Chapter 20

4.3K 48 12
                                    


Enya's POV



Napa buntung hininga siya nang makalabas ng Ludwig's Kink. She loosened her collar and started to walk. Agad niyang napansin si Ignacio na nag aabang sa kaniya. naka park na ang kotse nito sa gilid ng kalsada.


Alas dose pa lang ng hating gabi. Pinipigilan pa nga siya ni Tessa na umuwi ngunit na pagpasyahan niya na mauna na sa mga kasamahan. Hindi niya gusto ang vibe sa loob ng Ludwig's Kink. Pakiramdam niya ay nasu suffocate siya sa ingay ng music at sa dami ng mga tao sa loob. Hindi naman kasi siya mahilig mag punta sa ganoong lugar. But there's something mysterious inside the Ludwig's Kink. The aura of the place seems kinda overwhelmingly  dark and heavy which making her feel uncomfortable and restless. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganun ang na Fe feel niya sa lugar. Or siguro siya lang ang nakaka ramdam ng ganun dahil mukhang nag eenjoy naman ang mga kasamahan niya sa trabaho.


Well, pagkatapos ng maraming excuses niya kay Tessa ay hinayaan na din siya sa wakas nito na naka uwi or should she say, sinamantala niya ang kalasingan nito at pasimpleng nag paalam na dito at sa mga kasamahan nila.


"Good evening mam." Ang bati sa kaniya ni Ignacio. He looked stoic and not bothered by her accusing glare at him. Sigurado siya na ito ang nag timbre kay Damon na mag ka club sila nina Tessa. Dahil, sino pa ba ang pwedeng mag sumbong dito nang mga ginagawa niya sa araw araw na wala ito?


But there's also Mr. Amor. Pero hindi naman nito ang alam ang tungkol sa secret affair nila ni Damon. Imposible na alam din ng assistant ni Damon ang tungkol sa kanila.


She's a little tipsy and upset kaya naman inirapan niya si Ignacio nang pag buksan siya nito ng pinto ng kotse. Wala namang imik si Ignacio at agad ding isinara ang pinto pagka pasok niya. Agad din nitong pinaandar ang kotse.


"Isinumbong mo ba ako kay Damon huh?" Ang masungit na tanong niya dito.


Tiningnan lang siya nito sa salaming nasa harap nito. Nagtatanong ang mga mata nito.


"Ikaw ang nagsabi sa kaniya na mag ka club kami tama? Ikaw din ang nagsabi na tinakasan kita kahapon?" Ang tanong niya dito na naka taas ang Isang kilay.


Muli lang ibinalik ni Ignacio ang mata sa daan. Akala niya ay hindi siya nito sasagutin, nagulat pa siya nang bigla itong magsalita.


" The answer to your last question is yes. It's my duty to report everything to him about you. But I did'nt tell him that you're going to that place."


Sinamaan niya ito ng tingin. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito. Ito pa lang ang alam niya na may alam tungkol sa kanila ni Damon.


"Ikaw lang ang taong may alam tungkol sa amin ng amo mo. Lagi mo pa akong sinusundo at hinahatid pauwi. You know my schedule---"


"I have only eyes on you outside, maam. Maybe someone from the office is reporting to him?" Kaswal lang na sabi ni Ignacio.


Natahimik siya sa sinabi nito. Hindi na ulit nag salita si Ignacio sa buong byahe nila pauwi. Hanggang sa maka uwi siya sa mansion at hanggang sa maka higa siya sa kama niya ay tila sirang plaka na paulit ulit na tumatakbo sa isip niya ang sinabi ni Ignacio.


Maybe someone from the office is reporting to him?


Hindi na nawala ang kabang dumadagundong sa dibdib niya dahil doon. Who would it be then? Iisa lang ang suspect niya.  It was definitely Mr. Amor. Hindi siya sigurado doon pero hindi din imposible na alam din nito ang tungkol sa kanila ni Damon. He is his assistant after all. Hindi lang niya akalain na pati sa mga private personal matters ni Damon ay alam din nito.



The Billionaire's ParamourΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα