CHAPTER 11

36 6 0
                                    

Sanya's POV

"Help! Tulungan niyo kami! May mga manyakis dito!" malakas na sumigaw si Yana.

Pagkatapos ay mabilis namang tinakpan ng isang manyak na lalaki ang bibig ni Yana, para hindi ito makasigaw.

Nakikita ko ang takot sa mga mata ni Yana, kahit ayaw niyang ipakita 'yon. Nakakapangamba kasi na baka may masamang gawin ang mga lalaking ito sa'min.

May lalaking nakahawak sa magkabilang braso namin ni Yana. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak na animo'y hindi talaga kami makatakas.

Hanggang ngayon ay nararamdaman kong parang wala talaga silang balak mpakawalan kami, kaya't maging ako ay kanina pa natatakot, pero ayaw kong ipakita na natatakot ako sa kanila.

"Kuya, ano bang kailangan ninyo sa'min? Pera ba? Kung pera ang kailangan niyo, bibigyan namin kayo. Paalisin niyo na kami, pakiusap." pagmamakaawa ko, ngunit narinig ko lang na nagsitawanan sila sa sinabi ko.

"Kuya, may naghihintay pa po sa'min sa labas, kanina pa kami hinihintay." muling pagmamakaawa ko at seryoso kong sinabi 'yon na kahit sa totoo ay natatakot na'ko.

Naalala ko naman na pinaalalahanan ako ni Pres. Kaizer. Sinabihan niya 'ko noon na 'wag pupunta o dadaan sa short cut na'to lalo na sa gabi.

Ngayon alam kona ang dahilan kung bakit n'ya ko pinaalalahanan noon.

Kahit pala sa school ay may mga sulok na bahaging na akala mo'y ligtas ka pero hindi pala.

Pres. Kaizer kaya pala, kaya pala pinaalalahanan mo'ko. Pasensya na dahil nakalimutan ko. Sana huwag kang magagalit sa'kin.

Hindi pa rin nila pinansin ang pagmamakaawa ko dahil nagtatawanan lang sila at mga walang pakealam sa mga sinasabi naming pagmamakaawa ni Yana.

"Lapitan niyo na ang mga chicks na 'yan Nicolo at Jacob!" tumaas ang balikat ko dahil sa biglang pagsigaw ng balbassaradong lalaki.

Nagulat ako nang unti-unting naglakad ang isang lalaking sa tingin ko'y kaedad ko lang papunta sa'kin.

Kumunot ang noo ko nang mapagmasdan ang lalaking nakangisi sa'kin dahil namumukhaan ko siya.

Ang lalaking nasa harapan ko  ngayon ay minsan ko nang nakakuwentuhan dito sa building na'to.

Sinabi niya sa'kin na dati daw s'yang nag-aaral dito sa school na'to pero tumigil dahil kailangan niya ng pangtustos sa sarili niya dahil nawalan na siya ng magulang.

Kung kaya'r nag-construction worker siya at hindi na napagpatuloy sa pagaaral niya.

Siya lang at yung isang katabi niya kaninang lalaki ang nasa halos ka-edad ko lang na narito. Pagkatapos ay puro balbassaradong lalaking matatanda na ang mga naandito.

Hindi ako naniniwalang manyak talaga ang lalaking 'to na tinawag na Nicolo ng matanda kanina.

Nang tuluyan siyang nakalapit sa'kin ay tiningnan niya ako. Nakita kong nagulat siya at gayundin ako.

Kanina pa ako nagugulat pero batid kong tinakot lang siya ng matatandang balbas saradong mga ito at yung isa niya pang kasama na si Jacob.

"A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa lalaking ito.

Imbis na sagutin ako ay nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya. At sinubukang hawakan ang pisngi ko ngunit inis kong binawi ang mukha ko at tinitigan siya na may sinasabing bakit siya naandito.

"Ikaw yung lalaking nakakuwentuhan ko dati tama ba? Kilala mo naman ako di'ba? Ako yung SSG Secretary dito at apo ako ng principal. Alam kong hindi mo magagawa 'to at tinakot ka lang ng mga matatandang lalaking 'yan. Kaya please, tulungan mo'ko. Alam kong hindi ka ganitong klaseng lalaki, Nicolo." mahinang saad ko rito na tanging sinigurado kong s'ya lang ang makakarinig.

Mabuti nalang siya na ang nakahawak ngayon sa braso ko at hindi na ang balbas saradong lalaki kanina.

