Chapter 22

15 0 0
                                    

"Mag impake na kayo, mamaya na alis natin." Sambit ni Cali habang nag luluto nanaman ng Ilocos style miki, nag rerequest nanaman si Sandro.

"Saan tayo unang pupunta?" Tanong ko.

"Bahala na, mag search kayo sa google kung saan magandang destination dun." Sambit ni Cali."Libre mo na gasolina ha." Sambit ni Sandro habang nag lalaro ng ml.

"Oo nga ang kulit naman nito." Sambit ni Cali.

"Ako na bahala sa tourist spot, tapos mag skyranch tayo sa umaga." Sambit ko at nag search na sa phone kung ano ang mga magagandang spots sa San Fernando pampanga.

"Sige libre mo." Sambit ni Sandro dahil wala pa kaming sweldo, sa January pa.

"Kay Cali ka mag pa libre wag sakin." Sambit ko habang patuloy na nag s-search sa phone.

"Pareho nyo nalang ako ilibre." Sambit ni Sandro at napatingin ako sakanya.

"Ano ka sineswerte?" Tanong ko.

"Maawa naman kayo saken wala pa kong sweldo next month pa." Sambit ni Sandro dahil sya lang ang konti ang pera dito.

"Hoy mas malaki nga sweldo mo kaysa sakin eh ako papasok pa kaya kulang ako sa oras sa pag trabaho." Sambit ko.

"Oh tama na away ako nalang mang lilibre sainyong dalawa ang kulit nyo eh." Sambit ni Cali."Eh no thanks." Sambit ni Sandro at napatingin si Cali sa kanya.

"Pag si Analisse gusto mo magpalibre pero pag sakin hinde?" Sambit ni Calista at napaturo sa sarili.

"Ikaw naman na sa gasolina eh ok na yon." Sambit ni Sandro.

"At ang mahal ng gasolina kaya sayo na yun." Sambit ko habang natingin sa tourist spot at napatingin si Sandro sa cellphone ko, nakuha ng atensyon ko ang wallpaper nya sa phone, picture yun ng pamilya nya na nasa Velvet Cove nung isang araw, hindi ko alam patago nya palang kinuhaan ng litrato ang pamilya nya.

"Mukhang madaming tourist spot sa Pampanga ha." Sambit ni Sandro habang nakatingin sa phone ko.

"Oo pupuntahan natin lahat ng ito para sulit ang pasko." Sambit ko.

"Punta tayo dun sa maraming mga parol kapag gabi." Sambit ni Cali habang nag luluto pa."Oo naman no hindi pwedeng hindi." Sambit ko dahil ngayon lang ulit ako makakaranas ng pasko katulad nung kabataan ko.

"Sandro halika nga dito tikman mo kung masarap." Sambit ni Cali at agad na tumungo si Sandro sa kusina at tinikman ang miki.

"Matabang ba oh dagdagan ko ng asin?" Tanong ni Cali at nakatingin lang ako sakanila.

"Di na kailangan, okay na yan." Sambit ni Sandro at agad na bumalik sa kinauupuan."Masarap ba luto ni Cali?" Tanong ko.

"Oo palagi naman masarap magluto yan eh." Sambit ni Sandro at nagpatuloy mag ml, pagkatapos mag luto ni Cali ay agad kaming umupo sa dining table at nag hain si Cali ng ulam at kanin pati na din mga plato.

"Kumain kayo ng madami dyan at mag impake kayo ng mga damit nyo." Sambit ni Cali, December 24 na ngayon, mamaya ang alis namin dahil noche buena na mamaya.

"Okie po." Sambit ni Sandro at agad na nag sandok ng kanin at kumuha ng ulam.

"Huy Analisse bat ka nakatulala dyan?" Tanong ni Cali at umupo na sa hapag kainan at kumain narin.

"W-wala lang." Marahan kong sambit.

"Anong wala lang?" Tanong ni Cali.

"Wala, naalala ko lang kasi di ako magpapasko kasama pamilya ko." Sambit ko at nagsandok na ng kanin at ulam.

The Playful Destiny (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now