CHAPTER 41: GAME OF DEATH (Part 3)

232K 9.8K 9.9K
                                    

Chapter 41: Game of Death (Part 3)

Pagkatapos kong isigaw ang buong pangalan ni Jeremy, which he obviously hates dahil nalukot ang mukha niya ay tinanggal ko ang poster mula sa bulletin board at agad na nilakumos iyon.

"Nasaan ang iba pang poster?!"

Napakamot siya sa kanyang ulo. "Wala na. Tinanggal na rin ni Gray. Ang KJ 'nyo talagang dalawa!"

"Hindi nakakatuwa 'tong ginawa mo Jeremy. Bakit mo naman pino-promote ang isang imaginary detective group?"

Nakarinig kami ng pagtikhim at kasunod niyon ay ang isang pamilyar na boses. "I think I came on a wrong time."

Napalingon kami ni Jeremy sa pinagmulan ng boses at nakita si Reo. Matagal-tagal ko din siyang hindi nakita. Bahagya akong napakalma nang makita siya. "R-reo."

"Hi there Pretty", bati niya at iniabot sa akin ang isang bouquet at chocolate. He kissed me cheek at napatikhim si Jeremy.

"R-reo. I believe you already met Jeremy. Je, si Reo", pakilala ko sa kanila. Ang nakangising mukha ni Jeremy kanina ay napalitan ngayon ng seryong mukha. Sa paraan ng tingin na iginagawad nito kay Reo ay parang kinikilatis nito ang huli.

"Yes, hello Jeremy", he said at muling bumaling sa akin. "I'm sorry if I'm nowhere to find these past weeks, medyo busy lang. I tried calling you in your phone but out of reach ka."

"Okay lang, hindi ka naman hinahanap ni Amber eh", mahinang wika ni Je ngunit dinig na dinig namin ang sinabi niya. I glared at him ngunit wala iyong epekto sa kanya.

"I lost my phone", sagot ko. "Thank you for the flowers and chocolates." Hiningi niya ang bagong number ko at ibinigay ko naman iyon sa kanya.

"Bakit mo siya binigyan ng flowers, buhay pa naman siya ah?", Jeremy asked. "At chocolates? Hindi niya type ang chocolates."

"Jeremy!"

"Ayaw mo ng chocolate Amber?"

"No, I like chocolates. Huwag mo na lang pansinin 'yan si Jeremy, mapagbiro kasi 'yan."

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Matamis na ngumiti si Reo. "I'll think of something next time Amber. Hindi na rin ako magtatagal-"

"Mukha ka namang malusog at walang sakit, pero mabuti na rin na hindi ka na magtagal", wika ni Jeremy. What the hell?!

"No, I mean hindi na ako magtatagal dito sa Bridle."

"Ahh, akala ko naman hindi ka na magtatagal dito sa mundo, sayang", Jeremy said at mahinang sinipa ko ang paa niya. Reo ignored him at muling bumaling sa akin.

"Let's go out tonight Amber", paanyaya niya.

"Tonight?" But we have to make sure na hindi mapapahamak si Doreen mamayang gabi. I want to say yes but I cannot risk leaving Bridle without making sure na ligtas si Doreen.

"Sakto! Libre din ako mamayang gabi, sama ako!", Jeremy said. It sounded like a declaration than asking for our approval. "Libre na tayo mamaya Bestie at magandang mag-enjoy naman tayo. You know, break from stress. Pumunta tayo sa club!"

"Pero Jeremy, si Doreen."

Ngumuso siya sa sasakyang dumaan sa harap namin. It was Doreen at posibleng Daddy at Mommy niya ang kasama niya sa loob ng kotse. "There's Doreen kaya makakasiguro tayo na ligtas na siya- or at least malayo siya sa panganib na nasa Bridle."

"But I want to bring Amber in a restau-"

"Ayaw ko sa restaurant", reklamo ni Jeremy. "Ang liliit ng mga sineserve na pagkain tapos ang mamahal pa, akala mo naman sobrang sarap. Diba ayaw mo rin sa restaurant Bestie?"

DETECTIVE FILES. File 3 (COMPLETED)Where stories live. Discover now