Chapter 14

4.8K 45 11
                                    


SPG lvl : 🔥🔥🔥



Enya's POV



Parang gusto na lang niyang pumihit at bumalik sa labas nang mansion ni Damon. Hindi siya sanay sa mga tingin na ibinibigay nang mga tao mula nang pumasok siya sa malaking ballroom nang mansion.



Nasa harapan lang niya si Mr. Amor, bagaman may distansiya pa din sa pagitan nilang dalawa.



"Your friends are now waiting at the assigned table for the interns.  I will take you there." Ang pormal sabi ni Mr. Amor bago siya iginiya patungo sa table na nakalaan para sa mga intern.


"Enya! Oh my gosh! You look gorgeous! Your dress! It look so good on you!" Ang patiling bati ni  Tessa nang makalapit siya.


Bahagya lang yumukod si Mr. Amor sa kaniya bago tahimik na nag paalam ito.


"What happen, Enya? Hindi mo sinabi na may maghahatid na sayo sa party? And what's with the dress? Hindi yan ang binili mo nung nag mall tayo diba?" Nakataas ang isang kilay na sabi tanong ni Lory.



Parang nang hihina na agad siyang naupo sa upuan na katabi ni Lory. Rory is on Lory's left side. Habang siya naman sa kanan nito. Nakangiting binati siya ni Rory na agad naman niyang tinugon.



Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga tanong ni Lory. Paano ba niya ipapaliwanag dito ang nangyari? Magagawa ba niyang sabihin dito na ang lahat nang iyon ay pinlano lang nang CEO nang HV group?



" I told you, M-May dinala lang na mga papers si Mr. Amor para kay Don Matheo. Kaya isinabay na niya ako pag punta dito." Ang pag dadahilan niya dito.


Nagulat na lang siya kanina nang sunduin siya ni Mr. Amor sa mansion ng mg De Loughrey.
Mabuti na lang at wala sa mansion si Don Matheo nang sunduin siya ni Mr. Amor. Sinundo nito sa airport si Jaime at nag sabay na ang dalawa patungo naman sa condo ni Daphne para sunduin naman ito. 
Hindi niya alam kung nandoon na din sa party ang mga ito.


"And what about the dress, hmm? Did you secretly bought that dress, girl, you're so sneaky you know that? Ako pa ang sinabihan mo na wag yung sexy and revealing dress ang bilhin but look at you." Nag taas baba ang tingin nito sa kaniya. Wala nang pagka inis sa boses nito bagkus parang nag seselos yata ito sa suot niyang dress. Bagamat maganda din naman ang suot nitong dress.
"If I know, yung second choice na dress ko na lang ang binili ko. Kainis." Naka labing sabi ni Lory.



"Love, maganda din naman ang suot mo. I told you, you look gorgeous in that dress." Ang malambing naman na sabi ni Rory dito na ikinapula naman ng mukha ni Lory.



"Yan Naman ang nakaka inis." Ang sabi naman ni Tessa na nakasimangot habang nakatingin sa naglalambingan na sina Lory at Rory. Napatawa naman si Lance na kasama din nila sa table.



Napatawa na din siya sa sinabing iyon ni Tessa. Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag ay nawala na sa kaniya ang atensiyon ni Lory. Dahil sa totoo lang ay hindi na niya alam ang isasagot pa dito.


Napa tingin siya sa paligid. May ilan pa din ang napapatingin sa kaniya. Pinilit na lang niyang ignorahin ang mga humahangang tingin nang mga iyon sa kaniya. Iniisip na lang niya na dahil siguro iyon sa suot niyang dress kaya napapa tingin ang mga iyon sa kaniya.


Hindi niya inaasahan ang magiging impact nang dress na iyon mula nang suotin niya iyon kanina.


The dress is so elegant and sexy. Revealing yet the design is still classy. Parang masyadong perfect ang dress na iyon para sa okasyon. Hindi tuloy niya maiwasang mag alala na baka overly dressed siya para sa pagtitipon na iyon.


The Billionaire's ParamourWhere stories live. Discover now