CHAPTER 12

44 7 2
                                    

Sanya's POV

Tila natulala at saglit akong nalutang nang makita ko sa mukha ni Pres. Kaizer ang sobrang pag-aalala niya sa'kin.

Pagkatapos suntukin ni Kaizer si Nicolo ay mabilis niya akong inilayo sa tabi ni Nicolo.

Akala ko'y gaganti ng suntok si Nicolo kay Pres. Kaizer pero hindi na ito lumaban.

Mahigpit na hinawakan ni Pres. sa kuwelyo si Kaizer at nakita kong galit na galit ito.

Mabilis akong nakaramdam ng awa kay Nicolo dahil hindi niya naman gusto ang nangyari kanina ganundin ang kaibigan niyang si Jacob, dahil napagutusan lang naman sila at halatang tinakot lang nang mga balbassaradong matatandang manyak dahil aalisin sila sa trabaho kung hindi sila susunod sa kanila.

Nawala ang pagkakunot ng noo ni Pres. Kaizer nang biglang akmang susugod ang balbassaradong manyak na matandang lalaki sa'kin at agad akong nagulat mang suntukin ni Kaizer sa panga ang manyak.

Nakita ko pang napahawak sa panga ang matandang balbassarado nang suntukin siya ni Kaizer nang may halong galit.

Halatang nasaktan ang matanda pero akmang susugod muli kay Kaizer para gumanti pero walang kahirap-hirap na hinawakan lang ni Kaizer ang kamao ng matanda at pinaikot, at walang ano-ano'y sinipa nito sa tiyan.

Kaya't napahawak na lamang sa tiyan ang matanda at hindi na nakaganti pa.

Ang tatlong natitirang mga manyak ay pinagtutulungan na ng boyfriend ni Yana at ng mga kabarkada pa nilang kaibigan.

Nang hindi na makagalaw ang matanda dahil sa sakit na ininda ay nakita ko kung pa'no tapunan ni Kaizer ng masamang tingin ang matanda.

"Anong ginawa n'yo sa Sekretarya ko?" napatingin ako kay Kaizer nang tanungin niya ang matandang manyak na ngayon ay nakahandusay na at nakahawak sa tiyan.

Nakita kong umiling lang ang matanda.

"Sagot! Matanda ka na, pero nagagawa mo pa rin ang humaras ng babae!? At ang lakas ng loob mong si Sanya pa ang balak niyong harasin?!" may halong galit na saad ni Kaizer.

Tiningnan ko ang kamao niyang nagpipigil. Kitang-kita sa mukha niya ang galit.

"Hinawakan niyo ba siya, sinaktan niyo ba sila?! " mabilis na napailing ang matanda dahil sa pagsigaw ni Kaizer.

"H-Hindi, hindi." iiling-iling na saad ng manyak at kita na sa reaksyon niya ang takot.

"Alam niyo naman na masama ang mangharas, lalo na dito sa School hindi ba? Pero bakit nagagawa niyo pa rin 'to? Hindi na'ko magdadalawang isip na ipakulong kayo!" sigaw niya.

Naramdaman kong tiningnan ako ni Kaizer kaya tumingin ako sa kaniya. Nang magtama ang paningin namin ay nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

Tumingin naman siya sa nasa tabi ko at napansin kong nan'dito  pa rin sa tabi ko si Nicolo habang nakahawak sa panga niyang nasuntok kanina.

Dumugo ang gilid ng labi ni Nicolo at wala pang sampung segundo ay muli siyang sinuntok agad ni Kaizer.

"N-Nicolo!" sigaw kona at akmang susuntukin uli siya ni ni Kaizer, kaya mabilis ko siyang pinigiglan sa kaniya .

Pero bago ko pa pigilan ay mabilis na hinawakan ni Kaizer sa kwelyo ni Nicolo at galit itong tiningnan.

Salubong ang mga kilay niya habang tinanong si Nicolo kung anong ginawang masama sa'kin.

"Pres Kaizer, w-wala siyang ginawang masama! Hindi siya kasama! Tinakot lang siya at yung kasama niyang kaibigan. Wala silang kasalanan."  saad ko at nakita kong nilingon agad ako ni kaizer.

"Sila lang. Yan...yang apat na matatandang manyak lang na mga balbassarado." mabilis kong tinuro ang apat na matatandang totoong manyak.

Nakita kong agad na kumunot ang mga kilay niya.

"Huh?" aniya, tinanggal ko ang may halong gigil na pagkakahawak ni Kaizer sa kuwelyo ni Nicolo para makahinga ito ng maayos.

