Chapter 17

323 14 7
                                    


This is the last week of the month, malapit na ang performance namin at linis sa choreo na lang ang kulang.


Pinapanood ko ang dance practice video namin sa phone ko ngayon habang nasa eroplano na kami pabalik Manila, katabi ko ngayon ang Akius na may ginagawa rin sa iPad niya.


Malapit na rin kasi ang Midterm namin kung saan kami may performance as a section at kung saan din siya ang director and writer ng performance.


Lumipas ang mga araw na parehas kaming busy pero hatid sundo ko pa rin siya sa mga part-time jobs niya where I insist to do so.


Parang ayun na nga lang din ang time na nabibigay namin sa isa't-isa dahil sa unit, parehas pa rin kaming nakatutok sa kaniya-kaniyang devices to study and work for our performances.


Umuuwi naman na ko sa unit ko, sayang naman binayad ko kung hindi ko uuwian.


As time goes by, hindi ko na napapansin sila Greg and Erika na naghaharutan sa practice or sa harap ko unlike before. Hindi ko lang sigurado kung sinasadya nilang wag magpahalata sakin o talagang tinigil na nila.


Ang problema ko na lang ay kung paano yun sasabihin kay Akius na hindi siya masasaktan which is impossible to happen.


Mahal niya ang girlfriend niya at ramdam ko yun tuwing nakikita ko silang magkasama dati.


Hindi ko na rin sila nakikitang magkasama lately. I'm not sure kung hindi ba talaga sila nagkakasama or talagang iniiwas ko lang silang makitang magkasama.


Lahat na lang hindi sure!


Isama pa 'tong nararamdaman kong hindi malaman kung infatuation lang ba o naiiba na.


A day before my troupe's performance, Akius messaged me na manonood daw siya despite his schedule.


Hindi ko alam kung ilang oras ba meron siya sa isang araw at napagkakasya niya lahat ng kailangan niyang gawin as a academic achiever and a worker at the same time.


"Are you nervous?" he asked as he stopped using his phone and face me while I'm driving when I pick him up from his work as a tutor.


"Me? No." I smugly said.


Hindi naman talaga na ko kinakabahan sa mga ganitong performance since I'm doing this since I was teen, siguro may konting kaba if alam kong may manonood na mahalaga sakin.


I kept thinking that I shouldn't mess my performance if someone I know is watching, so lalo akong nagkakamali kapag iniisip ko na bawal ako magkamali.


"Just give your best and don't hurt yourself!" sigaw ko sa backstage minutes before our performance, to somehow calm their nerve-racking as their leader.


May mga katulad kasi ni Greg na bagong sali kaya kahit hindi nila sabihin alam kong mga kinakabahan pa sila.

Living In Tranquility (Red String Series #1)Where stories live. Discover now