Chapter 48

12 0 0
                                    

"Ang ganda ng mga stars no?" Tanong ko habang titig na titig sa mga bituin dito sa balcony. "Oo, kasing ganda mo." Sagot ni Sandro at natawa ako sa kilig na parang tanga.

"Ikaw talaga bolero ka rin no!" Sambit ko at ibinalik ang tingin ko sa langit. "I never joked about your beauty Analisse." Sambit nya at I can see in my peripheral view na sakin lang sya nakatingin.

"Talaga? Sa buong pag stay natin dito sa bahay ni Cali ngayon lang nagamit ang third floor." Sambit ko.

"Ilang beses ka na bang nakapunta dito nung hindi pa tayo nakatira dito?" Tanong ni Sandro.

"Hmm, madaming beses na kong nakakapunta dito, minsan nga nag s-sleep over ako dito eh pero neve talaga nagamit to, ngayon lang kaya inaalikabok na ang tinakpan ng tela ang furniture nito." Sagot ko at ginala ang mga mata sa gamit ng entertainment room at lahat ay natakpan na ng puting tela.

"Sayang ang ganda ng furniture na to hindi nagagamit." Saad ko at ibinalik ang tingin sa mga bituin. "Gusto mo gamitin natin?" Tanong ni Sandro at nag salubong ang kilay ko. "S-saan?" Tanong ko pero kinindatan lang ako at ngumiti kaya natawa ako.

"Sandro naman eh! Ang kulit mo talaga!" Saad ko at tumawa. "Bakit ayaw mo ba ng ganung idea?" Tanong nya at hinampas ko sya sa braso.

"Ikaw ha palagi ka nalang ganyan!" Sambit ko at ibinalik ang tingin sa mga bituin. "Sus pakipot ka pa." Pang asar ni Sandro. "Eh, ang kulit mo lagi ka nalang ganyan." Sambit ko at tumingin ako sa mga mata nya.

"Bakit sakin ka nakatingin at hindi sa mga bituin?" Tanong nya at ngumiti lang ako. "Mas magandang tignan ang mga mata mo kaysa sa mga bituin." Sagot ko at natawa sya sa kilig.

"Ikaw ha marunong ka nang mag pick up line ha." Saad nya at hindi mapigil ang ngiti.

"Anong pick up line ka dyan hindi ah gagi ka." Sambit ko at kumapit ako sa bisig nya at sumandal ako sa balikat nya. "Hindi na ko makapag hintay na pakasalan ka." Sambit ni Sandro na syang nag pangiti sakin.

"Papakasalan mo ba talaga ako?" Tanong ko. "Oo, kaya nga minahal kita kasi gusto kitang pakasalan, not just for fun." Sagot ni Sandro at napapikit ako ng mariin sa kilig.

"Ako din, gusto kitang pakasalan." Saad ko at narinig kong tumawa sya ng marahan. "Tapos pag kasal na tayo don nalang tayo tumira sa bahay na nakalaan satin." Sambit ni Sandro at napangiti ako ng malaki. "Ilang anak ang gusto mo?" Tanong ko.

"Sampu." Sagot nya at natawa ako bigla. "Sige papayag ako." Sambit ko at napatingin sya sakin.

"Talaga?" Masayang tanong nya. "Oo basta ikaw ang manganak." Sagot ko at nakita ko ang busangot sa mukha nya at natawa lang ako at hinampas ko sya sa braso. "Ikaw talaga grabe ka naman kung sampu as if na kaya ko yun no!" Sambit ko at tumawa sya.

"Kayanin mo." Saad nya at hinampas ko sya sa braso at tumawa ng malakas. "Gago ka! Malolosyang naman ako nun baka pumanget ako sa paningin mo." Sambit ko at tumingin ulit sa bituin.

"Kahit malosyang ka pa maganda ka parin sa mga mata ko no, kahit tumaba ka man or pumayat, kahit kailan ay hindi ka papanget sa mata ko dahil my heart leads my eyes." Sambit nya at napangiti nalang ako.

"T-talaga?" Tanong ko. "Oo nga, wala akong pakialam kung masira ang katawan mo sa panganganak dahil hindi naman ang mga mata ko ang pinapairal ko." Sagot nya at siniksik ko ang mukha ko sa braso nya.

"Gusto mo after ko grumaduate pakasal na aga-"

"Oo ba ano pang pinag hihintay mo pakasal na agad no ikaw talaga." Sambit nya at napatawa ako ng malakas. "Joke lang ikaw naman! Syempre kung pagka graduate ko mag papayaman muna tayo ng bongga para lupa at kompanya ang mamanahin ng anak natin hindi sama ng loob at poot." Sambit ko at tumingin ako sakanya at tumango tango sya.

The Playful Destiny (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now