Totoo naman kasing walang ginawang masama si Nicolo, sila ni Jacob. Tinakot lang sila dahil kung hindi sila susunod sa inutos sa kanila ay baka tanggalin sila sa trabaho nila.

At bilang sekretarya ay sasabihin ko ang totoo na hindi nangharas si Nicolo at Jacob.

Bago ako muling nagsalita ay binitawan naman niya na si Nicolo sa kuwelyo at nakakunot noong tumingin si Kaizer sa'kin.

"Ipapaliwanag ko nalang sa office, Pres. Kaizer. Kung dito ko ipapaliwanag ay nakakatakot na dahil sobrang dilim sa lugar na'to."

"Are you sure?" nag-aalalang tanong niya at naramdaman ko hinawakan n'ya ang pisngi ko pang pinunasan niya iyon na natuyuan na ng luha gamit ang kanang kamay niya.

Tiningnan niya rin ang ilang bahagi ng katawan ko kung may galos at napabuntong hininga nalang siya at tumango.

"Are you okay?" tanong niya sa'kin. Mabilis akong tumango at pilit na ngumiti kahit hindi pa'ko masyadong nakamove-on  doon sa nangyari.

Alam ko namang maliligtas pa rin ako dahil ililigtas ako ni Nicolo sa mga balbassaradong matatatanda pero mas napanatag ang loob ko nang makita kong dumating si Kaizer at mga kasama namin para iligtas kami ni Yana.

"Thankyou for saving me, Pres." saad ko ngunit seryoso lang ang mukha ni Pres. habang pinagmasdan pa akong mabuti.

Medyo nailang na'ko dahil ngayon ko lang siya nakitang ganitong sobrang nag-alala.

Sinulyapan ko nalang si Yana na kasalukuyang nakayakap na sa boyfriend niyang si Jake at umiiyak dahil siguro ay hindi pa din makapaniwala sa nangyari kanina.

"Ofcourse, I have to save you because I w-worry to much. For now, let's go to the office with those jerks." aniya at itinuro sa apat na matatandang lalaki na ngayon ay mga nakahandusay na at napapaaray.

Mabuti nalang dahil hindi niya na pinansin si Nicolo at Jacob pero nakita kong sinamaan ni Pres. Kaizer ng tingin si Nicolo bago ito talikuran.

Nabigla ako dahil hinawakan bigla ni Kaizer ang kamay ko  at saglit pa kaming nagyakap ni Yana.

Bago kami nag-usap na maaayos na ang lahat.

Maya-maya'y napagdesisyuhan na naming pumunta agad sa office para sabihin ang nangyari.

Sumunod naman sina Yana at boyfriend niya kasama ang mga kabarkadahan niya pa at sila ang may mga hawak sa mga matatandang manyak.

Napaisip pa ako saglit kung bakit  protective at sobrang nag-alala si Pres. Kaizer sa'kin kanina.

Siguro ay dahil secretary niya kasi ako? Pero ngayon ko lang siya nakitang mag-alala ng gano'n at magalit.

"Are you sure they didn't hit you and touch you?" habang naglalakad ay napatingin ako kay Kaizer dahil sa biglang pagtanong n'ya sa'kin.

"Yes, I'm sure." saad ko. Sinulyapan niya naman ako kaya tumango pa'ko.

"Pero bakit nakita kong ang lapit ng mukha nung Nicolo sa bandang leeg mo? Ano yung nakita ko?" muling tanong niya, hindi ko alam pero simpleng tanong lang naman ay bigla akong kinabahan.

"B-Binulungan niya lang ako, kilala ko siya dahil madalas ko s'yang nakakakuwentuhan at alam kong hindi siya manyak na lalaki. Ako ang unang bumulong sa kaniya na tulungan kaming makaalis ni Yana. Kaya ang ginawa niya ay nagkunwari siyang hinaharas ako pero ang totoo ay binulungan niya lang ako na ililigtas niya kami ni Yana." pagpapaliwanag ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang mukha ni Pres. at nakita kong seryoso lang ang reaksyon n'ya.

Tumango naman s'ya at kinabahan ako dahil sa pagkaseryoso niya.

"Okay. But still, hindi ko gusto ang ginawa n'ya sa'yong pagbulong." tugon n'ya at nang makarating na kami malapit sa office ay nagpauna na siyang pumasok.

HE IS MY SSG PRESIDENTOnde as histórias ganham vida. Descobre agora