Chapter 26

341 11 1
                                    


Natapos ang klase at agad naman akong tumungo sa wide garden ng school.


Hindi pa man ako nakakalapit ay nakikita ko na ang kumpulan ng mga students sa gitna.


Boses agad ni Lance ang narinig ko sa buong lugar, "Imagine? He's using THE Flint Ivo Wix we all admired just to figure out his true gender!"


Nagsunuran naman agad ang bulungan ng mga estudyante kaya agad ako lumapit upang tingnan kung andoon si Aki.


Hindi ako nagkamali dahil katabi niya ngayon si Lance na may hawak pang wireless microphone at may katabi itong speaker.


"Lance! What are you doing?!" halos pasigaw kong tanong nang makalapit at pumagitna sa kanila.


"All this time akala ko straight si Gatlin?"


"Hindi naman siya nawawalan ng babae para mag-try pa sa lalaki, diba?"


"Kawawa naman si Ivo."


"Parang mas kawawa si Lance, mahal niya pa rin yata si Ivo e."


Rinig na bulungan ng mga nasa paligid habang ang mga mata ay nasa amin.


"What? I'm just telling the truth! Wala namang alam 'yang lalaki mo ngayon sa pagiging bakla!" matapang din nitong sagot.


"Its not your business anymore though? We already done, right? Bakit mo pa 'to ginagawa?" may diin sa bawat salitang binibitawan ko sa harap niya.


"Hindi pa ba halata?! I want you back! I'll do anything Ivo just be mine again--"


"You're already crossing the line Lance." putol ni Aki sa sinasabi ni Lance at hinawakan pa ang wrist ko para siya na ang pumagitna saming dalawa ni Lance. "I could let you ruin my name to everyone while staying in your line.. as Ivo's ex."


Nilapit pa ni Aki ang mukha niya kay Lance na ngayon ay kitang-kita na ang inis.


Hindi ko gusto ang nangyayari.


Mabait si Lance sa mabait sa kaniya pero masahol siya makipag-away.


Hindi ko pa nararanasan makipag-away nang hindi namimisikal.


Tang ina, kaya ko bang manakal ng ex?


"I see no lines here." Lance said while looking at the ground.


"I'll make one then." Aki answered as he intertwined my hand to his, nakita naman agad iyon ni Lance.


"Pagsisisihan mo 'to Akius Gatlin at makikita mo ang hindi mo binalikan, Flint Ivo." lapit niya sakin at saka kami nilagpasan.

Living In Tranquility (Red String Series #1)Where stories live. Discover now