Chapter 24

4.3K 80 5
                                    

Enya's POV



Hindi makapaniwalang iginala niya ang mga mata sa loob ng library office ni Don Matheo. Parang dinaanan iyon ng bagyo sa sobrang gulo. Basag ang salamin ng office table ni Don Matheo. Ang daming nagkalat na basag na bote sa sahig. Basa at amoy alak ang carpet. May naamoy din siyang sunog sa paligid.


"Tingnan mo naman ang ginawa ni Sir Jaime dito, Enya? Sinira niya itong library ni Don Matheo." Bakas ang pang hihinayang sa boses ni Inez  habang nag aayos ng mga librong nagkalat sa sahig.


"A-Ano bang nang yari dito?" Ang nagugulumihan niyang tanong dito. Nakitulong din siya sa pag aayos doon.


"Kung kanina mo nakita ito, naku, mas masahol pa ito kanina. Talagang binalahura ni Sir Jaime ito." Ang sumbong pa ni Inez.


Naiiling naman si Ate Joyce habang winawalis ang mga nabasag na bote sa sahig.


"Nag wala si Sir Jaime kagabi. Okay naman siya bago dumating ang abogado ni Don Matheo. Nakarinig na lang kami nang pag wawala nito. Takot na takot kami kagabi." Ang naiiling na sagot ni Ate Joyce.


"Ay, grabe talaga siya Enya. Akala namin lumilindol na sa sobra niyang pag wawala. Dinig na dinig sa buong mansion ang galit na sigaw niya. " Nanlalaki pa ang mga mata ni Inez sa pag kwento.


Napa kunot noo naman siya sa mga sinabi ni Inez at Ate Joyce. Bakit naman kaya mag wawala si Sir Jaime? Anong dahilan kaya at magalit ito nang husto?


"Kanina pa kami nag aayos nila Manang Lumen dito. Bumaba lang siya para mag luto. Si Kuya Arthur na daw ang mag aalis ng carpet mamaya pati nung nasunog na couch." Ang dagdag pa ni Ate Joyce. Bahagyang nasunog ang couch na malapit sa may malaking sliding glass door.
Sunog ang parteng upuan at sandalan ng couch. Yun na nga siguro ang naamoy niyang sunog kanina.


Nalulungkot niyang pinag masdan ang buong silid. Hindi siya makapaniwalang magagawang sirain ni Sir Jaime ang silid na iyon.


"At si Sir Jaime? Nasaan siya?" Ang tanong pa niya sa mga ito.


"Kanina pa umalis. Pagkatapos niyang mag wala, nag kulong pa siya dito. Tapos kaninang umaga, nag wala na naman siya. Nag basag ng mga gamit." Umiling iling pa si Inez. Halatang naiinis.
"Tanghali na nang lumabas siya dito. Basta na lang siya umalis pagkatapos. Sana ay wag muna siyang bumalik."


"At si Mam Daphne?" Ang tanong pa niya ulit. Hindi niya ito nakita
nang dumating siya.



"Ilang araw na din siyang hindi umuuwi dito. Hindi namin alam kung saan siya nag pupunta." Ang sagot naman ni Ate Joyce.


"Mabuti nga yun ate Joyce. Naiinis na din ako sa ka uutos at sa kaartehan niya." Naka ismid na Sabi ni Inez.


"Inez. Marinig ka na naman ni Manang Lumen, mapapagalitan ka na naman." Ang naiiling na saway ni Ate Joyce dito.


Napa nguso na lang si Inez at nag patuloy na sila sa pag lilinis. Maya maya ay dumating si Uncle Arthur para yayain silang mag hapunan na.


Sabay sabay na silang nag hapunan. Napansin niyang tahimik lang na kumakain si Nanay Lumen habang pasulyap sulyap dito si Uncle Arthur. Habang nag uusap naman sina Ate Joyce at Inez. Pinag kukwentuhan pa din nang dalawa ang nangyari kagabi at kaninang umaga.


Tila hindi na nakatiis si Uncle Arthur at humarap na kay Nanay Lumen.


"Lumen....---"


"Heto pa, Enya. Kumain ka pa nang marami. Napapansin ko na namamayat ka na." Ang baling naman ni Nanay Lumen sa kaniya. Dinagdagan pa nito nang kanina at ulam ang pinggan niya. Nagtatakang napa tingin na lang siya dito. Hindi niya mabasa ang emosyong nakikita niya sa mukha ni Nanay Lumen.


The Billionaire's ParamourWhere stories live. Discover now