CHAPTER 17

30 2 1
                                    

Sanya's POV

Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at lawak ng bahay nila Kaizer.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at naglakad kami papunta sa dining area nila.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakahaban ngayon na magkahawak ang kamay namin.

Actually childhood friend ni Kuya si Kaizer kaya simula bata pa lang ay kilala kona si Kaizer, kaya't parang naging magkaibigan na rin kami.

Kaya dati niya na akong nahahawakan sa kamay at wala namang malisya iyon sa amin.

P-Pero bakit ngayon parang binibigyan kona ng malisya yung mga paghawak niya sa'kin?

Bakit ngayon parang iba ang nararamdaman ko?

A-Ano bang nangyayari sa'kin?

T-Teka, hindi kaya...

Hindi naman siguro hindi ba? Mali 'tong iniisip ko, hindi ba?

Na hindi kaya gusto ko siya?

Hindi! Umiling-iling ako dahil sa agad kong mga naiisip. Panay kasi ang puyat mo Sanya kaya kung ano-ano nang pumapasok sa isip mo.

Wala. Oo, tama wala. Wala akong gusto kay Kaizer.

"Hey, Sanya."  Bahagyang tumaas ang balikat ko dahil sa gulat.

Ngayon ko lang na-realize na na'ndito na pala kami sa Dining area nila at binitawan na n'ya ang pagkakahawak sa kamay ko.

At kanina  pa niya 'ko tinatawag.

"H-Ha? A-Ano 'yun? Sorry, hindi ko narinig."

"Psh, I said, let's eat first. I know you're hungry."

"H-Ha? Sinong may sabing gutom ako? No, i'm not. Kailangan ko ng mag-review." Sinubukan kong mag-mukhang mataray magsalita para pumayag siyang mag-review na kami.

Pero hindi ata tumalab. Hindi s'ya nagsalita, bagkus ay hinila niya 'ko papunta sa dining table nila at pinaghila ako ng upuan at pinaupo niya 'ko.

Napabuntong hininga nalang ako dahil mukhang wala na 'kong magagawa. Masyado talaga siyang caring.

Pumunta s'ya sa ref at kumuha ng meat at ham.

Pagkatapos ay sinuot niya bigla ang apron at sinimulan niyang buksan ang stove.

May balak talaga siyang magluto ng ganitong oras?

"Kaizer, 'wag ka ng magluto. Gusto ko ng mag-review para makauwi na'ko at makapag-pahinga na." Sinubukan ko uli s'yang pakiusapan.

Sa totoo lang, nakatulog naman na ako kanina sa byahe dahil pinaidlip ako ni Kaizer kaya medyo nakapagpahinga na'ko.

Ang pinag-aalala ko lang ay dahil baka magalit si Kuya dahil gabi na naman ako uuwi ngayon. Parang mag-uumaga na nga eh, lagot talaga ako neto.

Magta-taxi nalang siguro ako para hindi kona maabala si Kaizer na ihatid na naman ako pabalik sa dorm ko dahil sobrang layo pa ng iba-byahe.

"Saglit lang 'to, you need to eat first. Ibinilin ka sa'kin ng Kuya mo na huwag kitang pabayaan and...hindi ba sa'yo sinabi ng Kuya mo?" Nagtatakang tumingin siya sa'kin.

"Ang alin?" Sagot ko naman, wala akong natandaan na sinabi sa'kin ni kuya. Ano 'yun?

"Dito ka daw magi-stay hangga't hindi pa nakakauwi ang Kuya mo." Aniya na nakapagpalaki ng mata ko.

"What?!"

Tama ba 'yung narinig ko? Dito ako magi-stay?! Dito ako matutulog?!

"Hindi n'ya ba sinabi sa'yo?" Tanong niya. Umiling naman ako.

He chuckled while still cooking. Kumunot ang noo ko. Ang epal ni Kuya! Hindi niya ba alam na hindi ako sanay na sa ibang bahay nakikitulog?

Bukod do'n hindi ako sanay sa ibang kwarto natutulog at takot pati ako sa dilim.

Limang minuto pa ang lumipas nang matapos s'yang magluto.

Naglakad siya papunta sa'kin dala ang foods na niluto niya.

Nilapag ni Kaizer sa lamesa ang niluto niyang ham at meat na may kasamang apple juice, slice of bread at graham.

Sa totoo lang, gutom naman talaga ako kanina pa, ayaw ko lang siyang paglutuin dahil gusto ko ng mag-review.

Because highest grades are really important to me, Top 1 ako sa classroom kaya ayokong bumagsak bukas sa gaganapin naming exam.

Kahit 'wag na kong makakain basta makapag-review lang ako at makapasa ay busog na'ko.

Pero dahil makulit itong tao na nasa harapan ko ay wala naman akong magagawa. Ngayon kolang naalala na President konga pala siya hehe.

"Thanks for the food." saad ko.
Ngumiti siya...

"You're welcome my Princess" Aniya.

Nagulat ako dahil sa tinawag niya sa'kin.

Bumungad sa harapan ko ang maamo niyang mukha habang ngumunguya ng pagkain.

Ilang segundo ko siyang pinakatitigan at hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko sa kaniya.

Maya-maya'y tiningnan niya 'ko at nagtama ang paningin naming dalawa. Nginitian niya 'ko.

Hindi ko alam kung bakit ang lakas lakas na naman ng tibok ng puso ko. Ito na naman yung nararamdaman ko tulad ng kanina na magkahawak ang kamay namin.

"Don't stare at me, eat your food." Biglang saad niya. Agad akong umiwas ng tingin sa kan'ya.

There's something to me...a-ano 'tong nararamdaman kong 'to?

"H-Hindi ako nakatitig sa'yo 'no." Utal na saad ko at sinimulan ko nalang hiwain ang meat na niluto niya.

"Nakatingin ka kaya, I saw it.." tugon niya.

Muli kong inangat ang paningin ko sa kaniya. He's serious at saglit siyang tumigil sa pagkain para tingnan ako.

Pakiramdam ko namula bigla ang pisngi ko ngayong ako naman ang tinitingnan niya at bakit napakaseryoso ng tingin n'ya sa'kin?

T-Teka bakit naman mamumula? At bakit ba ang lakas lakas ng tibok ng puso ko?

Wait, does I really like him?

"Sanya...be honest with me." He said.

"H-huh?" Nagugulat kong sabi.

T-Teka baka nahahalata niyang kinakabahan ako ngayon at baka sabihin niyang MAY GUSTO AKO SA KAN'YA!

Bigla nalang siyang bumuntong hininga siya. At kinuha ang kutsara niya at muling kumain.

"W-What?" Utal kong tanong.

"Nothing. Let's eat." Aniya

A-ano 'yung sasabihin niya? Bakit hindi niya sinabi?

Pakiramdam ko talaga namumula na ang pisngi ko ngayon dahil sa kahihiyan.

Nagsimula nalang rin akong ubusin ang pagkain ko.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko kay Kaizer?

Ano pati 'yung sasabihin niya dapat? Baka akalain niyang may gusto ako sa kaniya dahil tinitigan ko siya.

Peri bakit ko nga ba kasi siya tinitigan? At bakit ganito kalakas ang tibok ng puso ko?

M-May gusto na ba ako kay Kaizer?

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now