Chapter 18

17 0 0
                                    

I was driving my way on La Salle to get the copy of my grades and good moral at nag park ako sa pinakamalapit dito, I went out of my car and naglakad ako papunta sa university at pumasok dito at hinanap agad ang registrar. Pagkap punta ko ng registrar agad akong sinalubong ng mga tao don, kilala nila ako dito.

"Analisse! Anong pinunta mo dito?" Tanong ng teacher kong si Ms. Emma.

"K-kukuha lang po ako ng grades, a-at good moral." Sambit ko at nagulat si Ms. Emma.

"Ano? Lilipat ka ba ng school?" Tanong ni Ms. Emma.

"O-opo." Saad ko.

"Bakit? sa anong dahilan?" Tanong ni Ms. Emma at lahat ng tao sa office ay napatingin sakin.

"Bakit ka lilipat ng school?" Tanong ni Mrs. Olivia, ang principal namin.

"K-kasi po ano eh." Sambit ko habang nag iisip ng paraan.

"Kasi ano Analisse?" Tanong ni Ms. Emma.

"K-kasi po dun po malapit yung pinag t-trabahuhan ko eh." Sambit ko at nag taka lahat ng tao sa office.

"Mag tatrabaho ka?" Tanong ni Mrs. Olivia.

"Opo." Saad ko.

"I thought mayaman ang pamilya nyo kaya hindi mo na kailangan ng trabaho?" Tanong ni Mrs. Olivia.

"Ay nako po hindi po pwede I need to be independent na po at this age kaya kailangan ko po matuto mag trabaho." Saad ko.

"Ah, okay so saang university ka lilipat?" Tanong ni Ms. Emma.

"Hindi ko pa po sure kung saan pero nag hahanap pa lang palang po ako sa kung saan malapit po sa pinag tatrabahuhan ko." Sambit ko.

"Eh paano si Calista lilipat din ba yon?" Tanong ni Mrs. Oliva.

"Hindi po eh tsaka hindi nya na po kailangan lumipat." Sambit ko at napa tango tango sila.

"Matalino naman yang si Monteverde eh tsaka pareho yan sila ni Analisse na dean's lister dito since first year nila." Sambit ni Ms. Emma.

"Edi hindi na kayo magka-klase ni Calista nyan? Pati narin si Elijah? Oo nga pala kamusta na si Elijah?" Tanong ni Mrs. Olivia.

"O-okay naman po, bakit po?" Tanong ko.

"Wala lang kamiss lang kasi yang bata na yan apaka kulit, pareho sila ni Calista na joker sa section." Sambit ni Mrs. Olivia at nag tawanan sila.

"Kayo parin ba hanggang ngayon?" Tanong ni Ms. Emma, hindi na.

"O-opo." Pag sisinungaling ko, what if tanungin nila si Elijah about our relationship? Ano kaya sasabihin nya?

"Buti naman, sige na kumuha ka na ng grades at good moral mo." Sambit ni Ms. Emma at nag paalam ako sa kanila at agad na nagtungo sa registrar.

"Oh Analisse naparito ka?" Tanong ni Ms. Vivian, ang registrar namin.

"Hello po Ms. Vivian, by the way po pwede na po ba kumuha ng grades?" Tanong ko dahil hindi ko nakuha yung grades ko nung nag semester break kami, nakalimutan ko.

"Oo naman no nakalimutan mo ngang kuhain ang grades mo dito, eto oh I checked your grades ang tataas, pareho kayo ni Monteverde na antataas ng grades." Sambit ni Ms. Vivian at inabot sakin ito, tinignan ko at hinanap ang pinakamababang grades, it's 92 at ang general average ko ay 1.267 pero alam kong mas mataas parin dito ang kay Cali.

The Playful Destiny (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now