Chapter 57

6 0 0
                                    

"Hoy Jasper nakikinig ka ba?" Inis na tanong ni Brielle, nakatitig lang ako sa mga notes na sinusulat ko at nag angat ako ng tingin kay Jasper at nakita ko syang nakangiti at nakatingin lang sakin, pag nalaman to ni Sandro lagot yan sakanya.

"Anong oras na pala beh?" Tanong ko. "11:30 na, 30 minutes nalang ay matatapos na ang klase natin, buti nalang walang kahit anong gagawin sa school." Sagot ni Brielle at napa buntong hninga ako, naiilang na nga ako sa school dahil sa mga kaklase kong tingin nang tingin sakin at maiilang nanaman ako mamaya dahil kay Mr. Lim, so saan ako lulugar?

"Advance study ka bhe ramdam kong may pa quiz yan si madam sa friday." Sambit ni Brielle habang nakaturo sa teacher naming nag tuturo sa harapan at ako naman ay hindi makapag focus.

"Don't worry Brielle sanay na ko sa mga ganyan." Sagot ko nalang at nag patuloy magsulat at nakinig nalang sa mga sinasabi ni Ma'am kahit walang gana dahil mag tatrabaho nanaman ako sa resto mamaya.

"By the way ano pala yung trabaho na sinasabi mo sakin noon?" Tanong ni Brielle. "Uhm hindi ko pa ba nasasabi sayo yun?" Tanong ko. "Hindi pa basta sinabi mo nalang sakin na may trabaho ka sa hapon kaya pang umaga ka." Sagot ni Brielle.

"Ah, isa kasi akong waitress sa-"

"What? Isa kang waitress? Saan sa Jollibog?" Tanong ni Brielle at napatawa ako sa sinabi nya. "Gaga ka rin eh no hindi mo pa ko pinapatapos." Sambit ko habang natatawa. "Eh saang restaurant ka nag tatrabaho?" Tanong ni Brielle.

"Sa Velvet Cove Cucina, alam mo ba yung restaurant na yon?" Tanong ko at napaisip sya, maya maya lang ay nanlaki na ang mga mata nya.

"Ah! Ang mahal ng restaurant na yun ha! Ang shala mo teh sa isang fine dining ka pala nag tatrabaho, by the way magkano ang sweldo mo?" Tanong ni Brielle.

"Kung regular waitress ka dun around 70,000 ang sweldo, monthly palang yun pero kung katulad mo ko na estudyante 50,000 to 60,000 ang sweldo." Sagot ko at nagulat si Brielle.

"Hala! Ang laki naman ng sweldo nyo pwede ba kong mag apply?" Tanong ni Brielle.

"Tatanungin ko nalang ang boss namin kung hiring parin sila hanggang ngayon." Sambit ko at napa takip nalang ng bunganga si Brielle at napa pikit ng madiin.

"Omg bhe maraming salamat talaga!" Masaya nyang sabi at niyakap ako. "Don't worry free naman ang training don, every weekend at madali ka lang naman matututo kasi magaling mag train ang manager namin." Sambit ko at mas lalo pang humigpit ang yakap nya sakin.

"Thank you beeeh! Maraming salamat talaga sayo makaka ahon na ko sa hirap!" Sambit ni Brielle at yumakap nalang ako pabalik at natawa.


--




"Hey shawty hop in!" Nagulat ako nang may biglang nag salita sa likod ko at tumalikod ako para tignan kung sino yon, ang mister ko.

"Sandro? Pinayagan ka ni Mr. Lim mag skip ng time para sunduin ako?" Tanong ko. "Yes baby I always find ways just for you, sakay na!" Sambit nya at nag lakad ako papuntang passenger's seat at nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Brielle at tumingin ako sakanya at may gulat sa mukha nya.

"Omg bhe ayan yung boyfriend mo?" Tanong ni Brielle at napakamot nalang ako ng ulo. "O-oo, hehe wag mong ipagsabi sa kahit sino to ha, please?" I begged for her not to tell anyone kasi alam nyo na.

"Hindi seryoso nga boyfriend mo sya? Nabanggit mo lang sakin na hatid sundo ka ng bf mo ha so sya ang boyfriend mo? Si Sandro Marco-" I cutted her kasi ipag sisigawan nya yun at delikado na kung may naka rinig.

"Oo beh oo beh please lang wag kang maingay nag mamakaawa ako sayo! Wag mo nang ipag sigawan delikado na kung may maka alam!" Pag mamakaawa ko pero tinignan nya lang ako.

The Playful Destiny (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now