Nakita ko kung pa'no nagbago ang reaksyon ni Nicolo dahil sa sinabi ko.

"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo." inis na saad n'ya akmang bibitawan na niya ko nang magmakaawa na'ko at umiyak.

Bukod sa natatakot ako sa tingin ng mga matatandang manyak ay natatakot ako dahil sobranh dilim talaga rito. A-Ayoko sa dilim, natatakot ako.

"N-Nicolo, pakiusap..." mahinang gumaralgal ang boses ko at bigla nalang tumulo na ang kanina pang luha na pinipigilan kong huwag tumulo.

"Tulong!!" napasulyap ako kay Yana nang malakas siyang sumigaa.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala siya hinahawakan sa hita nung Jacob.

"Gawin mo na ang nais mong gawin sa babaeng 'yan, Nicolo. Huwag mo ng patagalin pa, gayahin mo ang ginagawa ni Jacob! Kung ayaw mong matanggal sa trabaho niyo!" nagulat ako sa isinigaw nang matandang manyak.

Sinasabi ko na nga ba, h-hindi talaga ganitong klaseng lalaki si Nicolo at ang yung kasama niyang si Jacob. Hindi sila manyak.

Tumingin sa'kin si Nicolo. Nakikita ko sa reaksyon niya na  hind niya gusto ang nangyayari ngayon.

Napalitan nang ngising reaksyon ang mukha ni Nicolo nang lumapit ang balbas saradong matanda sa kaniya.

"Ano pang hinihintay mo Nicolo!? Gawin mo na kung ano ang nais mong gawin sa chicks na 'yan! Hahahaha!" tinitigan ko ng masama ang matandang balbas sarado dahil sa inuutos nito.

Napansin naman ng matandang manyak na tinitigan ko siya ng masama.

Kaya't ang sumunod na nangyari ay hinawakan ako nito sa panga ko at pinisil ng mahigpit ang panga ko dahilan para mapa-aray ako.

"A-Aray!" pag-iinda ko ngunit mas sinamaan ko ng tingin ang matandang manyak.

"Boss, tama na. Ako na po ang bahala sa babaeng 'yan." biglang saad ni Nicolo kaya't nilingon siya ng matandang manyak pero hindi pa rin binitiwan ang masakit na pagkakahawak niya sa panga ko.

"O sige, pagbutihan mo Nicolo. At ako naman ang susunod ha!" banta nito at naramdaman kong tumaas ang balahibo ko sa sinabi ng matandang manyak.

Narinig ko ang malakas na pagngisi ni Nicolo, pero batid kong nagkukuwari lang s'ya.

"Sige Boss, sa ngayon ay dadalhin ko muna ang chicks na'to dun sa Barracks." aniya sa matanda sabay ngisi.

Tumango naman ang matandang manyak at lumayo na.

Ang tanda tanda ng matandang 'yon at balbas sarado na pero nagagawa niya pa ang ganitong bagay?

Para lang makapangtakot ay kailangan ba talagang idaan niya pa sa panghaharas?!

Paanong rerespetuhin ang katulad nilang matatanda na kung dapat naman ay sa kulungan sila nababagay dahil sa mga ginagawa nilang pananakot at panghaharas?!

Nakita kong wala ng nagawa si Nicolo. Kung kaya't hinawakan niya ako sa pisngi ko at ang sunod niyang ginawa ay inilapit niya ang mukha niya sa'kin.

Inilapit niya ang mukha sa bandang leeg ko dahilan kaya nagsitawanan pa lalo ang apat na matatandang totoong manyak na balbas saradong nakatingin lang at pinapanood ang kilos na ginagawa nila Nicolo at Jacob sa'min ni Yana.

Aastang hahalikan ako ni Nicolo sa leeg ngunit tanging narinig ko lang ay ang mahinang pagbulong nito.

"Tinakot lang nila kami ni Jacob dahil aalisin nila kami sa trabaho namin, pero hindi ako ganitong klase ng lalaki, Sanya. Pasensiya ka na pero itatakas kita pagkatapos ay hihingi agad tayo ng tulong para balikan ang kaibigan mo. Sumama ka sa'kin, pero magkunwari kang natatakot.  Tara na." bulong niya.

Bago pa lang ilalayo ni Nicolo ang mukha niya sa leeg ko nang biglang may sumuntok sa kan'ya.

"NICOLO!" sigaw ko matapos kong makitang sinuntok si Nicolo ni-- P-Pres. Kaizer?!

HE IS MY SSG PRESIDENTHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin