Chapter 7

345 19 1
                                    

Tang inang ngitian yan, baka magkamali ako Akius Gatlin!


Buong tugtog na sakin lang atensyon niya, hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya na parang nagbabantay na baka magkamali ako at minsan yung mga mata niya na parang namamangha tapos ngingiti.


Oh heavenly gods, his teardrop dimples.


Agad akong nilapitan ni Gatlin right after we played and we're in the backstage now.


"You actually know how to play it." hindi siya patanong pero yung mga mata niya ang nagtatanong.


"Sinasabayan ko lang yung play mo minsan and I eventually learned it, galing mo nga e."  sagot ko.


"You literally surprised me, Ivo." ngiti niyang sabi at medyo nag-malfunction pa ko saglit sa pagtawag niya sa pangalan ko which I considered as first time.


Sa tagal naming magkaklase, laging surname ko lang ang tawag niya sakin, same goes with me to him.


"Sinong kasama mo pala? Boyfriend mo?" tanong niya.


"Wala naman akong boyfriend ngayon and I'm with my brother right now." hawak ko sa nape ko nang nakangiti sa kaniya, "Wanna join us?" invite ko.


Sanay naman ako na alam ng lahat ang gender ko, iba lang talaga kapag sa kaniya, parang may alam na agad siya about me kahit kailan lang naman kami naging casual sa isa't-isa.


Pumayag din naman siya na maupo samin at nagpaalam sa mga nasa backstage.


Nang maalala kung sinong kasamang kapatid ngayon, doon ako nagsisi.


"Si Gavin, my younger brother. Avi si Gatlin." pakilala ko at nag-shake hands naman sila.


Gago, Gavin Flint umayos ka kahit ngayon lang!


"Oh the one who followed me on Instagram." Gatlin said with some excitement to his tone.


Really, Gatlin? What's with your tone?


"Ah yes. Nakita ko kasi na mutuals kayo ni Levi." sagot naman ni Gavin.


Halatang gustong malaman kung bakit sila mutuals. Bakit hindi na lang niya itanong ng direkta sa best friend niya?


"We were classmates kasi nung junior high school but we're not that close anymore. Ganda ng feed nun e."


Ayan, I hope Gatlin already answered your curiosity, Gavin idiot.


"Right, he's into fashion and beautiful stuffs." Gavin uttered. Ang pangit naman ka-small talk nito.


"I also noticed your second name in your username in Instagram, parehas kayong Flint ni Ivo?" tanong naman ni Gatlin. Galingan mo naman mag-small talk, Dude.

Living In Tranquility (Red String Series #1)Where stories live. Discover now