sa litrato na may batang babae na nasa likod hindi  atkalayuan sa  kanilang dalawa.

I-Is this m-me? 

Kamukhang kamukha ko kasi 'yung na'ndito sa picture at kung ako nga 'to ay hindi ko alam na napasama pala ako sa picture na'to.

Siguro'y nasa 10 years old palang ako diyan.

Nakaupo ako sa swing habang malungkot at nakatanaw sa malayo.

Para bang problemadong-problemado ako at oo!

Natatandaan ko na! Ako nga itoo at natatandaan ko na gusto kong makipaglaro ng tagu-taguan kay Kuya at Kaizer pero hindi nila ako pinagbigyan makalaro dahil busy sila sa pag-aaral na gumamit ng baril.

Simula palang kasi no'n ay tinuturuan na sila ni uncle humawak ng baril.

Nung hindi nila ako pinagbigyan na makipaglaro sa kanila ay naglaro nalang ako sa hacienda.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now