CHAPTER 10

41 6 1
                                    

Sanya's Point of View

"Sinong nagtali ng bag ko? Nakakainis." mahinang pagmamaktol ko nang makita kong nakatali ang tali ng bag ko sa upuan.

Yumuko ako para tanggalin ang pagkakabuhol-buhol ng tali ng bag ko sa upuan.

Sinulyapan ko si Clein na ngayon ay nakangising natatawa sa'kin kasama ang mga kaibigan niya.

Hindi ko nalang sila pinansin at tinanggal ko nalang ang pagkakatali nila sa bag ko.

"Oh, anong nangyari diyan sis?" tugon ni Yana nang makalapit na siya sa'kin.

"Sina Clein pinagtitripan na naman ako. Tinali itong bag ko sa upuan. Tapos buhol na buhol pa ang hirap tuloy tanggalin." mahinang sabi ko sa kaniya.

"Nako ha, hindi kana nila tinigilan pagtripan. Napapadalas 'yang pangti-trip nila sa'yo." inis na saad niya at nakita kong sinulyapan niya sina Clein at palihim na inirapan.

"Huy, huwag ka ngang umirap-irap diyan. Baka makita ka nila, sige ka, sa susunod ikaw ang pagtripan nila diyan." banta ko.

"Eh kasi naman, kaya ka laging pinagti-tripan nila Clein dahil natalo mo siya sa SSG secretary. Tapos mukhang may gusto pa siya kay Pres. Kaizer. Eh nakikita niyang palagi kayong magkasamang dalawa, kaya siguro palaging parang may inis sa'yo si Clein. Hindi na siya nakakatuwa ha, baka sa susunod patulan ko na 'yan, teh." inis na aniya sa'kin. Mabuti nalang dahil may kahinaan ang boses niya at walang nakakarinig ako lang.

"No, hayaan mo nalang, remember kabilang na tayo sa SSG officers, isa sa rules natin ay huwag na huwag makikipag-away kung kanino basta. Kung kinakailangan na habaan natin ang pasensya ay gagawin natin. Okay?" seryosong saad ko kay Yana.

"Psh! masyado ka ng mabait, Sanya. Kaya love na love kita eh. Tapos love na love ka rin ni Pres." asar niya pero ikinagulat ko ang huling salitang sinabi niya.

"Anong sabi mo? Love na love ako n-nino?" napatigil ako para tanungin lang 'yung narinig kong sinabi niya.

"Hahaha, just kidding. Medyo ship kona kasi kayong dalawa ni Pres. Kaya ayun napapadalas ang asar ko sa inyo. Sorry teh, hehe." aniya. Napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan ni Yana.

Saktong natanggal kona ang lahat ng buhol ng tali ng bag ko ay biglang nagbivrate ang phone ko. 

Sinakbat ko ang bag ko sa likuran ko at kinuha ang phone ko sa bulsa.

Napa-smile ako sa hindi mawaring dahilan nang makita ko ang na nagpop-up ang name ni Pres. Kaizer. May text siya.

President Kaizer: Hey, i'm here in gate. Should I pick you up diyan sa room niyo?

Nagsimula akong mag-type kasabay nang bahagyang pagkagat ko sa ibabang bahagi ng labi ko.

Atleast ngayon, alam kong safe siya dahil nag-text na siya sa'kin. At sasama nga siya sa pagrereview ko at saglit na pagpunta namin sa bar club.

Reply: No need, Pres. On the way na rin kami ni Yana palabas diyan sa gate. Kakatapos lang kasi ng demo ni ma'am, kaya ngayon ngayon lang kami pinalabas.

Sent!

Pagkatapos kong i-send ang message na 'yon kay Kaizer ay nakangiting tiningnan kona si Yana na may kachat din pala sa phone niya.

"Oh, asan na daw si kuya Pres?" tanong niya.

"Nasa gate raw siya, nag-hihintay. Let's go na do'n, sasama pa rin daw siya sa bar club." nakangiting saad ko.

"Oh, really? Napapayag mo talaga si Kuya Pres? Galing mo teh ha! Secretary ka lang niya pero parang girlfriend ka niya teh kung mapapayag mo sa bar! Hindi naman kasi sumasama 'yun sa gano'n! Kung hindi ko lang talaga kayo kaibigan magpagkakamalan kong may something sa inyo." daldal niya na siyang ikinatawa ko nalang.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now