CHAPTER 47: ONE MURDER, FOUR KILLERS (Part 1)

203K 8.3K 3.7K
                                    

Chapter 47: One Murder, Four Killers (Part 1)

I was trying to read the situation right now. Gising na si Jeremy samantalang hindi naman maipinta ang mukha ni Math mula pa kanina nang umalis si Victoria. Gray was standing on the door at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming tatlo. Like me, he is also trying to read the situation here.

"Math?" tawag ni Gray sa pangalan nito ngunit isang matalim na tingin lamang ang isinukli ni Math sa kanya.

He looked at me as he tried to get some explanation about Math's attitude but I
only shrugged my shoulders. Hindi ko alam kung bakit tila ganoon ka inis si Math. Naiinis ba siya dahil nakatakas ang magnanakaw o dahil pinisil ni Victoria ang sugat niya?

Biglang tumayo si Jeremy at kinusot ang kanyang mga mata. "Nakatulog ba ako?"

"What happened to your face puns?" Gray asked at tinuro ang kanyang pisngi. Napakunot ang noo ni Jeremy at napahawak sa kanyang pisngi. When he felt nothing, he rushed towards the restroom at ilang segundo ang lumipas ay lumabas ako na nakabusangot ang mukha.

"Sino sa inyong dalawa ang gumawa nito?" tanong niya nang makalabas siya at tinuro ang marka sa mukha niya na galing sa lipstick na suot ni Victoria. "Maya! Ikaw ba?"

Isang matalim na irap ang natanggap niyang sagot mula kay Math. Mukhang wala nga ito sa mood kaya hindi namin makausap nang maayos. Jeremy pouted and looked at me. "Ikaw Bestie?"

"You wish! Tsaka hello? May suot ba akong pulang lipstick?" sagot ko.

"Kung gayon ay..." he stopped and covered his mouth. Saglit na nagdilim ang anyo nito bago muling nagsalita. "Abo! You did this? Oh my-"

Isang lumilipad na piraso ng grapes ang nagpatigil dito. He glared at Gray na siyang nambato. Buti nga hindi mansanas o kaya ay peras ang ibinato nito!

"Nakakadiri ang iniisip mo Puns."

"Then who did this?" Inis na kumuha ng tissue si Je. "Alam niyo bang ang marka ng lips ay parang fingerprints lang din? Each one is unique so if I run a test malalaman at malalaman ko kung sino sa inyong tatlo ang pangahas."

Sasagot na sana ako nang naunang magsalita si Math. "Umalis na nga kayo dito. Gabi na kaya umalis na kayo dito- lalo ka na. Umalis ka nga diyan sa kama ko. Kanina pa nangangawit ang katawan ko dito sa wheelchair!" singhal ni Math kay Jeremy.

Kahit nagtataka ay tumayo si Jeremy at tinulak ang wheelchair ni Math patungo sa kama. Math is definitely in the mood kaya mas mabuting magpahinga na muna ito. The doctor said that she will be discharged tomorrow.

"Maya, pakiabot nga nung cellphone, nandiyan sa unan," pakiusap ni Jeremy ngunit gaya ng kanina pa niya natatanggap, isang irap ulit ang ibinigay ni Math sa kanya.

"Kuhaa diha. Manugo pa jud ka nako! Ikaw diay, pungkol ka?" she mouthed at nagkatinginan kaming tatlo. Anong sabi niya?

Maybe it will take us forever to wait for her to hand Je the phone kaya si Jereny na mismo ang nag-abot niyon. Nagpaalam na lamang kami sa kanya- but still wondering why she acted that way. Bakit nga kaya?

***


Days passed and Math was recovering. Sa mga nagdaang araw ay walang nangyari na nagpataas sa imaginary wall sa pagitan namin ni Math. As the acting SC president, Math always stays at the Student council office and we always tag along.

Kasalukuyang may ginagawa sa mesa niya si Math samantalang naglalaro naman ng chess si Gray at Jeremy. I walked back and forth the office at hindi mapakali.

DETECTIVE FILES. File 3 (COMPLETED)Where stories live. Discover now