Chapter 7

5.7K 50 0
                                    



Enya's POV



Nakahinga siya nang maluwag nang makalabas siya nang cottage ni Damon. Natutulog pa ito nang umalis siya sa doon. Hindi yata niya makakayang harapin ito pagkatapos ng mga nangyari sa kanila.



Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga nangyari. Pakiramdam niya ay hindi na niya kilala ang sarili. Hindi siya makapaniwala na hinayaan niya ang sarili na mag patangay sa atraksiyon niya para dito.



May pagmamadali na tinahak niya ang daan patungo sa room na inookupa nila nang mga kaibigan.



Sa lobby ng hotel ay nakita niya sina Killian at Maggie. Si Killian ang president ng club nila habang si Maggie Naman ang vice president.



"Rory! Kagabi ka pa namin hinahanap! Where the heck did you go?" Nag aalalang bungad ni Killian sa kaniya nang makalapit siya.



Nagtatakang inilibot niya ang mga mata sa paligid. Wala siyang makita na ibang ka member nila doon. Sa bagay, masyado pa namang maaga. Marahil ay tulog pa ang mga ito. Alas singko pa lang nang umaga at alas diyes pa ang balik nila sa Manila.



"W-Why...what happen?" Nagtataka niyang tanong dito. Agad siyang kinabahan nang makita ang pag aalala sa mukha ni Maggie at ang galit naman sa mukha ni Killian.



"There's an incident that happen last night. It's about that son of a bitch, Eris." Ang panimula ni Killian. Naka tiim bagang ito habang nakatingin sa kaniya.



"Eris put drugs on Lory's drinks. Buti na lang at nakita siya ni Rory kagabi, kung hindi ay baka kung ano nang nangyari kay Lory." Ang malungkot na Sabi naman ni Maggie sa kaniya.



"W-What?!" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Si Lory? Nasaan si Lory?!" Ang nag papanic niyang tanong dito. Aktong pupuntahan na sana niya ang silid nila ni Lory nang pigilan siya ni Maggie.



" She's not here anymore, Enya. Dinala namin siya sa kalapit na ospital para ma check ng doctor. She completely pass out from the drugs. But she's stable now. Kailangan siyang ma admit for a day. Just to make sure that she's really safe." Ang sabi ni Killian sa kaniya.



"Oh my god." Napahilamos siya sa mukha. Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya.



"Pina uwi ko na din ang ibang mga ka members natin. We will take you to the hospital. She's awake now. At hinahanap ka din niya." Ang sabi ni Killian.



Wala siyang inaksayang oras at agad na nag palit ng damit bago inayos ang kaniyang mga gamit. Ilang sandali pa ay lulan na sila nang isang kotse. Isang lalaki na halos kaedad nila ang nagmamaneho nito. Ipinakilala ito sa kaniya bilang pinsan nito. Tinawagan daw nito ang pinsan nito para kaunin sila sa beach at mag pahatid na din sa Manila. Dahil nga wala nang masasaktan sina Killian at Maggie dahil Pina una na nito ang mga ka members  nila sakay dalawang van pabalik sa Manila.



Fifteen minutes ang lumipas bago sila nakarating sa ospital sa bayan.



Agad na narating nila ang silid na inookupa ni Lory. Nakita niya si Lory na nakahiga sa kama at umiiyak. Sa tabi nito ay si Rory na hawak ang isang kamay Ng dalaga. May naka kabit na IV sa braso nito.


"Enya? Enya! Oh my god! Where the heck have you been! Bigla ka na lang nawala!" Ang humahagulhul na sabi ni Lory sa kaniya nang makita siya.


Umiiyak na lumapit siya sa kama nito at yumakap dito. Lory look pale and weak. Ang isipin na muntik nang mapahamak ito ay labis na nagpakaba sa kaniya.



The Billionaire's ParamourWhere stories live. Discover now