Chapter 2

8.5K 81 1
                                    



Enya's POV



Kasalukuyan silang nag la lunch ni Lory sa canteen sa university. Pinag uusapan nila ang beach outing nila sa Quezon Province next week.


"Three days tayo doon sa resort, sis. Sa wakas makakapag beach na ulit ako." Ang nangingiting Sabi ni Lory habang kumakain.


"Ako din." Na eexcite din niyang sabi dito. Kailan ba siya huling nag beach? Parang high school pa yata siya noong huling beses siyang nakapunta sa beach.



She love going to beach because she use to lived before on a beach area in Palawan. Taga doon ang probinsiya nang namayapa niyang Ina.



"And speaking of beach, I need a new bikini, sis. Punta tayo sa mall mamaya." Ang sabi ni Lory.


Saglit siya nag isip. Mukhang kailangan na nga din niyang bumili nang swimsuit.


"Sige. Baka maliit na din sakin yung swimsuit ko." Ang sabi niya dito.


"Two piece bikini ang bilhin, mo, Enya. Tama ka na sa one piece no?" Lory rolled her eyes.


"Anong masama sa one piece?" Naka taas ang isang kilay niya dito. Nahihiya pa nga siyang mag suot ng one piece tapos ay pag susuotin pa siya nito ng two piece?



Hindi naman siya kagaya nito na medyo bold and daring. Medyo conservative kasi siya. At wala naman masama doon.



"Wala naman. But at least try to wear two piece this time. Pipili naman tayo ng medyo conservative para sayo."


Napabuntung hininga siya dito. Alam niya na hindi siya titigilan nito kapag hindi siya pumayag sa gusto nito.



"Sige na. Bibili na ako nang two piece. Siguro bibili na din ako nang pang cover up."


"Sure. Excited na ako mag mall mamaya." Ang sabi ni Lory.



"Bago ka ma excite, kailangan pa nating mag review para sa next exam." Ang sabi niya dito at tinapos na ang pagkain.


"You really know how to ruin my excitement." Ang naka ngusong sabi ni Lory. Tinawanan lang niya ito.



4 pm nang matapos ang exam nila para sa araw na iyon. Pagkatapos ng exam ay dumiretso na sila sa mall para bumili ng swimsuit.



Habang pumipili nang swimsuit ay tinanong siya ni Lory tungkol sa magiging internship nila sa susunod na sem.



"Talaga bang sa MDL Corp. ka na mag iintern, Enya?" Ang tanong ni Lory habang pumipili nang two piece na naka display sa rack.


"Oo. Nag pasa na ako ng resume last week."


Napa buntung hininga naman si Lory.


"If I knew na doon ka mag iintern, sana ay hindi na ako nag pasa sa HV Group."


"Lory, alam mo naman na inaasahan na ni Don Matheo na doon ako sa MDL mag iintern." Ang sabi niya dito.


Hindi naman siya inutusan ni Don Matheo na doon mag apply ng internship sa MDL



Talagang gusto lang niya na mag intern sa MDL kaya doon siya nang pasa ng resume. Hindi naman niya inaasahan na sa iba palang kumpaniya mag papasa n resume itong si Lory.


"Kahit na. Ayaw mo bang mag intern sa ibang kumpaniya? Why do you always choose MDL? Wag mo sabihin na doon mo din gusto mag work after graduation?" Nakataas ang isang kilay ni Lory.



The Billionaire's ParamourWhere stories live. Discover now