Epilogue (Part 1)

396 23 3
                                    


Trigger Warning: Homophobic remarks & verbal abuse


"Bakla na lampa pa!" puna sakin ng kaklase kong bully.


"Mahilig yan manumbong sa mama niya! 'Wag mo na asarin!" asar pa ng isa sakin.


Hindi ko sila pinansin at tumayo na lang uli sa pagkakapatid na sila rin ang may pakana.


Ano ba kasing masama kung bakla? Hindi ko naman ginusto ang kasarian na 'to!


Umuwi ako sa bahay na si mommy ang unang sumalubong sakin, "How's my baby in school?"


I deep sighed. "Not so fine." maiksi kong sagot.


"Again!? Is it because of bullies na naman ba?" she knew it right away because this isn't the first time I get bullied. "Itong mga homophobic na mga batang ito dapat sini-seminar ang mga magulang ng mga yun e." she whispered while looking so mad.


"Turuan mo kasi maging lalaki." si daddy na nakisingit na sa usapan habang ang atensyon ay nasa laptop niya.


Alam ko na kung saan uuwi ang usapan na 'to kaya umakyat na ko sa kwarto ko.


Nakatanaw ako sa bintana ng kwarto ko ngayon hanggang sa napansin ko ang tatlong batang lalaki na naglalaro habang kasama nila ang daddy nila.


"Avi ibigay mo na yan sa kapatid mo." utos ng daddy nila sa isang bata na may hawak ng barbie doll.


Inabot naman ng lalaki ang doll sa maliit pa nilang kapatid.


Parang babae sa cute yung pinaka-maliit.


Magkakapatid pala sila.


"Itong si Gavin hinihintay pang paiyakin si Ryli!"pagtatanggol ng isa pang lalaki.


Ang bait naman ng daddy nila, pinapayagan maglaro ng doll ang anak niyang lalaki.


Alam ko ang hilig ko na kahit sabihing 14 years old palang ako ay alam ko na ang nais ko at hindi pang-lalaki lahat ng iyon.


Pero dahil ayaw ni daddy na gustuhin ko ang mga bagay na iyon ay pilit kong tinitigilan at iyon ang hindi ko maintindihan.


Nasaan ba kasi ang terms and conditions para masabing lalaki? Hindi kasi ako inform kung paano.


Kinabukasan ay naabutan kong nasa restroom din ang mga schoolmates kong bullies.


"Tuli na ba yan?" panimula agad ng isa nang makita ako.


"Paano papatuli yan e, akala niya yata sa sarili niya na babae siya!" sagot naman nung isa at doon sila nagsitawanan.


Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: May 13 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Living In Tranquility (Red String Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