Chapter 58

2 0 0
                                    

"Misis ko mauna muna ko ha." Sambit ni Sandro at sinara nya ang locker nya. "Sige mister ko." Sambit ko at hinalikan ko sya sa labi at lumabas na sya ng backroom at naiwan mag isa habang ako ay nag aayos ng bag sa locker, hinahanap ko ang cellphone ko at nakalimutan kung saan nilagay yon, hinahalungkat ko ang pinaka ilalim ng bag ko at sa wakas ay nakuha ko na at biglang pumasok si Mr. Lim sa backroom at kaming dalawa lang ang naiwan dito at bigla akong nagulat nang makita sya.

"What's that shock on your face? Nagulat ka ba na nakita mo ko?" Tanong nya at napa buntong hininga. "Uhm sir what are you doing here po?" I asked. "Because I got something for you." Sagot nya at tumingin ako sakanya at halatang may tinatago sa likod.

"Uhm ano po yun sir?" Tanong ko at ngumiti lang sya. "May ibibigay po ba kayo sakin ulit? Bulaklak nanaman po ba?" Mahinahon kong tanong. "No, since sinabi mo na allergic sa flowers si Ms. Cali I got something different naman." Sagot nya at napa tango ako.

"Ah ok sir pero bakit nyo po ako bibigyan?" Tanong ko at inilabas na nya ang tinatago nya sa likod, isa syang maliit na leather box, this time hindi na sya bulaklak, it's a jewelry na.

"Jewelry sir?" Tanong ko. "Yes." Sagot nya at binuksan ang box at bumungad sakin ang isang necklace, isa itong my love march heart pendant ng Kate Spade at ito ay kumikinang at nagulat ako sa binigay ni Mr. Lim saken.

"Did you like it?" Tanong ni Mr. Lim at namagnet ang mga mata ko sa necklace, hindi sa gulat kundi sa ganda, gusto kong ireject to kasi alam kong mag seselos si Sandro pero ayaw ko rin na ireject to kasi baka masaktan si Mr. Lim dahil binili nya pa ito para sakin.

"Uh, yes I do like it, by the way when did you got it?" I asked, but I lied when I said I liked it. "Just yesterday, I was planning to buy you jewelry since you don't like flowers, will you accept it?" Tanong ni Mr. Lim habang nakatingin sa mga mata ko at ngumiti nalang ako at tumango.

"Papayagan mo ba kong isuot to sa leeg mo?" Tanong ni Mr. Lim, ayaw ko pero wala akong magagawa kaya pumayag nalang ako, lumapit sya sakin at kinuha ang kwintas na nasa box, isinoot nya sa leeg ko ang kwintas at naramdaman ko ang kamay nya sa batok ko, pagkatapos nyang isuot ang kwintas sa leeg ko ay humarap sya sakin at tinignan ako.

"It looks good on you, only on you." Sambit nya habang nakatingin sa necklace ko. "Uhm, t-thank you Mr. Lim for this." Pag papasalamat ko habang nakatingin ako sa kwintas.

"Please keep it forever, for me." He said and I looked into his eyes, I really have zero feelings for him.

"O-ok, sure, mauna na po ako." Sambit ko at binalik ang phone sa bag at lumabas na, tinago ko sa shirt ko ang kwintas ko dahil ayokong makita iyon ni Sandro, gusto ko tong itapon mamaya dahil hindi ko alam kung mag aaway ba kami or mag seselos ba sya sa kwintas na to.

"Ay beh ikaw muna sa hugasin ha pwede?" Tanong ni Justin at napatingin sya sa leeg ko. "Beh diba bawal ang jewelry dito?" Tanong nya at hinawakan ang lace ng kwintas ko.

"Pst wag kang maingay." Sambit ko. "Bakit beh sino nag bigay sayo nyan patingin nga." Sambit nya at hinugot nya ang kwintas ko at nakita nya ang pendant nito at nagulat sya sa ganda nito.

"Oh my god beh sino nag bigay sayo nyan? Binigay ba sayo oh binili mo?" Tanong ni Justin.

"B-binigay sakin." Sagot ko at mas lalo pa syang nagulat. "Sino?" Tanong ni Justin. "Sorry Justin but I can't tell you right now." Sagot ko at napa cross arms sya. "Sus may pa 'I can't tell you right now' ka pa dyang nalalaman dyan eh halatang si Sandro ang nagbigay sayo nyan." Sambit nya at ginaya nya pa ang line ko.

"H-hindi si Sandro, uhm." Napaisip nalang ako kung sasabihin ko ba, baka kasi mag sabi to kay Sandro na si Mr. Lim ang nag bigay sakin nito eh lagot na.

The Playful Destiny (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now