Chapter 68

3 0 0
                                    

Naramdaman ko ang sarili ko na naka nakahiga lang sa isang couch, nagising ako sa dalawang taong nag uusap pero hindi ko makilala ang boses nila, para bang gising ako pero hindi ko maramdaman kung nasan ako oh gising ba talaga ako. "Anong balak mong gawin sakanya ngayon?" Tanong ng isang babaeng hindi ko makilala ang boses.

"Matagal ko na tong pinaplano, ngayon nag katotoo na." Sambit ng isang lalake at tumawa na parang demonyo. "You're obsessed." Sambit ng babae. "Yes I am, he can't be with him, akin lang sya." Mahinahong sambit ng lalake.

"You only used me you bitch." Sambit ng babae. "Ginamit lang naman kita, wala ka lang sakin." Sambit ng isang lalake.

"Hoy anong balak nyo sakanya at anong sumagi sa utak mo at bakit mo sya dinakip? Nasa tamang pag iisip ka pa ba?" Tanong ng isang lalakeng hindi ko rin makilala.

"Ni ako nga hindi ko alam kung nasa tamang pag iisip ba ko." Sambit nito. "Baliw ka na, gago ka talaga pati ako nadamay sa mga binabalak mo sakanya." Sambit ng isang babae at bigla nalang sumigaw ito.

"Nag rereklamo ka ba? Baka nakakalimutan mo may utang na loob ka sakin, binili ko lahat ng gusto mo, pero wag kang mag reklamo sakin dapat nga nag pasalamat ka pa eh!" Sigaw ng lalake.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Bitawan mo nga sya sinasaktan mo sya eh!" Sigaw pa ng isang lalake.

"Hoy wag kang makisali dito! Binayaran kita ng isang milyon para lang samahan ako dakpin to kaya wala kang karapatan mag reklamo sa mga ginagawa ko!" Sigaw ng lalake na syang nag pagising ng tuluyan sa diwa ko at nag taka ako kung nasan ako at sinubukan kong kapain ang sofa kung saan ako naka higa ngunit naka tali ang mga kamay ko sa likod kaya nagwala ako sa takot.

"Huy! Gising na sya!" Sambit ng babae at may biglang humawak sa mga balikat ko at napasigaw ako pero hindi ko magawa dahil naka duck tape ang mga bibig ko at wala akong makita.

"G-gising ka na? Analisse gising ka na!" Sambit ng lalake at tinanggal nya ang blind fold sa mga mata ko at nagulat ako nang biglang nakita ko si

Elijah

Napa sigaw ako ng malakas at nag wala pero sinusubukan nya kong pigilan. "Tumahimik ka!" Sigaw nya at hinampas nya at couch ng napaka lakas at natahimik ako at naiyak sa takot, tinignan ko ang ibang tao na nasa likod nya, andito si Grace! Ibig sabihin mag kasabwat sila? Laking gulat ko pa nang makita ko pa ang lalake sa likod, si Eduard, ang kaklase namin sa Psychology!

"Elijah!" Sigaw ni Eduard. "Ano bang ginagawa mo? Nawawala na talaga katinuan sa isip mo no!" Sigaw ni Eduard at unti unting humarap si Elijah kay Eduard at natahimik si Eduard.

"Ano? Ako? Nawawala sa katinuan? Matagal na!" Sigaw ni Elijah at narinig ang sigaw nya sa buong bahay at naiyak nalang ako sa sobrang takot, Sandro, Cali nasan na kayo tulungan nyo ko!

"Elijah wag kang sumigaw rinig na rinig ka ng kapitbahay alas dose na ng umaga!" Sigaw ni Grace at tumingin sya sakin ng masama.

"Wala akong pakielam!" Sigaw ni Elijah at nagulat kaming lahat at bumalik sya ng tingin sakin.

"Natatakot ka ba? Kung natatakot ka wala akong pakielam, hindi ka ililigtas dito ni Cali at Sandro kase wala silang pakielam sayo." Mahinahong sambit ni Elijah at napa hagulgol nalang ako sa mga sinasabi nya, natatakot na ko.

"Oh? Anong iniiyak iyak mo dyan? Sa tingin mo may tutulong sayo dito kahit anong iyak mo? Wala." Sambit ni Elijah pero wala talaga akong magawa para tulungan ang sarili ko, tinignan ko si Eduard at sinubukan mang hingi ng tulong gamit ng mga tingin ko pero parang hindi nya ito nakikita.

"Wag kang mag makaawa kay Eduard Analisse, kahit anong hingi ng tulong mo dyan walang tutulong sayo dito, wag kang mag alala, maya maya patay ka na." Sambit ni Grace at napa hagulgol nalang ako sa iyak sa sobrang takot, gustong gusto ko nang sumigaw gusto ko nang umuwi nag aalala na sila Sandro, Cali at Wilson saken!

The Playful Destiny (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now