Chapter 7

23 2 1
                                    

"T-tulungan na kitang umakyat, gusto mo?" Tanong ni Sandro habang hawak hawak nya ang flashlight na nakatutok sakin.


"No thanks, I don't need your help." Sambit ko at napakamot nalang ng ulo si Sandro, it's already 11 pm nang mapagod kami mag lakad sa gubat at hindi pa kami kumakain, I tried my best to climb the tree and I fell again.


"Sabi ko sayo tulugan na kita e-" I cut him.


"No, I don't need your help." Sambit ko at nagpatuloy akong umakyat kahit nahihirapan na ako, I tried to step on this small branch in order to get up in the tree but the branch broke and I fell again.


"Ay, ang kulit mo talaga wag ka nang mag matigas akin na bag mo." Sambit ni Sandro at hinablot ang bag ko.


"I said no!" Sigaw ko.


"Lunukin mo na pride mo Analisse, 30 minutes na ang nakalipas hindi ka pa rin nakaka akyat and you keep on falling, hintayin mo ako dyan aakyat ako saglit." Sambit ni Sandro, nakaka inis talaga!


Ibinigay sakin ni Sandro ang flashlight at tinutok ko to sakanya at nag simulang umakyat at kumapit sa maliliit na branches si Sandro at nang malapit na sya sa isang matibay na branch ay inextend na nya ang kamay nya to help me get in up there.


"Come here Ana, tulungan na kita umakyat wag ka nang ma pride please, halika na dito." Sambit ni Sandro at napilitan lang akong lumapit sakanya at hinawakan ang kamay nya and he helped me to get to this strong branch.


"Sabi ko sayo tulungan na kita eh, ang kulit mo talaga, buti naman marunong kang lumunok ng pride." Sambit ni Sandro at natawa nang makapatong na sya sa isang branch katabi sakin."Just shut up! Matutulog na ko and keep quiet!" Galit kong sambit at ngumiti lang sa akin si Sandro. Nilatag ko ang hoodie ko at nilagay ang backpack ko at ginawa ko itong unan, I didn't open my phone since walang signal dito sa gubat.


"Hoy by the way kanina pa tayo hindi kumakain ha? Wag kang magpapalipas ng gutom baka magka sikmura ka, mahirap na." Sambit ni Sandro, line ko yan ha?"No thanks, diet ako ikaw nalang." Sambit ko at pumikit na.


"Bukas ng umaga kumain ka bago tayo umalis ah, kundi iiwanan talaga kita dit-" I cutted him dahil nagulat ako sa sinabi nya.


"Anong sinabi mo?" Pagalit kong sabi.


"W-wala, hehe, sabi ko kumain ka ng madami bukas baka gutumin ka." Sambit ni Sandro habang nahihiyang tumatawa.


I just went back to sleep and naririnig kong sumusubo ng pagkain si Sandro, ano kaya ulam nya.



--------------------------


"Kuya sumilip kayo nang maigi bawat puno baka andudun ang dalawang bata." Sambit ng isang babae, nag uusap usap sila kaya nagising ako, WHAT? MOMMY? DADDY? AND TITO BONG? May kasama silang mga pulis with them. I looked at Sandro to check if he's awake but he's peacefully sleeping, sana di sya magising sa ingay ng mga to, umagang umaga na hinahanap pa rin kami.

The Playful Destiny (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now