CHAPTER 3

87 14 9
                                    

Habang kumakain kami ng inorder naming foods ay napagusapan rin namin ang tungkol sa projects, activities at agendas na isasagawa namin dito sa loob ng school, kung sakaling kasama nga ako sa mananalo bilang SSG Secretary."What if hindi naman ako manalo, Pres.? tanong ko bigla kay Kaizer at nakita ko ang pag-kunot ng kilay nito habang naka tingin sa akin.

"No. Kahit ngayong taon ka lang nagsimulang tumakbo ay kailangan mong manalo. Nakita mo naman kung paano kitang sinuportahan at kinampanya dahil gusto talaga kitang manalo, kayo nitong si Yana." aniya.

"At ngayon pa lang ay nararamdaman ko na mananalo ka. Just trust me." dagdag niya pa kaya tumango ako.

Nakita ko na kinagat ni Kaizer ang ibabang labi niya habang nanguya.

Hindi ko nalang iyon pinansin at kumagat nalang ng burger ko.

"Pero what if lang naman. Kasi may posibilidad nga na manalo ako pero posibleng matalo rin." Daldal ko at nakita kong biglang natawa si Pres.

Kaya bahagyang nag-taka ako dahil seryoso naman ang itinanong ko.

"You're beautiful Sanya. Gorgeous, intelligent and diligent. Sa mga kalalakihan pa lang rito sa School ay alam kong panalo ka na. 

"Bukod do'n matalino ka pa at medyo kilala ka na rin, kaya huwag kang mag-alala." tugon nito at napangiti ako.

"Totoo ba 'yan, Pres?" biro kong tanong sa kaniya at natatawa naman siyang tumango.

"Bakit ka ba natatawa diyan?" hindi ko na maiwasan ang mag-tanong dahil pati si Yana ay tumatawa rin.

"May ketchup ka kasi sa labi mo, teh." si Yana ang nag-salita. Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Hinatak ko ang cellphone ni Yana na hawak niya, tiningnan ko kaagad ang itsura ko mula sa screen ng kaniyang cellphone.

Nakita kong nagkalat na pala doon ang ketchup sa bandang gilid ng labi ko!

Hindi ko man lang naramdaman na sa bawat kagat ko ng burger ay nalalagyan na pala ng ketchup ang bandang gilid ng labi ko at gayundin ang pisngi ko!

Natutuyo na pati ang ketchup sa pisngi ko at worst mahirap na iyon matanggal.

Nilibot ko ng tingin ang mga students na narito sa Canteen.

Mabuti nalang at walang naka tingin masyado sa gawi namin at abala sa mga pagkain. Nakakahiyang may makakita na ganito ang itsura ko.

Nahihiyang tinakpan ko ang pisngi ko at ibinalik na kay Yana ang cellphone niya.

Kinapa ko ang bulsa ko kung may panyo roon pero wala akong nakapang kahit na anong panyo o pwedeng ipamunas!

Tumayo ako para kumuha ng tissue pero nagulat ako nang hilahin ako ni Kaizer pabalik sa upuan.

Inilabas niya ang panyo niya mula sa kaniyang bulsa at walang alinlangang binigay iyon sa akin.

Tatanggi pa sana ako at sasabihing kukuha nalang ako ng tissue pero nakita ko sa labas si Daryl na naglalakad patungo rito sa Canteen.

Nagtama ang mga mata namin ni Daryl, hindi ko inaasahan kaya mablis akong napaiwas nang tingin at kunwaring tiningnan si Kaizer.

Nakita ko sa reaksyon ni Kaizer na parang nagtaka siya habang tumingin ako sa kan'ya dahil biglang nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ko inaasahang pupunta sina Daryl dito dahil hindi pa naman nila Recess time.

"Use this." biglang sabi ni Kaizer at nahihiyang kinuha ko na iyon dahil kung kukuha pa ako ng tissue ay doon pa 'yon sa bandang unahan kung saan makakasalubong ko pa si Daryl paglalakad.

Pinaupo na ako ni Kaizer at walang awa kong ipinunas ang panyong binigay niya sa pisngi ko. Bahala na lalabhan ko nalang pag-uwi ko.

"Sorry Pres. Lalabhan ko muna 'tong panyo mo saka ko isasauli sa'yo." pagpapaumanhin ko sa kaniya ngunit muli na namang natawa si Kaizer kaya muli na naman akong nag-taka.

"May ketchup pa ba?" saad ko at ipinakita sa kaniya ang buo kong pisngi, nakangiting tumango naman siya.

Nahihiya ko naman iyong tinakpan para hindi niya makitang namumula ang pisngi ko dahil sa Ketchup.

At nang makita kong abala sa pagchachat si Yana sa cellphone niya ay hindi ko na iyon hinatak sa kaniya dahil maaabala pa siya.

Akmang pupunasan ko na sana ang pisngi ko gamit ang panyo ni kaizer nang kunin niya sa akin ang kaniyang panyo at siya ang nag-punas sa pisngi ko.

Dumampi rin sa gilid ng aking labi ang pag-pupunas niya at nakita ko nang mag-simulang mag bulungan ang mga students rito sa canteen.

Nag-simulang tumingin sa gawi ng table namin ang ibang students na malapit dito sa table namin.

Ngunit tila nag-echo ang pandinig ko at nag-simulang kumabog ang puso ko sa sobrang lapit ng mukha sa akin ni Kaizer habang patuloy pa rin siya sa pag-pupunas sa pisngi ko.

Sa sobrang hiya ay nahawakan ko pa ang kamay ni Kaizer. Hindi ko sinasadya!

Ang balak ko kasi ay kunin sa kaniya ang panyo para ako na ang mag-pupunas sa sarili kong pisngi.

Parang hindi big deal sa kaniya na nahawakan ko ang kamay niya at hindi rin big deal sa kaniya ang punasan ako sa gilid ng labi.

"T-thank you, Pres" sinubukan kong huwag mautal at maging pormal pero dahil sa hindi ko maintindihang nararamdaman ko ay nautal pa rin ang bibig ko.

Nakita kong natawang tumango si Kaizer sa akin at bumalik na siya sa pagkain.Para sa akin ay masyado akong nagulat dahil ngayon lang may lalaking nag-punas sa akin sa gilid ng labi ko nang ganoon pa kalapit sa aking mukha.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now