CHAPTER 22

20 1 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na hanggang ngayon ay sinabi ni Kaizer 'yon sa akin.

Na gusto niyang pakasalan ako.

Oo, alam kong para 'yon sa kapakanan ng Kompanya nila at dahil nais nang Lola niya na maipakasal na siya.

Pero sa dinami-dami ng babae rito sa mundo.

Bakit ako? Bakit ako ang napili niyang pakasalan?

Hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging desisyon ko hanggang ngayon.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang sabihin niya 'yon sa akin.

Nakausap ko na rin sina Kuya tungkol dito.

Ang sabi nila ay hindi naman sila tutol at nasa desisyon ko na raw iyon kung papayag ba 'ko o hindi.

Pero hindi ko pa rin alam ang magiging desisyon ko.

Kung sakaling magpapakasal ako kay Kaizer, wala naman daw akong dapat ikabahala sa mga pangarap ko at siyang gustong gawin sa buhay.

Dahil pwede pa rin akong mag-aral kung gugustuhin ko para tuparin ang mga pangarap ko at gawin ang mga gusto kong gawin.

Wala daw akong dapat ikabahala dahil sa kontrata lang naman daw kami kasal, ngunit kailangan ay nasa iisang bubong kaming dalwa ni Kaizer tumira.

Malaki naman ang bahay nila Kaizer. Tulad nga ng sinabi ko, sobrang lawak at napakaganda ng mga palamuti at disenyo.

Kung tutuusin ay parang mukhang Mansion na nga.

Pero ang ikinabahahala ko lang ay baka kapag araw-araw ko siyang kasama sa iisang bubong at tanging kaming dalawa lang kahit magkunwariang mag-asawa ay baka...

Baka tuluyan nang mahulog ang damdamin sa kan'ya.

Dahil mukhang alam kona sa sarili kong gusto ko siya.

Na may gusto ako kay Kaizer.

At natatakot akong kapag tuluyan na 'kong nahulog sa kaniya at kapag natapos na ang kontrata namin bilang mag-asawa ay baka sobra akong masaktan.

Katulad noon, nung mga panahong kami pa ni Vico.

Si Vico ang ex ko na sobra akong sinaktan.

Limang taon naging kami at pinakita niyang minahal niya ko kaya sobra talaga akong nasaktan noon nang malaman kong may iba s'yang babaeng nilalandi.

Simula noon, sinabi ko sa sarili ko na ayoko na uling magmahal.

Dahil kapag nagmamahal, may kapalit na sakit.

Naggagawa ako ng home works ko ngayon rito sa Dorm ko, nang biglang mag ring ang phone ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang phone ko at nakitang si Kaizer ang tumatawag.

Kanina pa siya tawag ng tawag at magte-text rin s'ya sa'kin pero hindi ko pa sinasagot.

Tinatanong niya 'ko kung nakapag desisyon na raw ba ako.

Sinubukan kong umayaw na magpakasal sa kaniya at sinabi ko ring humanap nalang siya ng ibang Babae na pwede niyang pakasalan.

Pero, hindi raw siya titigil. Gusto niyang pagpasyahan ko raw ng mabuti ang desisyon ko, kaya binigyan niya pa 'ko ng ilang araw para makapag-isip ng mabuti.

Hindi ko pa rin 'to sinasagot hanggang sa mawala na ang ring nito.

Bumalik nalang ako sa pagsusulat nang bigla namang marinig kong may nagdoor bell.

Sino naman 'yang nag door bell? Shopee Deliver? Lazada?

Alas siyete na ng gabi ah?

Ahh, baka Food Panda?

Agad akong nagsuot ng tsinelas ko at dumako sa pintuan.

Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa'kin si...

Kaizer!?

Agad ko siyang sinalo nang muntikan itong tumumba sa'kin.

"Are you drunk?" Nagugulat na tanong ko.

Hindi naman s'ya masyadong umiinom ah?

Sinipat ko ang mukha niyang mamula mula at naamoy ko nga ang naghahalo niyang amoy pabango at alak.

Tumango-tango s'ya na parang bata at yumakap sa akin.

Agad kong sinara ang pintuan dahil baka may makakita pang magkayakap kami at mapagkamalang magkasintahan kami.

"Bakit ka naman uminom?!" Nagugulat pa ring tanong ko.

"Because i'm stupid." Aniya habang nakayakap pa rin sa akin.

Inayos ko s'ya ng pagkakatayo at inalis ang mga braso niyang nakapulupot sa beywang ko.

Inakay ko siya at nilapag sa Sofa. Ang bigat niya kaya!

"Are you what?! Stupid?"

Muli siyang tumango-tango na parang bata dahil naka pout pa.

Gusto kong magalit, bakit siya nagiinom? Ganitong oras?

"Sa'n ka naman nanggaling ng ganitong oras? At bakit kaba uminom?"

To be continue...

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now