Chapter 23

356 17 1
                                    


"Guess it." ngiti niyang sagot.


"You even kissed each other na nga e, tingin mo hindi pa siya bading nun? Kuya talaga ang bagal!" singit ni Ryli na parehas naming kinagulat ni Aki.


"You saw us that night!?" gulat na gulat kong tanong.


Actually wala naman nakakagulat dahil sa public place namin ginawa pero out of all people, kapatid ko pa talaga?


I wondered if my other brothers saw it too.


Pero imposible si Gavin dahil aasarin na agad ako nun kinabukasan palang ng araw na yun panigurado.


"We actually saw it!" pambasag ni Ryli sa thoughts ko.


"We? With whom?" si Aki na ang nagtanong.


"With Kuya Kill and Kuya Levi. We were having fem guys night that night, so no masc guy were allowed kaya hindi niyo alam." paliwanag nito.


Aki pursed his lips, "What the hell."


"Ayan ang harot mo kasi." asar ko rito. Sakin okay lang kahit sino makakita, wag lang si Gavin dahil sa lakas mang-asar nun. "Kaya ba you had the urge to kiss me that night 'coz you already knew what you preferred then?"


Ngumiti lang ito nang nakakaloko.


"So you really like me pala?" tanong ko uli.


"Right in front of my salad talaga, Kuya?" paniningkit ng mata ang natanggap ko sa kapatid ko. "Do you want to spend a night here na rin, Kuya Aki?" Ryli's inviting him.


"Parang unit mo baby ah?"


"Ayaw mo?" mataray na sagot nito.


Syempre gusto!


"Kukunin ko lang ang blanket and pillows ko sa unit ko." may malawak na ngiti sa labi habang tinatanggap niya ang invitation ni Ryli sa kaniya.


"Don't bother, Kuya. Kuya Ivo is willing to prepare it for you already." pag-pigil naman ni Ryli dito. At kailan pa siya naging mind reader? "Diba, Kuya?" tingin sakin nito habang pataas-taas pa ng kilay.


"Ah yup. May extra naman ako dyan." sagot ko nang may na-realized. "Sakin ka na lang tumabi Ryli, sa guest room na lang si Kuya Aki mo." 


"We were roommates since I was young, Kuya! Please, I want my privacy for tonight. Okay lang ba Kuya Aki na sa guest room ako?" 


"O-of course, walang kaso yun sakin."


At talagang nag-decide sila na parang sa kanila 'tong unit ah.


Ganun na nga ang nangyari.


Dahil wala naman akong couch sa room ko, we were lying next to each other.

Living In Tranquility (Red String Series #1)Where stories live. Discover now