CHAPTER 40: GAME OF DEATH (Part 2)

221K 9K 2.7K
                                    

Chapter 40: Game of Death (Part 2)

Kung pwede nga lamang ay nagrequest na ako kay Chancellor Judas ng mga bodyguard para sa bawat estudyante ng Bridle! O hindi kaya ay hihingi ako ng pabor sa presidente ng Pilipinas na magpadala ng Special Forces upang bantayan ang kaligtasan namin! Bridle is not safe anymore. The Genesis penetrated the school yet wala akong nakikitang hakbang na ginagawa ng Bridle. Or maybe they don't know about it. Even though the deaths are alarming, pinapangalagaan ng Bridle ang magandang pangalan nito kaya ang division ni Detective Adler ang kinuha nito para sa mga imbestigasyon. They don't want to risk the good name of the school kaya hindi lumalabas ang mga masasamang balita tungkol dito. I don't know how they deal with the families of the dead students, maybe they paid them a huge compensation for the loss o di kaya ay nangako sila ng hustisya at naghugas kamay sa nangyari.

I sat on the bench na nasa likurang bahagi ng gymnasium. I chose not to hangout with the others dahil mainit pa rin ang dugo ko kay Math. How dare her say things about my Dad kahit pa sabihin nating totoo nga ang mga iyon. And the way she said it? She sounded like I have the most disgusting father in the whole universe! Kaya mas mabuti nang dumistansya muna ako sa kanila. Sumandal ako at dahan-dahang ipinikit ang mga mata. Ah, this place is perfect for the peacefulness that I wanted. Walang Math na kung umasta ay parang kung sino, walang Gray na hindi man lamang ako kayang ipagtanggol, walang Jeremy na kung anu-ano lang ang pinagsasabi! Hmmm! So quiet and peaceful-

"Bestie, anong insekto ang rockista?"

I glared at Jeremy nang bigla na lamang sumulpot mula sa likuran ko. He was standing at my back at malapit ang ulo niya sa tenga ko. I pushed away his face at tumalon naman siya mula sa likuran at umupo sa tabi ko. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na walang Jeremy na asungot dito!

"Alam mo bang sinadya kong magpakalayo sa inyo? I need some space", walang emosyong wika ko.

He moved from his seat away from me. "Oh ayan, sapat na ba ang space na 'yan?"

I raised a brow at him. "Je, I really need some time."

He glanced at his wristwatch. "Hindi ba gumagana 'yang relo mo? Quarter to four na Bestie."

Can I choke him? I sighed in frustration. "Jeremy, I'm serious."

Isang malawak na ngiti ang iginawad niya sa akin kasabay nang paglahad niya sa kanyang palad. "Hi Serious, I'm Jeremy- hey you're lying. You are not Serious, you are Amber!"

"My God, Je give me a break!", I said in desperation.

Kinapkapan niya ang bulsa ng suot niyang pants. "Wala akong break eh. Ikaw ba, meron ka?"

Ako na lang ang sumuko. Mukhang wala talaga itong balak na iwan ako. "Argh! Whatever!"

Iniiwas ko na lang sa kanya ang tingin ngunit muli itong nagsalita. "Oh ano na Bestie, anong sagot mo sa tanong ko kanina na sinong insekto ang rakista?"

"Ewan."

"Edi si EPIS Presley! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

I just threw a glare at him habang panay naman ang tawa niya. I thought he would die laughing on his pun ngunit hindi nagtagal ay tumahimik ito at seryosong tumingin sa akin. "I apologize in behalf of Math."

I scoffed and looked away. "Inutusan ka niya? Look, you don't have to-"

"No. As a peacemaker of the Detective Triumvirate Plus One, I apologize for what she said."

"Peacemaker? Kailan pa nagkaroon ng peacemaker ang isang nonexisting detective group?"

"Ngayon lang", he answered at hinawakan ang ulo niya na tila ba binabasbasan ang sarili. "By the power vested on me as the base member of Detective Triumvirate Plus One, I appoint myself as the peacemaker. Oh, ayan, legal na so tanggapin mo na ang sorry ko."

DETECTIVE FILES. File 3 (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin