Chapter 4

5.7K 46 5
                                    


Enya's POV


Nakarating sila sa Calauag Quezon bago mag tanghalian. Napaka ganda ng resort na napuntahan nila. Pinong pino ang puting buhangin at matingkad na kulay asul ang dagat. Kumikinang din ang tubig sa tama ng sikat ng araw.



Wala silang sinayang na oras at agad na nag palit ng damit na panligo.



"At dahil ito ang first day natin dito sa beach, dapat itong two piece bikini ang isusuot natin." Ang sabi ni Lory. Lima silang mag she share sa kwarto. Siya, si Lory, si Kath, si Tessa at si Ziah.


"Tama. Dapat pang main event na agad ang suot natin, right girls?" Ang sabi naman ni Tessa


"Right!" Ang sabi ng iba maliban sa kaniya.


"Nahihiya pa din akong mag bikini, guys. Hindi ko yata kaya." Ang sabi niya na nag aalangang habang hawak ang two piece swimsuit na dala niya. Kulay pink iyon at ok naman ang design. Hindi revealing na kagaya nang binili ni Lory sa mall.


"Ay naku, Enya. Isuot mo yang two piece kung ayaw mong ako pa ang mag suot sayo niyan. Wag mo akong subukan." May pagbabanta sa boses nasabi ni Lory. Nandidilat din ang Ang mata nito sa kaniya.


Napanguso na lang siya dito.


"Tama, si Lory, Enya. I'm sure babagay naman sayo yang two piece. It's cute." Ang sabi naman ni Kath.


Hindi pa din siya kumbinsido. Ngayon pa lang kasi siya magsusuot ng two sa buong buhay niya. Usually kasi ay naka rashguard lang siya at shorts. At one time lang siya nakapag suot ng one piece swimsuit.


"C'mon, guys, bilisan na natin mag palit ng swimsuit. Wag nating pag hintayin ang mga boys!" Ang maarte namang sabi ni Ziah.


Tumitili namang sumang ayon ang iba dito.


Wala siyang nagawa kundi isuot ang two piece swimsuit. Isinuot na lang niya ang binili niyang cover para kahit papaano ay matakpan ang sarili. Pero aamin niya, maganda nga ang bikini na nabili niya. Lumabas ang kaputian ng kutis niya sa mapusyaw na kulay ng bikini. Tama lang din ang cover ng bra sa malusog niyang dibdib bagamat hindi maiiwasan na ma expose ang upper chest part at cleavage niya. Ayos lang din ang pagkaka cover ng bikini sa lower part niya.



"Looking good, Enya." Ang humahangang bati sa kaniya ni Rory. Bakas ang mainit na paghanga sa mga mata nito. Hindi tuloy niya maiwasang ang pamulahan ng mukha.



"Tara sa cottage, naka handa na ang lunch natin." Ang yaya ni Rory sa kaniya.


Magkakasabay na silang nagtungo sa cottage kung saan naka hain ang pananghalian nila. 


Nag order na lang sila ng pagkain sa mga nadaanan nilang resto kanina. May restaurant din sa resort kaya hindi na din sila mahihirapan humanap ng makakainan sa gabi.


Pagkatapos mag tanghalian ay naglibot muna sila sa buong resort.


Hindi niya alam kung nasaan sina Lory, kaya naman si Rory ang nakasama niya sa pag lilibot.


" Kanina lang ay kasunod natin sila Kath." Ang sabi ni Rory na nagtataka din.


"Baka naman bumalik na sila sa beach." Ang sabi niya. Nakarating na sila sa boutique ng resort kung saan may mga tindang mga souvenir at kung ano anong pang pasalubong.


"Gusto mo bang bumalik na din tayo doon?" Ang tanong ni Rory.


Umiling siya at ngumiti.

The Billionaire's ParamourWhere stories live. Discover now