Chapter 21

12 0 0
                                    

"Saan nyo ba kasi gusto mag pasko ang lapit lapit na oh?" Tanong ni Cali.

"Dito nalang sa pilipinas." Saad ni Sandro.

"Saang parte ng Pilipinas gusto nyo?" Tanong ni Cali dahil sobrang lapit na ng pasko, di namin kasama pamilya naming tatlo kundi kami kami lang.

"Eh ikaw saan mo balak mag pasko? May balak ka bang bisitahin pamilya mo sa Canada?" Tanong ko at napaisip si Cali.

"Hmm, hindi ko alam hindi naman sila nadalaw sakin tuwing pasko eh nakakalimutan nila ako." Sambit ni Cali at nalungkot nalang.

"Kahit tawagan ka lang?" Tanong ni Sandro.

"Hindi, natawag lang naman sila sakin tuwing occasions lang dito sa pinas katulad ng pasko at new year." Saad ni Cali.

"Ah ganun ba? What if sa baguio tayo mag pasko?" Suggestion ko.

"Eh malamig don." Sambit ni Sandro.

"Eh saan?" Tanong ko.

"How about, uhm London?" Suggestion ni Sandro at napatingin kaming dalawa ni Cali sakanya.

"London?" Tanong ko.

"Maganda dun pag pasko kaya." Sambit ni Sandro.

"Dito na nga lang sa Pilipinas kasi." Sambit ko.

"How about sa San Fernando Pampanga?" Suggestion ni Cali.

"Maraming parol dun ah tsaka maraming dumadayo kaya ramdam na ramdam mo pasko dun." Sambit ni Cali at napatingin ako sa phone ko at isinearch ang San Fernando.

"Oo nga why not mukhang maganda naman dito ha." Sambit ko.

"Wait patingin nga." Sambit ni Sandro at agad na kinuha ang cellphone ko at tinignan iyon.

"Sinearch ko layo ng San Fernando satin 2 hours byahe lang naman." Sambit ni Cali.

"Baka may pasok kami sa 25?" Sambit ko.

"Hindi ko kayo papapasukin kailangan may kasama ako, tsaka ngayon lang ulit akong mag papaskong may kasama no." Saad ni Cali at napa cross arms.

"Sige, pero pautang muna Cali sa mga bilihin ha bayaran ka nalang namin kapag sumweldo na kami." Sambit ni Sandro, ako di na kailangan kasi hindi ko gaano ginastos ang 55,000 ko, pang gasolina lang.

"Oo naman no, kahit wag nyo na ko bayaran." Sambit ni Cali at napailing si Sandro."There's no way na hindi ka namin babayaran, it's too much Cali." Sambit ni Sandro."Ok if that's what you want." Sambit ni Cali at napa kibit balikat nalang.

"Ano final na sa San Fernando nalang tayo mag papasko?" Tanong ko.

"At tsaka hindi ko pa nasasabi sainyo to hiniram ko kayo kay Mr. Lim ng one week mula December 24 hanggang December 28." Sambit ni Cali at napatingin kaming dalawa ni Sandro sakanya.

"Huh? Ok lang ba kay Mr. Lim yun?" Tanong ni Sandro.

"Oo sabi ko sainyo kayang kaya ko utuin yon eh kahit mas matalino sakin." Sambit ni Cali."Talaga?" Tanong ni Sandro.

"Oo nga basta makasama ko kayo ng one week sa pasko." Sambit ni Cali at ngumiti kami ni Sandro.

"Sige, ikaw mag bayad ng gasolina ha." Sambit ni Sandro.

"Oo naman no ang kukulit nyo talaga." Sambit ni Cali.

"Sige finalize nyo na sa Pampanga tayo mag pasko, Cali bihis lang ako ha, ikaw Sandro wala ka bang balak mag bihis?" Tanong ko kasi aalis na kami at mag tatrabaho nanaman sa Velvet Cove, sana hindi bumalik si mommy don.

The Playful Destiny (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now