Chapter 1

11.6K 124 9
                                    

Enya's POV

"Enya! Enya, wait!"

Napalingon siya sa likuran niya.

"Ang bilis mo naman mag lakad, sis! " Humihingal na Sabi ni Lory Ng maabutan siya. Malapit na sila sa gate ng campus nila. Alas tres na nang hapon. Kakatapos lang nang last subject niya at kailangan niyang maka uwi agad para makatulong sa mansion para sa pagdating Ng Isang importanteng bisita.

"Lory, sinabi ko na sayo. Hindi ako pwede ngayon. Kailangan kong maka uwi agad." Ang paliwanag niya dito.

"I know. Hindi na naman kita pipilitin kahit naiinis ako sayo. Hmp." Ingos nito sa kaniya. Pero agad Naman na humawak ito sa braso niya na tila nag lalambing.
"But next time, sumama ka naman. Killian's going to be there and wala ka man lang Doon para suportahan Ako..." Tila nag tatampo Ang boses nito.

Lory is her best friend since highschool. Parang kapatid na din ang turing niya dito.

Napa buntung hininga siya. May party na inorganisa ang Theater Club kung saan member silang dalawa, para sa mga member at gagawin iyon sa bahay ng president at crush nitong si Killian. Iyon ang unang beses na makaka punta ito sa bahay ng crush nito at ninenerbyos daw itong pumunta doon ng hindi siya kasama.

"Lory, I'm sure kaya mong I handle ang sarili mo. You're beautiful and confident sis. Kaya mo yan." Pag papalakas ng loob niya dito.

"Ano pa bang magagawa ko?" Naka irap na Sabi ni Lory.

Napatawa na lang siya dito.

"Kwentuhan mo na lang Ako kung anong ganap sa party mamaya." Bilin niya dito.

"Video call tayo mamaya. Ipapakita ko sayo yung isusuot ko, ok?" Excited nang Sabi ni Lory bago Sila mag hiwalay.

Naka ngiting tumango siya dito.

Sumakay na siya nang jeep patungo sa exclusive subdivision kung saan naroon ang mansion ng mga De Loughrey.

Nag text siya kay Nanay Lumen nang nasa gilid na siya nang gate subdivision. Sinabi kasi nito na itext niya ito kapag nandoon na siya para ma ipasundo daw siya nito. Mayamaya nga ay dumating na si Ansel isa sa driver sa mansion.

"Sakay na, Enya." Naka ngiting Sabi ni Ansel. Agad na siyang sumakay sa kotse na ginagamit nang mga kasambahay bilang service.

"Kamusta ang school, Enya?" Ang kaswal na tanong ni Ansel. Halos hindi sila nag kaka layo ng edad nito.

"Ok naman. Hindi pa masyadong toxic." Nakangiti niyang sagot dito.

"Ganyan talaga kapag kakasimula lang nang school year. Intayin mo pagkatapos ng ilang linggo." Natatawang Sabi ni Ansel.

"Alam ko Ansel. Wag mo batiin at baka mag katotoo." Irap niya dito na tinawanan lang siya.
"Ano oras pala darating ang bisita ni Don Matheo?"

"Mga six yata. Doon daw sa mansion mag hahapunan eh." Ang sabi ni Ansel.

Mayamaya pa ay nakarating na sila sa mansion. Agad siyang nag palit nag damit at nag tungo sa kusina para makitulong sa pag luluto.

"Enya! Mabuti at nandito ka na." Ang sabi ni Nanay Lumen nang makita Siya. " Ikaw na muna ang humarap dito sa mash potato na niluluto ko." Ang sabi ni Nanay Lumen. Nandoon din si Ate Joyce at si Inez na katulong nito sa pag luluto. Si Inez ay matanda lang sa kaniya nang limang taon.

"Inez, Iwan mo na yang ginagawa mo at hayaan mo na si Enya diyan. Puntahan mo na si Arthur at baka ma sermunan ka na naman nun."

"Alam naman po niya na tumutulong ako dito sa kusina eh." Ang naka simangot na Sabi ni Inez.

The Billionaire's ParamourWhere stories live. Discover now