Chapter 33

11 1 0
                                    

"Analisse kumalma ka lang, tatawag ako ng tulong." Kalmadong sambit ni Cali dahil hindi matigil ang iyak ko sa takot at kanina pa ko hindi makahinga.

"Inaatake sya ng takot Cali." Sambit ni Sandro habang yakap yakap ako at nakasandal ako sa dibdib nya.

"Nakita nya kasi si Elijah eh, siguro hindi pa nawawala yung takot nya nung sinubukan nya syang kuhain satin." Sambit ni Cali habang tumatawag ng tulong.

"Huminga ka ng malalim, Cali humingi ka ng oxygen sa hospital dahil kanina pa hindi makahinga si Analisse." Sambit ni Sandro habang pinapaypayan nya ko gamit ng kamay nya.

"O-oo sige, ako nang bahala dito ikaw na ding bahala mag pa kalma kay Analisse, kawawa naman." Sambit ni Cali at sumagot na ang telepono.

"N-natatakot ako p-para sainyo." Sambit ko at humagulgol sa takot.

"Hindi mo kailangang matakot para samin Analisse, kaming bahala kay Elijah kaya tahan na." Sambit ni Sandro at niyakap ako ng mahigpit.

"B-baka may balak syang masama s-sainyo eh!" Sambit ko habang patuloy na humahagulgol.

"Sigurado ka bang nakita mo si Elijah?" Tanong ni Cali.

"O-oo, nakatingin sya ng masama sakin!" Sambit ko at mas lalo pa kong humagulgol sa takot na baka may masama syang balak para saming tatlo.

"P-pero, wala naman kaming nakita ah?" Tanong ni Raphael.

"B-bigla syang nawala nung itinuro ko sya at n-nung lumingon kayo!" Sambit ko at huminga ng malalim pero wala akong makuhang oxygen sa katawan ko.

"Cali ano na? Sumagot na ba kinakapos na sa hininga si Analisse!" Pag papanic ni Sandro.

"E-eto na, hello? May extra oxygen po ba kayo dyan? May kaibigan ho kasi akong hindi makahinga ng maayos eh pwede ho bang makahingi?" Sambit ni Cali.

"Anong sabi?" Tanong ni Sandro habang nasa tawag pa si Cali.

"Dito po sa may seven eleven malapit ho sa Avida Towers." Sagot ni Cali sa katawag.

"A-ano, pumayag?" Tanong ni Sandro at pinupunasan nya ang pawis ko.

"Oo, mabilis lang syang dumatin since malapit lang ang hospital, Analisse konting tiis nalang ha." Sambit ni Cali at hinagod ang braso ko at napapagod na ko sa sobrang hingal.

"Konting tiis lang Ana dadating na ang tulong." Mahinahong sambit ni Sandro at niyakap ako.

"P-pano kung may masamang b-balak sya sainyo?" Pabulong kong tanong dahil napapagod na kong huminga at pumikit nalang ako.

"Hindi yun totoo Ana hindi yun totoo." Sambit ni Sandro at hinagod ang braso ko.

"Akong bahala kay Elijah kung mapapahamak ka dahil sakanya." Matapang na sambit ni Cali.

"P-pero hindi k-ka sigurado kung k-kaya mo syang l-labanan." Sambit ko at pinilit kong huminga kahit hirap na ko.

"A-andyan na ang ambulansya!" Masayang sambit ni Cali at lumapit sya sa ambulansya at inilabas ang oxygen at inilagay sakin ang oxygen mask at ipinump ang oxygen at nakailang minuto kami bago ako maka hinga ng maluwag at nakatulog sa pagod.

--

"Analisse gising na." Marahang pag gising sakin ni Cali and I opened my eyes and I found myself in Sandro's bedroom

"A-anong nangyare?" I asked at napahawak nalang ako sa ulo ko sa Sakit.

"Ano? Okay ka na ba? Nakakahinga ka na ba ng maayos?" Sandro asked.

"Shit!" Napamura nalang ako nang marealize ko na kaylangan ko pang mag impake at mag pakuha ng id sa school.

"W-what's wrong Ana?" Sandro asked worriedly.

The Playful Destiny (Sandro Marcos)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora