Chapter 16

358 15 0
                                    


Buong snorkeling nakasunod lang siya samin ni Ryli at hindi na sumama kila Levi.


Gustong-gusto ko itanong kung bakit niya yun ginawa. Ano? Gusto niya ba ko? Bisexual na siya? O gusto niya lang ba i-try kung para sa babae ba talaga siya?


Tang ina ayoko naman maging kabit! Yari talaga ko sa mga kapatid ko, lalong-lao na kila Dada at Papi kapag nagkataon.


"More rice?" tanong niya sa tabi ko nang nasa hapag na kami for lunch.


Umiling lang ako at nagpatuloy sa paglagay ng ibang dishes sa plato ko.


"Which drink?" I asked, pertaining what he preferred drinks.


"Buko juice will do." and ayun ang kinuha ko na medyo naka-pwesto sa part ng table na hindi niya maaabot.


Ganitong mga interaction lang kami, we didn't talk like we used to but if someone needs something, there's always each other's hands waiting to fill that needs out.


This is our last sunset we'll able to witness here in El Nido together, sayang naman kung uunahin pa namin yung arte kesa sa once in a lifetime moment.


Magsasalita na sana ko para sana ayain siya nang bigla niya kong inunahan.


"Are you up to witness sunset with me later?" sounds sincere na parang mahihirapan ka tanggihan yun.


Tumango lang ako at nagpilit na ngiti na parang napipilitan sa sagot pero ang totoo, I'm excited to try something new with him.


Yung isa ko kasing ex ay fond ng sunrise while the other one didn't give a shit to things like this.


"Something happened?" ani Kirua nang maiwan kaming dalawa sa table habang nasa seashore na silang lahat, pati si Akius ay walang nagawa kundi sumama nung si Ryli ang nagpumilit sa kaniya.


Umiling ako, "Not a big deal." tipid kong sagot.


"I'm not asking how big or small that is, so something really happened?" ulit niya. Hindi nakuntento sa sinagot ko.


"I'm just bothered.. from his actions when we all know he's straight and has a girlfriend." panimula ko. Hindi ko talaga kaya magtago ng kahit anong bagay kapag si Kirua na ang nagtatanong at kaharap.


Parang kaya niyang buksan yung kaloob-looban mo in just a simple question.


"What kind of action?" tanong uli nito habang iniinom ang juice niya.


"His actions that makes me feel... extra special." I said and looked at the floor.


"Have you try to talk about that to him?"


Living In Tranquility (Red String Series #1)Where stories live. Discover now