Chapter 8

317 15 2
                                    


Bumalik ako sa unit ko after ko siyang bihisan ng pang-itaas at kumutan bago tinaas ang temperature ng aircon niya.


Wala namang nangyari pero ang bilis-bilis ng paghinga ko. Bading talaga amputa.


Naalala ko yung huli niyang sinabi na wag ko raw palapitin sa kaniya si Erika? Bakit? E, girlfriend niya yun?


Gago mukhang may away sila kaya siguro nag-inom ng sobra.


At talagang ginawa pa kong caregiver niya ah?


Kinabukasan, nag-practice lang ako ng sasayawin namin at mamayang hapon ko na ituturo sa kanila 'to. Gagamitin ang oras ng subject sa afternoon dahil sa kaniyang performance naman ito.


Hinayaan ko lang ang sarili ko na mag-saved din ng iba't-ibang dance challenge sa Tiktok account ko at sayawin later on.


Hindi ako naglalabas ng mukha sa account ko pero marami pa ring nae-entertain, hobby ko lang talaga siya kaya ko ginagawa with or without audience.


Inuna ko na i-practice at ni-record ang sarili dancing Waka Waka x Run The World by Jxmiqn.


In almost an hour, doon lang ako na-satisfy sa sariling sayaw na ginawa ko at sinunod ko naman ang That's The Way I like It dance challenge.


Ang bibilis ko matapos mga challenges na nauuso ngayon, ang haba pa ng oras ko bago mag alas-dos!


Ayoko bigyan ang sarili na mag-isip at alam kong saan lang yun e-end up.


Like I Do by J.Tajor dance challenge ang sinunod ko bago ako mag-lunch sa labas.


Hindi ako pala-luto ng pagkain ko sa unit unless dalhan ako ni Gavin or Kirua. Minsan may dessert pang nagpapadala sakin which is from Ryli dahil baking naman ang forte niya, habang ako pa-pogi lang lagi sa magkakapatid.


Dahil hindi rin ganun kahirap ang choreo ng Like I Do, natapos ako agad at doon na naligo.


Pakuha na ko ng susi ng big bike ko sa bedside table nang maalalang dalawang beses na ko nagsisi na siya ang dinala ko, kaya napagdesisyunang sasakyan na ang dalhin. Baka lang may sumabay uling maarte o lasing.


Ryli's kaartehan is really cute though and I'm not complaining, I mean, nobody does.



Hindi na ko kumain uli sa mga fast food after sabihin sakin ni Ryli na marami sa kanila ang dapat i-boycott kaya sa Cafe ako nag-lunch.


Pasta at brioche ang in-order ko, hindi ko sure kung mabubusog ako sa ganitong type of meal na para akong nasa Europe.


Habang kumakain, naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko at tiningnan yun.


Akius Gatlin: Thanks :)

Living In Tranquility (Red String Series #1)Where stories live. Discover now