Chapter 10

319 16 0
                                    


"Sira kasi aircon sa unit ko, hindi pa ko nakakatawag sa maintenance nila." pagpapalusot ko.


"O-okay lang naman kaso sino sa kama?"


Hindi ko man lang naisip yun! Isa nga lang pala kwarto niya rito unlike sakin na may two rooms. Na-occupied kasi agad ng isip ko yung usapan kanina at yung El Nido na hindi ako makabwelo-bwelo na sabihin sa kaniya.


"Okay lang naman ako sa couch." tukoy ko sa couch niya na nasa loob din ng room niya.


"Wala ka bang klase bukas?" tanong niya habang nasa balcony na niya kami ngayon at nahipak siya.


"Puro afternoon and evening na mga classes ko. Ikaw?" balik kong tanong.


"Wala kong pasok every Wednesday." sabay alok niya sakin ng box ng cigarette niya which I refused.


"How about every weekend? May klase ka?" finally, I had the chance to ask his schedule.


"Yup, morning class every Saturday. Bakit?" ayun lang. Sorry Gavin, ako lang makaka-attend sa quick getaway plan niyo.


"Wala naman. Its just my brother wants to invite you with us going to El Nido before weekend, probably on Friday night ang alis."


"Oh I'll see kung magagawan ko ng paraan." he stopped puffing his cigarette and he seems thinking at something while looking at the dark sky above us, no stars or moon either. Mukhang uulan.


"Don't bother about it, madalas naman sila mag-plan ng mga quick and sponty trip, marami pa namang next time." wow sa next time ah? As if may lakas nang loob ka pa ayain siya sa next time na yan.


"I hate next time though, gawan ko ng paraan yan."


Hindi na ko sumagot pa at napag-desisyunan nang matulog dahil lumalalim na rin ang gabi.


Ngayong nakahiga na ko sa couch niya, nakakamanghang ngayon ko lang napansin ang design ng ceiling niya na hindi ko man lang nakita last time I went here! It has nature ceiling decor!


It was full of bamboo trees and its leaves, and the blue sky, parang nakahiga ka ngayon sa ilalim ng mga puno sa forest. Ang angas!


Hindi ko man lang naisip na gawin din sa unit ko 'to!


"Sticker lang yan na idinikit ko since paints are not allowed here in condo." aniya, napansin yatang titig na titig ako sa kisame niya.


"Naisip mo 'to 'no?" mangha kong sabi.


"That helps me relax. Besides, I always got no time to see those in real life." mapait niyang sabi habang tinutukoy ang nature.


"Ang busy mong tao." nasabi ko na lang at nakita siya sa peripheral vision na naghuhubad ng damit habang hawak ang remote ng aircon at itinataas ang temperature nito. Inayos niya na rin ang sarili niya sa kama niya. "Seryoso? Hindi ka ba lamigin niyan?"

Living In Tranquility (Red String Series #1)Where stories live. Discover now