Chapter 28

342 17 1
                                    


Nagising ako nang mabigat pa rin ang pakiramdam pero maginhawa na ang katawan gawa siguro ng pagpunas niya sakin ng basang tuwalya kanina. 


Napansin kong naka-sweat shirt na ko ngayon at wala ang sando na suot ko kanina bago matulog.


Ano yun hindi man lang ako nagising habang pinapalitan niya ko ng shirt?


Inabot ko ang phone ko na nasa bedside table na malamang gabi na.


Umuwi na siguro siya.


"Nag-usap na kayo Kuya?" rinig kong boses ni Ryli mula sa labas ng kwarto ko habang ang pinto ay nakabukas kaunti.


"Not yet. Nagkita na lang kaming masama na pakiramdam niya e." hindi pa pala siya umuuwi.


"Thank you sa pag-alaga kay Kuya kahit sobra ang katigasan ng ulo niya." napairap ako sa sinabing yun ni Ryli.


Nasa lugar naman ang katigasan ng ulo ko.


"I'm just bothered... kung hanggang saan narinig niya sa usapan namin ni Betina."


Betina pala ang pangalan ng ex niyang yun.


"Makikinig na nga lang sa usapan hindi pa tinapos." dagdag niya pa.


Wow? Kasalanan ko pa palang nasaktan na ko sa unang sentence palang ng ex niya?


"I know your intention to Kuya Ivo is pure that's why I'm on your side and finding who was behind it." Ryli said before Aki entered my room.


May gulat sa mukha niya nang makita ako, "Kanina ka pa gising?" tanong nito.


Hindi ko siya pinansin, kunwari may ginagawa ako sa phone ko pero ang totoo, halos wala na talagang natirang application sa phone ko.


Sumunod namang pumasok sa kwarto ko si Ryli, "Are you okay na Kuya?" 


"Okay na." halos walang boses kong sabi.


"Paano o-okay yan? E, hindi pa yan umiinom ng gamot niya, puro tulog ang ginagawa." singit naman agad ni Aki.


Inirapan lang ako ng kapatid ko, "Anyway, I'll leave na mga Kuyas.. Kuya Ivo please talk to Kuya Aki na and take your medicine already." paalam nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto.


Gamot gamot pa, e wala naman na 'to bukas pagkagising ko. Kinulang lang talaga ko sa tulog.


Mauupo palang ako sa kama ay nakaramdam na agad ako ng hilo.


Gago? Grabeng trangkaso naman 'to.


Inalalayan naman agad ako ni Aki na tinabig ko lang ang kamay niya palayo sakin.


Living In Tranquility (Red String Series #1)Where stories live. Discover now