CHAPTER 19: AN UNEXPECTED ENDING (Case)

281K 9.3K 1.7K
                                    

Chapter 19: An Unexpected Ending (The Case)

I found ourselves standing in front of a big two-storey house. Mataas ang mga pader na nakapalibot sa bahay at natatabunan iyon ng halaman na gumagapang sa pader. On the side was a rusty swing at mga estatwa na kung anu-ano. It was no doubt an old house base sa disenyo ng bahay. We didn't wait too long dahil agad kaming sinalubong ng isang matangkad na babaeng nakasalamin. Nakapusod ang buhok nito at may dala-dalang planner. I bet she's Thalia. Bahagya itong nagtaka dahil may kasama si Sir Ric but it was only for a while. Agad na nabalot ng pangamba ang mukha nito.

"Sir, naghihintay po sa loob si Mr. Ruelan at si Sir Eddie. Tumawag na rin po kami ng pulis-"

"Pulis? Why did you call some again?", gulat na tanong ni Sir Rick ay Thalia. Inayos nito ang suot na salamin at bahagyang napaatras.

"Ideya po iyan ni Sir Eddie. Alarming daw po kasi-"

"I do not want the police to be involved here again Thalia! Nasa loob din ba si Osler?", his voice wasn't the usual sweet-toned guy na kausap ni Jeremy kanina. Maybe he was really angry.

"O-opo Sir."

He stopped on his track at laglag ang balikat na hinarap kami. "I'm sorry it's a wrong timing. You see, nagkaroon ng kaunting problema."

"No problem Sir, gaya nga po ng sinabi ko kanina, we will try our best to help", malawak ang ngiti na wika ni Jeremy. Sinuklian naman iyon ni Sir Ric ng ngiti at iginiya kami papasok sa loob ng bahay.

I thought I will wander myself with the interior of the house ngunit nang makita ko kung sino ang sinasabi ni miss Thalia na "pulis" ay napasimangot ako at nakalimutang mamangha sa disenyo ng loob ng bahay. It was Detective Adler with his minion again, but this time he was with Inspector Fenris. Inirapan ko siya at ngumisi ito ng nakakaloko.

"Ah, must be fate to meet you again Miss Sison", wika niya at tumingin sa akin. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at sinalubong si Sir Ric. "Magandang araw Mister Enriquez, I believe we already meet few days ago."

"Yes Detective Adler, mukhang patuloy pa rin ang mga natatanggap ko na pranks. So you know these kids with me?"

"Ah yes, we're friends or so I thought. Well, kakilala ko sila especially this one", he tapped my head at agad kong tinabig ang kanyang kamay. Heck, I am not a dog for goodness sake! "She's hmm, let's say a big help to the police like us."

No matter how flattery the words he used to describe me, wala iyong epekto sa akin. I hate him at magugunaw muna ang mundo bago kami magiging magkaibigan.

"Gayundin ang sabi ng mga batang ito. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil sa mga nangyayari nitong mga nagdaag araw", sagot ni Sir Ric. "If you excuse me, I have to talk with my editor for now."

Tuluyan na itong umalis at nilapitan ang isang lalaki na naroon din. Lumapit naman si Detective Adler sa amin at muling ngumisi. Have I told you how annoying his grin is?

"I'm not surprise to see you here. I believe malakas ang radar ninyo kapag ganito ang mga sitwasyon."

I rolled my eyes and planned not to talk to him. Mas pipiliin ko pang mapanisan ng laway than to chitchat with him.

"Hey you."

Sabay kaming napatingin ni Detective Adler kay Jeremy. He wasn't smiling and his direct gaze was boring through the detective. "Alam mo bang ayaw kitang makita?"

Napahalukipkip si Detective Adler at napatingin sa kanya. "Who are you again? Ahh, I remember now. The murderer, oh no. Almost the murderer."

DETECTIVE FILES. File 3 (COMPLETED)Where stories live. Discover now