Chapter 2

486 21 0
                                    


Gago naman, anong gagawin ko sa information na nalaman ko?!


As if namang masasabi ko yun ng harapan sa kaniya at hindi naman kami close! Dagdag pa na baka hindi niya rin ako paniwalaan.


Pero baka naman nagkakamali lang ako? Baka mag-bestfriend lang talaga sila ni Greg?


Gagong yun, sabi ko partner sa sayaw lang at hindi sa lovelife!


Dalawa o tatlong beses ko na yata sila pinagpa-pareha. Lintek talaga.


"Lalim naman ng iniisip niyan?" si Gavin.


"Malalim talaga." maiksi kong sagot.


Andito siya ngayon sa condo ko sa dahilang bored daw siya sa lugar niya.


"Daily soundtrip mo talaga 'yon?" tukoy niya sa natugtog na electric guitar uli.


Tumango lang ako.


Hindi ko alam kung nasasanay lang ako sa trip niyang Canon Rock araw-araw o talagang occupied lang isip ko ngayon.


"Share that pizza with him, hindi mo yan mauubos." doon natigil ang pag-iisip ko. "Uuwi tayo ng Cavite this holy week pala." he reminds me.


"What the hell!? No!" hostile kong sabi na siyang kinagulat niya at napatigil sa pag-subo ng pizza.


"Hell Ivo! Anong 'no'? Gusto mo masampulan ni Kuya?" kunot-noo niyang sabi at jina-judge na buong pagkatao ko.


"I mean, I know luluwas tayo but why do I need to share my pizza with him!? We're not even close though." depensa ko.


"Hindi ko naman sinabi na kailangan mo muna maging close siya bago mo iabot ang pizza?"


Laging may sagot.


 Ang ending, susundin din siya.


Why my younger siblings have this kind of attitude? Really? Nalilimutan yata nilang ako ang sumunod kay Kirua--though we just have two years age gap-- this is so unfair.


May sa isang oras ko na yata tinititigan ang isa pang box ng pizza at tila hinihintay na maglakad ito at kusang ibigay ang sarili sa kabilang unit.


God, Gavin Flint!


I inhaled and exhaled in front of his door and composing my words before I knock.


Maririnig niya kaya yung knock if he's wearing his earphones coz he's still freaking playing!


I knocked three times, isang knock na lang at aalis na ko.


Sabihin ko na lang kay Gavin na walang tao sa unit.

Living In Tranquility (Red String Series #1)Where stories live. Discover now